• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-07-27 21:04:17    
Niulang, Zhinv at Double-Seven Day

CRI
Dahil sa labis na pananabik nila sa magandang buhay sa hinaharap, hindi nila namamalayan na may isang malaking sakuna na darating sa kanilang buhay.

Isang araw, ang alaga ni Niulang ay naghingalo. Bago tuluyang ipikit ng alaga ng mag-asawang mga mata nito, sinabi nito sa kanila na ang balat nito ay makakapagpalipad ng isang tao hanggang doon sa langit. Hiniling sa mag-asawa ng kanilang alaga na ipreserba nila balat nito.

Samantala, natuklasan ng Hari at Reyna ng Kalangitan na pumunta na ang kanilang apo sa daigdig ng tao at nagpakasal pa, bagay na ikinapoot nila. Kaya, lumipad ang reyna sa mundo kasama ang kanyang mga sundalo.

Isang araw, pagkagaling ni Niulang sa bukid, nakita niyang nakaupo sa lupa at umiyak ang dalawang anak niya. Sinabi nila kay Niulang na ang kanilang nanay ay kinuha ng isang matandang babae. Naalala ni Niulang ang sinabi ng kapong baka, at inilagay niya ang kambal sa wicker basket para pinggahin. Pagkatapos ay isinuot niya iyong "magic hide" at lumipad sa langit. Halos nagpang-abot na sila ng reyna at kanyang asawa nang marinig ng reyna ang pag-iyak ng kambal. Lumingon ang reyna at nang ikaway niya ang kamay niya, isang mapanalantang ago sang pumagitna sa kanila ni Niulang. Si Niulang naman ay hindi nakatawid sa malawak na ilog na ito. Kaya, siya at ang kanyang mga anak, na durod ang puso, ay walang nagawa kundi umiyak na lang. Naawa naman ang Hari sa kahabag-habag na pamilyang ito nang marinig niya ang kanilang paghahagulgulan, kaya ipinasiya niyang payagan sina Niulang at Zhinv na magkita minsan sa isang taon tuwing ika-7 araw ng ika-7 buwan ayon sa Chinese Lunar Calendar.

Ang kaawa-awang mag-asawang sina Niulang at Zhinv ay naging mga bituin. Si Niulang ay ang Altair at si Zhinv naman ay ang Vega. Ang mlapad na ilog na naghihiwalay sa kanila ay kilala bilang 'the Milky Way'. Sa silangang bahagi ng Milky Way ay may 3 linya at si Altair ang nasa gitna ng mga linyang ito, samantalang nasa kaliwa't kanan niya ang mga kambal. Sa timog silangan ay may anim na bituin na ang pagkakaporma ay parang isang 'ox'. Si Vega naman ay matatagpuan sa kanlurang pampang ng Milky Way at napapaligiran ng mga bituin na bumubuo ng pormang 'loom'. Tuwing ika-7 araw ng ika-7 buwan, si Altair at si Vega ay napakalapit sa isa't isa.

Nagpasalin-salin ang nakalulungkot na kuwentong ito sa bawat henerasyon. Alam na alam ng lahat na halos walang makikitang magpie tuwing Doube-seventh Day sa dahilang lumilipad ang mga ito papunta sa Milky Way kung saan bumubuo sila ng isang tulay upang magkatagpo ang magkasintahan. Kinabukasan, makikitang kalbo ang mga magpie, bunga ng matagal na pananatili nina Niulang at Zhinv sa mga ulo ng kanilang matapat na kaibigang nababalot ng balahibo.