• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-07-21 15:24:22    
Mga produktong mapangalaga sa kapaligiran, winiwelkam ng mga mamimili

CRI
Ang pagpapasulong ng mga enerhiya na malinis at mapangalaga sa kapaligiran na tulad ng enerhiya ng araw, enerhiya ng buhangin at enerhiyang biomass ay nagsisilbi ngayong isa sa mga priyoridad ng estratehiyang pang-enerhiya ng Tsina. Upang maitaguyod ang mga produktong matipid sa yaman at mapangalaga sa kapaligiran, isang may kinalamang perya ang idinaos kamakailan sa Beijing. Karamihan sa mga itinanghal na produkto ay nakatawag ng pansin ng mga mamimili. Kabilang dito, ang produkto ng isang kompanya ng Beijing ay higit na binigyang-pansin ng mga bisita. Isinalaysay ni Fu Youhong, Tagapangulo ng kompanya, na sa pamamagitan ng pagbawi at muling paggamit ng biomass na tulad ng dayami at kusot, gumagawa sila ng biofuel at maari rin silang magprodyus ng koryente sa pamamagitan ng biofuel. Sinabi pa ni Fu na:

"Salamat sa peryang ito, ilang bahay-kalakal ang nagka-interes sa aming produkto at gusto nilang kumpletuhin ang kanilang boiler sa pamamagitan ng paggamit ng bagong panggatong. Ang aming mga teknisyan ay babalangkas ng mga may kinalamang proposal para sa kanila at inaasahan, sa loob ng isa o dalawang buwan, na makagagamit ng bagong enerhiya."

Ang konsumo sa enerhiya ng industriya at konstruksyon ay katumbas ng 90% ng kabuuang konsumo sa enerhiya ng bansa. Sa nabanggit na perya, meron ding produktong tumutugon sa naturang problema. Ito ay isang produkto na maaring gamitin, sa particular, sa iba't ibang industriya para makapagtipid sa koryente. Kaugnay nito, ipinaliwanag pa ni Li Zhihong, Presidente ng kompanya, na:

"Nangunguna sa daigdig ang aming produkto pagdating sa pagtitipid sa koryente. Malawakang ginagamit ito ngayon sa mga malaking bahay-kalakal ng langis at petrokemikal at sinabi nilang epektibo ang aming produkto."

Sa naturang perya, ilan pang order ang natamo rin ng nasabing kompanya.

Kulang na kulang sa tubig ang Tsina, lalung lalo na sa dakong hilaga. Isa sa mga nakatanghal na produkto ay nakakatulong sa paglutas sa naturang problema. Ito ay isang makina ng paglinis ng mga gulay at itinatampok ang automatikong pagrerecycle ng tubig sa paglinis, pagdidisimpekta sa pamamagitan ng ultraviolet ray at ozone at pagdadalisay ng tubig sa pamamagitan ng activated carbon. Dahil sa pagiging epektibo ng produkto, maraming bahay-kalakal at kagawaran ng pamahalaan ang gumagamit nito. Sa kasalukuyang taon, naidebelop din ang isang klase ng nabanggit na makina na nakatuon sa pamilya. Maraming karaniwang mamimili ang naaakit dito. Kaugnay nito, sinabi ni Ginoong Li, isang bumibisitang mamimili sa perya na:

"Gusto kong bumili ng isa. Natuklasan kong mabisa ito sa pagdisimpekta at matipid sa tubig at koryente at isa pa mura ito."

Meron ding mga itinanghal na teknolohiya. Halimbawa, iyong teknolohiya na may kinalaman sa pagpoproseso ng mga basura. Sa pamamgitan ng teknolohiyang ito, maaring baguhin ang isang basurahan sa wetland park na may pang-akit na ilog, damuhan, punong kahoy at halaman.

Upang mahikayat ang pagpapaunlad ng mga produktong matipid sa enerhiya at mapangalaga sa kapaligiran, nakaplanong bigyang-priyoridad ng Pamahalaang Tsino ang mga ganitong produkto sa paglakip sa listahan ng government procurement. Napag-alamang ginagamit ngayon ang naturang mga produkto sa pagtatayo ng mga gym para sa Beijing 2008 Olympics at gayundin sa pagpapabuti ng mga bahay-kalakal na malakas sa enerhiya.