• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-07-21 15:24:56    
Arlene Santos: Anumang bagay na magmumula sa iyo ay ituturing kong mahalagang bagay

CRI
Dear Kuya Ramon,

Hindi mo na kailangang tanungin kung ano ang gusto ko sa Valentine's Day. Anumang bagay na magmumula sa iyo ay ituturing kong mahalagang bagay at iingatan ko nang mabuti. Sabi nila ang bagay daw na nagmumula sa taong may malaking puso ay parang isang mamahaling hiyas. Ikaw mismo, alam mo iyan, itinuturing naming lahat na isang mahalagang hiyas. Siguro mahirap na kaming makakita ng katulad mo.

Malungkot ka noong panahon ng Tsunami. Alam ko iyon. Pati iyung programa mo tungkol dito malungkot din ang dating pati background music. Talaga naman kasi pag may ganitong insidente hindi mo maitatago ang iyong kalungkutan.

Alam ko kuya, hindi ko napigilan ang pagluha noong mapanood ko sa TV ang isang nanay na halos masiraan ng bait dahil hindi niya nailigtas ang apat niyang anak. Dalawa lang ang kaya niyang hawakan noon. Para daw siyang nagi-guilty. Siguro kung ako ang nanay na ito baka naloka na ako. Hindi ito kaya ng aking dibdib.

Kuya, itutuloy mo pa ba ang ginawa mong program tungkol sa Tsunami? Kasi kung magkakaroon ka ng part II gusto kong mag-contribute. Ano ba ang death toll ngayon?

Huwag mong alalahanin ang inyong transmission. Malinaw ang dating dito sa amin. Pati iyung mga correspondence niyo natatanggap namin lahat.

Nakarating na iyung mga putting t-shirts na galing sa Guangxi. Ito ba ang nag-sponsor ng iyong knowledge contest? Nakuha ko na rin iyung acknowledgement mo sa pagsali ko. Thanks a lot. Gusto ko ring magpadala sa iyo ng regalo para sa birthday mo.

Sana lagi kang malakas, kuya. Alam namin na lagi kang may sakit. Fatigue iyan. Learn to relax.

Paano kuya, hanggang dito na lang ito.

Kumusta sa lahat.

Love

Arlene Santos

San Andres, Manila