Mula noong Martes hanggang Biyernes, idinaos sa Kuala Lumpur, Malasya ang serye ng pulong ng mga ministrong panlabas ng ASEAN.
Si ministrong panlabas Li Zhaoxing ng Tsina ay lumahok noong Miyerkules sa pulong ng mga ministrong panlabas ng ASEAN at Tsina, Hapon at Timog Korea o 10 plus 3. Sa naturang pulong, binalik-tanaw ni Li ang progreso ng kooperasyon ng 10 plus 3 at iniharap ang ilang mungkahi hinggil sa direksyon ng pag-unlad ng kooperasyon sa hinaharap. Ipinahayag niyang nitong 10 taong nakalipas, ang kooperasyon ng 10 plus 3 ay nagkaroon ng progreso sa kapuwa lawak at lalim at nagtamo ng maraming bunga bagay na nagpabuti ng kapaligiran ng pag-unlad ng rehiyon ng Silagang Asya, nagpataas ng pangkalahatang puwersa ng rehiyon, at nagdulot ng aktuwal na kapakanan sa iba't ibang bansa. Kaugnay ng kalagayan ng Korea Peninsula, ipinahayag ni Li na lubos na pinagmamalasakitan ng Tsina ang bagong elemento sa Korea Peninsula na hindi nakakabuti sa kapayapaan at katatagan doon, umaasa si Li na sa pamamagitan ng 6 Party Talks, magsisikap ang iba't ibang panig para maisakatuparan ang walang nuklear na Korea Peninsula upang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng Peninsula at Hilagang-Silangang Asya. Nang araw rin iyon, lumahok si Li sa pananghalian ng mga ministrong panlabas ng summit ng Silangang Asya, at nagpalitan si Li at mga ministrong panlabas ng iba't ibang bansa ng mga palagay hinggil sa direksyon ng pag-unlad ng summit ng Silangang Asya sa hinaharap at iba pa.
Si ministrong panlabas Li Zhaoxing ng Tsina ay lumahok sa pananghalian ng ASEAN at ministrong panlabas ng mga kadiyalogong bansa noong Huwebes sa Kuala Lumpur, kabisera ng Malaysia, at inilahad niya ang paninindigan ng Tsina hinggil sa seguridad sa enerhiya, pagtatatag ng komunidad ng ASEAN at iba pa. Kaugnay ng seguridad sa enerhiya, sinabi ni Li na ang Tsina ay isang konstruktibong puwersang nangangalagaan at nagtataguyod sa seguridad sa enerhiya sa buong daigdig, at mataas na pinahahalagahan nito ang naturang isyu. Sinabi niyang nakahanda ang Tsina na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa mga bansang nagpo-prodyus ng enerhiya at mga bansang kumukunsumo para magkakasamang mapasulong ang katatagan ng suplay ng enerhiya ng buong daigdig at mapangalagaan ang seguridad sa enerhiya sa mundo. Ipinahayg niyang ang paga-adpot ng bagong pananaw sa seguridad sa enerhiya, magkakasamang pagngangalaga sa katatagan ng suplay ng enerhiya ng buong daigdig at kabuuang seguridad, ay angkop sa kapakanan ng iba't ibang panig. Kaugnay ng pagtatatag ng komunidad ng ASEAN, ipinahayag ni Li na ang integrasyon ng ASEAN at pagtatatag ng komunidad ay makatulong sa pagtaas ng lebel ng kooeprasyon sa loob ng ASEAN at pagpapahigpit ng katayuan ng nukleo ng ASEAN sa kooperasyong penrehiyon. Ipinahayag niyang kinakatigan ng Tsina ang proseso ng integrasyon ng ASEAN at pagtatatag ng komunidad, at nakahandang aktibong lumahok sa may kinalamang kooperasyon, at mahigpit na makipagkooperasyon sa ASEAN para isakatuparan ang komong kasaganaan.
Sa Kuala Lumpur. Dumalo dito noong Biyernes si Ministrong Panlabas Li Zhaoxing ng Tsina sa ika-13 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Porum na Rehiyonal ng ASEAN (ARF), at ipinaliwanag niya ang palagay hinggil sa pagpapalakas sa konstruksyon ng rehiyonal na porum ng ASEAN, at ipinahayag niyang patuloy na palalawakin ng Tsina ang pagtutulungan nila ng mga bansa sa rehiyong ito para magkakasamang mapangalagaan ang kaligtasan sa rehiyon ng Asya-Pasipiko. Sinabi niyang bilang pangunahing opisyal na tsanel ng multilateral na diyalogong panseguridad, nakapagpatingkad ang ARF ng positibong papel sa pagpapasulong sa pagtitiwalaan ng iba't ibang bansa, pagharap ng mga bansa sa rehiyong ito sa mga bagong hamon at pagtatatag ng may harmoniyang kapaligiran ng seguridad at pangangalaga sa kapayapaan at katatagang panrehiyon. Binigyang-diin din niyang lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang ARF, at aktibo itong nakikilahok sa mga aktibidad nito. Bilang isang miyembro sa rehiyon ng Asya-Pasipiko, buong tatag na tatahak ang Tsina sa landas tungo sa mapayapang pag-unlad, at palalawakin din nito ang pakikipagtulungan sa iba't ibang bansa sa loob at labas ng rehiyong ito para mapasulong ang malusog na pag-unlad ng ARF at magkakasamang mapangalagaan ang kaligtasan sa rehiyong ito. Nang araw ring iyon, magkakahiwalay na nakipagtagpo ang Ministrong Panlabas ng Tsina kay Condoleezza Rice, Kalihim ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos at sa kaniyang mga counterpart na sina Sergey Lavrov ng Rusya, Baek Nam Sun ng Hilagang Korea, Khurshid Kasuri ng Pakistan at Manouchehr Mottaki ng Iran, at nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa mga maiinit na isyung panrehiyon at pandaigdig na kanilang pinahahalagahan.
Sinabi noong Enero sa Kuala Lumpur ni Ong Keng Yong, pangkalahatang kalihim ng ASEAN, na ang Tsina ay mahalagang kapitbansa ng ASEAN na may positibong pakikitungo sa pag-unlad ng ASEAN. Sinabi ni Ong na nitong ilang taong nakalipas, mabilis ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at ASEAN, espesyal sa larangan ng kabuhayan. Nilagdaan ng Tsina at ASEAN ang kasunduan ng malayang kalakalan, at may pag-asang mabilis na uunlad ang bilateral na kalakalan nila. Sinabi niyang nangangailangan ang pag-unlad ng ASEAN ng pagkatig ng mga malaking bansa, espesyal ng Tsina. Ipinalalagay niyang ang pagkatig ng Tsina ay makakabuti sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon, at umaasa siyang gaganap ang Tsina ng mas positibong papel sa mga suliraning panrehiyon. Umaasa din siyang lalo pang palalawakin ng Tsina ang pamumuhunan sa mga bansa ng ASEAN, espesyal sa larangan ng paggagalugad sa langis.
|