Ang malakas na lindol sa Tang Shan, isang lunsod sa hilagang Tsina, na naganap 30 taon na ang nakaraan ay isang di-mabuburang alaala ng mga mamamayang Tsino. 240 libong mamamayan ang namatay at mahigit 4 na libong bata ang naulila sa lindol na ito. Ano na ang kalagayan ngyaon ng nasabing mga ulila?
Noong madaling araw ng ika-28 ng Hulyo ng taong 1976, naganap sa Tang Shan ang isang malakas na pagyanig na nagrehistro ng 7.8 sa richter scale. Noong mga oras na iyon, napatag ang buong Tang Shan, isang napakalaking lunsod na industriyal sa hilagang Tsina. 240 libong residente ang namatay na kinabibilangan ng mga magulang at isang kapatid na babae ni ginang Xu Weiwei.
Bago ang pangyayaring ito, may isang masayang pamilya si Xu Weiwei. Kapuwa nagtatrabaho sa mga empresang ari ng estado ang mga magulang niya, at mayroon siyang 2 kapatid na babae. Ngunit, nabago ng lindol na ito ang takbo ng kaniyang buhay. Sa kaniyang paggunita sa lindol na ito, sinabi ni Xu na:
"Biglang nagliwanag ang kalangitan, at nakarinig ako ng ingay na tulad ng sa kulog. Pagkaraan nito, nagbitak-bitak ang dinding ng bahay ko, at nagsimulang yumanig ang buong gusali, tumilapon ako sa unang palapag."
Nang tumayo si Weiwei, natuklasan niyang bagsak na ang 4 na palapag na gusali ng bahay niya, at ang kaniyang nakatatandang kapatid na babae ay naghahanap ng ilang bagay sa guho. Pagkikita kay Weiwei, naghumiyaw siya at sinabing natabunang ng guho ang kanilang mga magulang at kapatid na babae. Nang sariwain niya sa alaala ang kalagayang iyon, sinabi ni Weiwei na:
"Patuloy kami ng ate ko sa paghahanap sa mga guho ng gusali at hindi naming pinapansin ang mga naglalaglagang bato. Hindi kami nakakaramdam ng takot. Wala kaming naririnig na anumang daing sa labas. Sa palagay namin, kami na lang ang nag-iigay"
Nang mga sandaling iyon, sa isang gumuhong gusali na malapit sa bahay ni Xu Weiwei, ang 6 na buwang sanggol na babae na si Dang Yuxin ay ginising ng lindol, at umiyak nang pagkalakas-lakas.
Pagkaraan ng lindol, mabilis na nailigtas ng mga sundalo ng Peoples Liberation Army (PLA) ang mga bata. Pagkaraan ng ilang araw, nakita ng mga bata ang bangkay ng kanilang mga pamilya.
Sa malaking kalamidad na iyon, mahigt 4 na libong bata ang nawalan ng mga magulang, at naulila. Suwerte naman at mabilis na naisaayos ang kalagayan ng nasabing mga bata. Ang ilan sa kanila ay kinuha ng kanilang mga kamag-anakan na nasa malayo, halimbawa'y si Weiwei at ang kaniyang ate. Iyong iba naman ipinadala sa Paaralan ng Yu Hong, isang espesiyal na paaralan para sa mga naulila ng lindol ng Tang Shan at ang halimbawa naman ay si Dang Yuxin. Tinatamasa nila ang walang-bayad na pag-aaral doon.
Ngayon, 30 taon na ang nakaraan, nasaan ang nasabing mga ulila? Ano na ang lagay ng kanilang pamumuhay? Si Xuwewei ay nagma-may-ari ngayon ng isang kompanya ng anunsiyo, at tumitira sa isang mataas na istandard na kapitbahayan sa Tang Shan. Mayroon din siyang isang masayang pamilya. Sinabi ni Weiwei na:
"Maganda ang takbo ng negosyo ng kompanya ko, pareho kaming abala ng asawa ko. Mabilis ang ritmo ng pamumuhay ng pamilya namin. Mayroon din kaming isang maganda at matalinong anak na babae, at nag-aaral siya sa isang pribadong paaralan sa Da Lian, isang baybaying lunsod na malapit sa Tang Shan."
Si Dang Yuxin ay nagtatrabaho ngayon sa Federation of Disabled Persons ng Tang Shan. Sinabi niya sa mamamahayag na sa kasalukuyan, matatag ang kita ng kaniyang pamilya, maligaya ang kanilang pamumuhay, at maayos ang kaniyang hanapbuhay. Mayroon siya aniyang isang kaibig-ibig na anak na lalaki.
Kauganay ng ika-30 anibersaryo ng lindol ng Tang Shan noong ika-28 ng Hulyo ng taong ito, binalak ni Dang na, kasama ng kaniyang anak na lalaki, pumunta sa The Tangshan Earthquake Cenotaph, at magkuwento sa kaniyang anak ng mga kuwento hinggil sa lolo at lola ng mga bata sa lindol. May isa namang espesiyal na paraan bilang paggunita sa araw na ito si Weiwei, tinutulungan niya ang isang kompanya na gumawa ng plano hinggil sa mga aktibidad bilang paggunita sa nasabing anibersaryo. Sinabi niya na aktibo at masaya ang plano niya. Sa kasalukuyan, aniya, dapat nating gunitain ang kasalukuyang pamumuhay ng mga taga-Tang Shan, sa halip ng ika-30 anibersaryo ng lindol o pagkawala ng mga kamag-anakan. Ang buhay at mga pag-asang dulot nito ay patuloy pa rin.
|