• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-07-31 20:06:00    
Mga imperial garden sa Bejing

CRI
Ang mga mga imperial garden sa Beijing ay malipos na nagpakita ng katangaing pang-arkitektura ng Tsina sa sinaunang panahon.

Mahigit sa 800 taon ang kasaysayan ng Beijing bilang kabisera ng iba't ibang dinastiya noong sinaunang panahon. Sa kasalukuyan, mahigit sampung imperial garden ang napapangalagaan sa Tsina na kinabibilangan ng kilalang Beihai Park, Summer Palace at Yuanmingyuan garden (the old Summer Palace). Sinabi ni Madam Bai Zhenzhen, dalubhasa sa pag-aaral ng kultura ng Beihai Park na,

"Mula Yuan Dynasty hanggang Ming at Qing Dynasty, ang Beihai Park ay naging imperial garden."

Ang kabuuang lawak ng Beihai Park ngayon ay umabot sa mga 70 ektarya at ang kalahati nito ay katubigan. May isang isla sa sentro ng lawa na tinatawag "Qionghuadao" at may nakatayo rin sa pulong isang toreng may katangiang Tibetano, na pinatayo ng emperador ng Qing dynasty. Ipinakikita nitong hindi lamang ang taos-pusong pananampalataya sa Budismo ng pamilyang royal, kundi maging ang malaking kahiwagaan ng isla.

Bukod sa pulo ng Qionghuadao, mayroon pang dalawang isla sa lawa. Kung nasa ibabaw kayo ng tore, makikita ninyo ang naturang 3 isla ay nasa isang tuwid na linya. Ang nasabing man-made lake at 3 isla ay umalinsunod sa espesyal na paraan ng paggawa ng imperial garden na tinatawag na "isang lawa at 3 isla".

Sa mitolohiyang Tsino, ang mga nilikhang sobrenatural ay lagi nang naninirahan sa karagatan kung saan may 3 isla at meron ding immortality pill para sa buhay na walang hanggan. Para maisakatuparan ang nasabing mithiin, nagpalagay ang mga hari ng nabanggit na "isang lawa at 3 isla" sa kani-kanilang mga hardin. Sinabi ni Ginoong Li Jianping, eksperto sa pag-aaral ng kasaysayan ng Beijing na makikita lamang ang ganitong pormang arkitektural sa mga imperial garden. Sinabi niyang,

"Ang 'isang lawa, 3 isla' ay paraang pang-arkitektura na pinayagang lamang na gamitin sa mga imperial garden, kung hindi ikaw ay mapapatay. Kaya, kung magpupunta kayo sa Beihai Park, dapat ninyong bisitahin ang mga ito."

Bukod sa Beihai Park, dapat ding banggitin ang Summer Palace. Ito ay itinayo noong 1750. Sinabi ni Ginoong Gao Dawei, pangalawang puno ng Summer Palace Park na bilang isa sa mga world cultural heritage, ang Summer Palace ay pinakamahusay ang pagkakagawa sa mga Chinese garden architecture. Sinabi niyang,

"Ang Summer Palace ay hindi lamang siyang pinakamahusay sa mga ginawang imperial garden ng Tsina, kundi isa ring pinaka-intact na emperial garden na napapanatili hanggang ngayon."

300 ektarya ang kabuuang lawak ng Summer Palace, at makikita rito ang katangiang pang-arkitektura ng imperial garden na naglalayong ilakip sa garden ang lahat ng magagandang tanawin sa daigdig para maipakita ang kataas-taasang kapangyarihan ng hari.

Ang mga pangunahing tanawin sa Summer Palace ay binubuo ng Wanshou mountain at Kunming Lake. 50 metro ang taas ng Wanshou mountain na parang isang paniki ang hugis samantalang ang Kunming Lake naman ay parang isang peach. Ipinalalagay ng mga mamamayang Tsino na ang paniki ay nangangahulagan kasayahan, at ang peach naman ay nangangahulagan ng mahabang buhay. Kaya dito, ipinakikita nang lubusan ang kulturang Tsino hinggil sa kasayahan at pagkamahabang-buhay.

Ang Long Corridor sa Summer Palace ay isa pa ring tanawing dapat ninyong bisitahin. Ito ay nagsisilbing pinakamahabang corridor sa daigdig sa pagkakaroon nito ng kabuuang habang 728 metro at inilakip ito minsan sa Guinness World Records.

Ang Yuanmingyuan o "the old Summer Palace" ay di-kalayuan sa silangan ng Summer Palace. Ang Yuanmingyuan ay isa sa mga temporary palace ng mga emperador ng Qing Dynasty. Pero, noong 1860 sinunog ang palasyong ito ng mga tropa ng Britanya at Pransiya at isang guho na lamang ngayon ang natitira. Gayon pa man, mababanaag ninyo ang brilliance nito kung titingnan ninyo ang mga naiwang magagandang bato sa mga sinunog. Sinabi ni Madam Han ning, isang taga-Beijing na nais na sariwain sa ala-ala ang nakaraang kasaysayan ng Yuanmingyuan na,

"Mas nagugustuhan ko ang Yuanmingyuan kaysa sa Summer Palace. Kahit sa harap ng mga nawasak na gusali, mahuhulaan pa rin ang kagandahan ng Yuanmingyuan sa iyong panahon."