• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-07-17 19:11:01    
Lutong Thai: Ruam Mit Soup

CRI
Kumusta na kayo mga tagasubaybay ng Cooking Show ni Kuya Ramon. Ngayong gabi, ituturo ko sa inyo kung paano ang pagluluto ng isang klase ng Thai soup. Ang tawag dito sa salitang Thai ay Ruam Mit Soup, pero kung iinglesen ay Mixed Meat and Vegetable Soup.

3/4 na tasa ng karne ng manok, hiniwang pa-cube
1/2 tasang karne ng baboy, pinutol din ng pa-cube
4 na tasa ng atay ng manok
4 na balumbalunan, hiniwaan sa gilid
1/2 tasang hipon, inalisan ng shell pero hindi ginalaw ang buntot at hiniwang pahaba
1 katamtamang laking radish, hiniwang pa-diagonal
1 katamtamang laking carrot, hiniwang pa-diagonal
4 1/2 tasang sabaw ng manok
2 1/2 kutsarang fish sauce
2 tangkay ng sariwang coriander, tinadtad
2 tangkay ng spiring onions, tinadtad
1/4 na kutsarita ng itim na pamintang durog

Pakuluin ang sabaw ng manok. Ilagay ang manok, baboy at balumbalunan. Ilaga sa mahinang apoy hanggang sa lumambot. Isunod ang atay, hipon, radish at carrot. Lagyan ng fish sauce para magkalasa. Pagka luto na, ilipat sa serving bowl. Budburan ng paminta, coriander at spring onions.

Bigyang-daan naman natin ang liham na padala ni jose Escobar ng Letran College.

Sabi ng kaniyang liham...

Dear Friends,

Ako si Jose Escobar, nag-aaral sa college de San Juan de letran.

Ngayong taon ko lamang nasumpungan ang inyong transmission na nahahati sa apat na bahagi: Balita, Usap-usapan sa Tsina, Kulturang Tsino at Mag-aral magsalita sa Wikang Tsino.

Noong minsan, ang narinig kong topic ni Ramon Jr. ay sigarilyo at paninigarilyo--parang something to the effect na ang tobacco o cigarette business ay isang false economy. Sa tingin ko napapanahon ang topic na ito dahil dito lamang sa school namin maraming estudyante ang naninigarilyo.

Alam ninyo, sa Filipino students, ang paninigarilyo ay hindi lamang isang bisyo kundi isa ring pangporma at pagpapa-class. Bihira kayong maka makakita ng estudyanteng naninigarilyo ng "Bataan Matamis" o "Marke Niyog" o "Hope" o "Champion". Kasi nga ang mga brand na ito ay walang "class" sa kanila. Kaya tuloy ang kanilang mga allowance ay sa sigarilyo lamang napupungta. Ang negative effect na ito ay sa budget pa lamang; hindi pa kasama rito ang sa kanilang health at ang sa envirenment.

Ako nga pala ay first year sa law college. Nakalimang taon naako sa pre-law kaya mga 4 na taon pa ang bubunuin ko.

Meron din kayong broadcast sa English kasabay ng inyong eight o'clock Filipino Service transmission pero mas enjoy pa ako sa inyong service.

Gusto ko sanang I-suggest inyong Matang Banyaga, mga Pilipino naman ang hingan ninyo ng impressions, at gusto sana naming makarinig ng Chinese pops.

Wow, medyo nauubusan na ako ng kuwento.

Till next time.

Jose Escobar
Law College
Colegie de San Juan de Letran
Manila, Phils

Thank you so much Jose. Tatanggap ka ng t-shirt na may double happiness dahil ang sulat me ay napiling esepesyal na liham. Maraming salamat uli at sana hindi ka magswa ng pakikinig sa aming mga programa at ng pagsulat sa amin.