Ang Double-Seven Day ay natatapat sa ika-7 araw ng ika-7 buwan sa Chinese Lunar Calendar. Hindi kasingkilala ang araw na ito na gaya ng maraming iba pang pista ng Tsina. Pero, alam na alam ng halos lahat ng mga Tsino, bata man o matanda, ang kuwento sa likod ng pistang ito.
Noong unang panahon, may isang mahirap na pastol ng baka na pinangalanang "Niulang". Bata pa siya noong namatay ang mga magulang niya, kaya doon siya tumira sa kanyang kuya. Pero sa kasamaang-palad, kapwa maramot at malupit ang kuya at hipag ni Niulang at pinakikitunguhan siya nang masama ng mga ito. Hindi na siya pinakakain nang husto, pinagtatrabaho pa siya nang sobra kay halos wala na siyang panahon para matulog. Sa bandang huli, basta na lamang sinipa si Niulang ng kanyang kuya at hipag sa labas ng bahay. Ang tanging ari-arian na lamang niya sa daigdig ay ang damit niya sa likod at ang isang matandang kapong baka.
Nagtayo si Niulang ng isang kubu-kubuhan na binubungan ng pawid. Siya ay nagputol, naghukay at nagpapawis hanggang magawa niya ang isang vegetable garden sa mabatong lupa. Madalas siya ay pagod at gutom pero may panahon pa rin siya para alagaan ang matanda niyang kapong baka. Isang araw, ang bakang ito ay nagsimulang magsalita. Sinabi nitong noon siya ay si Taurus, isang marangyang bitwin sa langit kung gabi. Ngunit minsa'y lumabag ito sa batas ng Heavenly Palace sa pagnanakaw ng mga buto ng butil at pagbibigay ng mga ito sa daigdig ng tao. Bilang parusa, ipinatapon ito sa mundong ito bilang isang kapong baka.
Hindi malayo sa maliit na bahay ni Niulang ay may isang banal na lawa. Sinabi ng matandang kapong baka sa amo nito na pupunta roon ang mga batang diyosa pagkaraan ng ilang araw para maligo. At isa sa kanila ay si Zhinv o "the girl weaver". Si Zhinv anito ay apo ng hari ng kaharian ng langit. Banal at mabait, siya ang kapong baka at pagkatapos ay sinabi nitong kung makukuha ni Niulang ang damit ni Zhinv habang nasa banal na lawa ang huli, mananatili ito at puwede niyang mapangasawa.
Pagdating ng araw na iyon, nagtago si Niulang sa gitna ng mga tambong o bush na tumutubo sa tabi ng lawa at naghintay sa mga batang diyosa. Hindi nagtagal sila ay dumating na gaya ng ginabi ng kapong baka. Hinubad nila ang kanilang "silk robes" at masayang nagtalunan sa malinis na tubig. Gumapang si Niulang mula sa kanyang pinagtataguan, dinampot ang damit ni Zhinv at saka tumakas. Ganoon na lamang ang takot ng mga kasama ni Zhinv kaya umahon agad sila, mabilis na nagdamit at nagtatakbo papalayo. Naiwan si Zhinv sa lawa. Bumalik si Niulang at isinauli kay Zhinv ang kanyang damit. Sa unang pagkikita pa lang ay tumibok na ang puso ng lalaki sa babae. Tinugon ng dalaga ang kanyang titig at naramdaman niyang handa itong pakasal sa kanya.
Labis na nagmahalan silang dalawa at hindi nagtagal ay lumagay sila sa tahimik. Nagsikap si Niulang na mag-alaga ng pananim samantalang ang asawa naman niya ay nag-alaga ng silkworm. Tiniyak niya na hindi sila sasala sa oras. At ang katangi-tanging seda at satin na hinahabi ng babae naman ay naging kilalang kilala naman kaagad. Pagkatapos ng tatlong taon, nanganak ni Zhinv ng kambal, isang lalaki at isang babae. Pinangalanan nila ang lalaki ng "Brother Gold" at ang babae ng "Sister Jade". Ikinasiya ng mag-asawa ang bagong dagdag sa kanilang pamilya at naniwala silang magiging maligaya sila sa buong buhay nila.
|