• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-08-03 14:16:21    
Tunay na esensiya ng Double-Seventh Day

CRI
Noong unang panahon, ang Double-Seventh Day ay isang pista, lalo para sa mga dalaga. Ang mga batang babae, mahirap man o mayaman, ay nagbibihis para ipagdiwang ang taunang pagtatagpo ng cowherd at ng "Girl Weaver". Maglalagay ang mga magulang ng isang incense burner sa bakuran at maghahanda ng mga prutas bilang sakripisyo. Pagkatapos, ang lahat ng mga dalaga sa isang pamilya ay magkokowtow kina Niulang at Zhinv at mananalangin para sa ingenuity.

Sa panahon ng Tang Dynasty, mga 1000 taon na ang nakalilipas, ang mayayamang pamilya sa kapital na Chang'an ay nagtatayo ng isang dinekorasyunang tower sa "courtyard" at pinangangalanan itong "Tower of Praying for Ingenuity". Ipinagdarasal nila ang iba't ibang uri ng ingenuity. Madalas ipinagdarasal ng mga dalaga na maging mahusay sila sa pananahi o pagluluto, bagay na noo'y itinuring na isang mahalagang "virtue" para sa isang babae.

Nagtitipun-tipon ang mga babae sa isang plasa at pinagmamasdan nila ang kalangitan sa gabi na napakaraming bituin. Inilagay nila ang kanilang kamay sa kanilang likod na may hawak ng isang karayom at sinulid. Pagkarinig sa salitang "start", magpapaligsahan sila sa pagsusulot ng sinulid sa karayom. Matatanggap ng sinumang mananalo ang kanyang kahilingan mula kay Zhinv, ang "Girl Weaver".

Sa gabi ring iyon, itinatanghal din ng mga babae ang mga inukit na melon, ang mga "sample" ng kanilang cookies at iba pang mga piling pagkain. Sa kaumagahan naman, ginagamit nila ang mga melon sa paglilikok ng iba't ibang bagay, na gaya ng gold fish, bulaklak at kahit na mga magandang magandang gusali. "Hua Gua" o Carved Melon ang tawag rito.

Ipinagmamalaki rin ng kababaihan ang kanilang piniritong cookies na may iba't ibang hugis. Aanyayahan nila ang Girl Weaver para siyang magsilbing judge kung sino ang pinakamagaling. Pero seguradong hindi bababa sa daigdig si Zhinv sa dahilang busy siya sa pakikipag-usap kay Niulang pagkatapos ng isang mahabang mahabang taon ng seperasyon. Ang mga aktibidad na ito ay basta lang nagbibigay ng isang magandang pagkakataon sa kababaihan na maipakita ang kani-kanilang kakayahan at para lalong mapasaya ang pista.

Ang ganyang mga aktibidad ay hindi na idinaraos ngayon ng mga Tsino, lalo na ng mga naninirahan sa lunsod. Madalas, ang karamihan sa mga babae ay bumili na lamang ng kanilang damit sa tindahan at nagtutulungan ang mga mag-asawa sa mga gawaing bahay. Parami na rin ng parami ang mga lalaking natutong magluto kaya hindi na rin ganoong mahalaga sa mga babae na i-develop ang kanilang kakayahan sa pagluluto. Sa katunayan, marami pa ngang lalaki na mas magaling pang magluto kaysa kanilang asawa.

Hindi isang public holiday sa Tsina ang Double-Seventh Day. Gayunman, ito ay isang araw pa rin para ipagdiwang ang taunang pagtatagpo ng magkasintahang "cowherd" at "Girl Weaver". Hindi kataka-takang itinuturing ng marami ang Double-Seventh Day na Chinese Valentine's Day.