• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-07-24 16:09:58    
Bagong tagapagtaguyod ng Serbisyo Pilipino

CRI
Nitong nagdaang Miyerkoles, dumalo ako sa isang recital na ginanap sa Embahada ng Pilipinas dito sa Beijing. Ang nagtanghal ay ang bantog na Pilipinong piyanistang si Adolovni Acosta na marami na ring tinanggap na parangal hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba pang bansa. Nagkaroon ako ng pagkakataon na makapanayam si Ms. Acosta pagkatapos ng recital.

Si Ms. Adolovni Acosta ay nagtapos sa Pamantasan ng Pilipinas at sa The Juilliard School of Music. Siya ay nagwagi ng unang gantimpala sa National Piano Competition sa Maynila na itinaguyod ng Music Promotion Foundation of the Philippines. Nakapaghandog na siya ng mga recital sa mga bansa sa Europa, Hilaga at Timog Amerika, Asya, Australya at New Zealand at sa mga kilalang tanghalan na tulad ng Carnegie Hall, Alice Tully Hall, Steinway at marami pang iba. Kamakailan, siya ay nagtanghal sa Hong Kong Academy for The Performing Arts, Melba Conservatorium of Music sa Melbourne, Australia at sa Philippine Embassy sa Doha, Qatar. Ang mga pagtatanghal niya ay naitampok sa mga programa sa telebisyon sa iba't ibang bansa.

Alam niyo, iba si Ms. Acosta sa mga Filipino entertainer na nakapanayam ko. Sa kaniya walang pagkakaiba ang mga dayuhan at Pilipinong manonood.

Sabi ni Ms. Acosta, hangang-hanga daw siya sa mabilis na pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina at hangang hanga siya sa pagiging enterprising ng mga mamamayang Tsino. Sa mga bagay naman daw sa Tsina na nagustuhan niya, bukod sa hospitality ng mga Tsino, nagustuhan din niya ang masasarap na pagkaing Tsino at nagustuhan niya ang Lunsod ng Beijing.

Tinanong ko siya kung anu-ano nang lugar sa Tsina ang narating niya. Ang sabi niya hindi pa siya talagang nakakapaglibot kaya excited na excited siyang makarating sa mga lugar na pupuntahan nila sa mga darating na araw.

At iyan ang munting panayam ko kay Adolovni Acosta, Pilipina, batikang piyanista, pambansang alagad ng sining at dangal ng buong sambayanang Pilipino.

Listener Serves Chinese Foods at Parties

Oras na naman para sa pagbabasa ng liham ng tagapakinig dito sa Dear Seksyong Filipino.

Ang liham na bibigyang-daan natin ngayong gabi ay padala ni Lenie O. de Ocampo ng Sta. Ana, Manila.

Sabi ng kaniyang liham...

Dear Seksyong Filipino,

Masayang bati muna sa inyo.

Salamat nang marami sa inyong mga resiping Tsino. Marami-rami na rin akong namaster doon sa mga padala ninyong recipe ng Chinese food. Pag mayroong handaan sa bahay namin o may party ang mga friends ko niluluto ko ang mga putahe na ipinadadala ninyo. Gustung-gusto nila. Ang husay ko daw magluto. Ang totoo nagsimula lang ako talagang mag-aral magluto dahil na rin sa inyo, sa kapapadala ninyo ng recipes. Lagi kong binabanggit sa inyo ang development ng pagluluto ko kung natatandaan pa ninyo.

Noong araw pa ang pinakikinggan ko lang sa inyo ay ang Alam Ba Ninyo at letter-reading dahil wala akong hilig sa balita. Paminsan-minsan nakikinig din ako sa music ninyo. Ngayon, ang hinihintay kong lagi ay ang inyong Cooking Show. Kahit walang recipe okay lang, kasi nasusundan ko naman ang inyong pagluluto on the air.

Siya nga pala, ang nanay ko nagpapasalamat din sa inyo dahil magmula daw noong makinig ako sa inyo at nagka-interes magluto hindi na ako naglalabas ng bahay. Mas panatag daw ang kalooban niya pag nasa bahay ako.

Ang pinasasalamatan ko na partikular ay si Ramon Jr., dahil sa mga sulat niya sa akin ini-encourage niya akong magluto. Corny ba ako?

Sulat kayo uli, ha?

Love,

Lenie O. de Ocampo

Eloriaga St.,

Sta. Ana, Manila

Philippines

Maraming-maraming salamat Lenie sa iyong liham at sa pag-uukol mo ng panahon sa aming mga programa. Sana magpatuloy ka ng pakikinig at pagsulat sa amin.