• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-07-31 20:06:55    
Maligayang maglalakbay sa Inner Mongolia ng Tsina

CRI
Nasubok na ba ninyong mag-ecological tour? Bakit hindi ninyo subukin?

Dito sa Tsina marami kaming mairerekomendang lugar para sa ganitong porma ng paglalakbay. Isa na riyan ang Hulun Buir Grassland sa gawing hilaga ng Inner Mongolia.

Ang grassland na ito na tinatawag ding Kingdom of Forage Grass ay isa sa pinakabantog na damuhan sa buong mundo.

Teka, saan ba nagmula ang pangalang Hulun Buir? Sabi ng Traveller na si Joy Melendez:

Ang Hulun Buir League ay may kabuuang saklaw na 253,000 kilometro kuwadrado at pinaninirahan ng 31 grupo ng minoryang etniko kabilang na ang mga minoryang Mongolian, Manchu, Daur, at Korean. Ang liga ay binubuo hindi lamang ng mga damuhan kundi maging ng mga masukal na gubat at ng isang lubos na maunlad na network ng transportasyong pandaang-bakal, pang-haywey at pantubig.

Ang isa sa mga pangunahing tourist attraction ng Hulun Buir ay ang kapital na lunsod nito mismo--ang Hailar City na nasa Greater Hinggan Mountains. Hinggil sa lunsod na ito, sinabi ni Joy sa isang bahagi ng kaniyang salaysay...

Isa pa ring espesyal na lugar sa Hulun Buir ang Western Mountain National Park na nasa kanlurang bahagi ng lunsod. Ang parkeng ito ang siyang tanging pambansang forest park ng Tsina na laan para sa proteksiyon ng Mongolian Scotch pines. Itinuturing ng mga local na mamamayan ang punong ito bilang mga bathala at sa loob ng maraming siglo, ipinabawal ng pamamahalang local ang pagputol sa mga punong ito.

Hindi dapat makaligtaang silipin ng mga bisita ang Hoh Nur, o Green Lake, na 10 kilometro mula sa sentro ng Chen Barag Banner.

Oras na naman para sa pagbabasa ng liham ng tagapakinig dito sa Dear Seksiyong Filipino.

Ang liham na bibigyang-daan natin ngayong gabi ay padala ni Cunigunda Taylo ng Mariveles, Bataan.

Sabi ng kaniyang liham.

Dear Friends,

Kumusta sa mga tunay kong kaibigan. Kayo ang aking wheel of fortune. Matagal na akong binabagabag na ubo ko. Naalala ko tuloy iyong binanggit ninyo noon na mahusay na gamot sa ubo na mula sa ugat ng puno. Hindi nabibili dito ang sinasabi ninyong gamot pero noong magpunta ako sa Chinese drugstore binigyan ako ng substitute. Epektibo rin. Salamat sa inyong paalala. Talagang ang paalala ay gamot sa taong nakakalimot. Kaya tuloy naging ugali ko na ang pakikinig sa inyong programa. Sayang nga lang at ang programa ninyo ay sa gabi. Kasi maghapon ako sa palengke dahil tindera ako ng mga sari-saring gamit sa bahay. Habang nagbabantay sana ako ng tindahan puwede akong makinig sa inyo. Gayunman, kahit ano naman ang ginagawa ko sa bahay, nakatutok din ang tenga ko sa inyong istasyon. Hinahangaan ko ang ginagawang plano ng inyong pamahalaan para sa mga senior citizen ninyo. Darating ang araw at magiging senior citizen din ako kaya malaki ang malasakit ko sa kalagayan ng mga matatandang miyembro ng lipunan. Kinagigiliwan ko din ang pakikinig sa inyong mga klasikal na tugtugin. Ito kasi ang tipo ng mga tugtugin na sadyang gusto kong mapakinggan. Salamat nga pala kay Ramon Jr. sa kaniyang mga paalala sa kaniyang mga sulat. Hanggang dito na lamang at salamat uli sa padala ninyong gamot na walang halong eksaherasyon ay malaki ang naitulong sa akin.

Gumagalang,

Cunigunda Taylo

Mariveles, Bataan

Philippines

Thank you so much Cunigunda. Very interesting at very touching ang sulat mo. Huwag kang magsasawa na pagsulat sa amin, ha? At sana magkaroon ka rin ng pagkakataong tumawag sa amin sa telepono. God love you, Cunigunda.