• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-08-04 10:44:27    
Sports films ng Tsina

CRI
Kasabay ng papalapit nang papalapit na 2008 Beijing Olympics, sumisigla rin ang mga mamamayang Tsino sa kanilang paglahok sa mga aktibidad na pampalakasan. Idinaos kamakailan ang ikalawang Beijing International Sports Film Week, at ipinalabas sa mga sinehan at telebisyon ang 26 na magagandang pelikulang isports ng Tsina at ibang bansa na gaya ng "Goal" na nakatawag ng pansin ng mga mamamayan sa mga pelikulang isports.

Noong 1943, matagumpay na kinunan sa Shanghai ni Direktor Sun Yv ang pelikulang "Sports Queen", at ito ang kauna-unahang sports film ng Tsina. Mula noong 1949 hanggang 1966, 10 sports films ang naprodyus ng Tsina.

Sapul nang pumasok ang ika-9 na dekada ng nagdaang siglo, kasunod ng pagsigla at pag-ahon ng usapin ng pelikulang Tsino, lumitaw ang magandang kalagayan sa pelikulang isports ng Tsina. Ang ganitong uri ng pelikula sa panahong ito ay may kinalaman sa halos na lahat ng mga pangyayaring pampalakasan na kinabibilangan ng putbol, basketbol, balibol, karera ng bisikleta, marathon at iba pa. Kung minsan hindi lamang laro ang talagang tema ng ilang pelikula na gaya ng "My September" na pinamatnugutan ni Yi Li. Ito ay kuwento tungkol sa isang bata na dahil sa malaking kagustuhan na makalahok sa pagtatanghal ng seremonya ng pagbubukas ng Asian Games na itinaguyod ng Tsina noong 1990, gumawa ito ng maraming pagsisikap para maalis ang ilan niyang kahinaan. Isinalaysay ni Direktor Yi Li na:

"Noong 1990 Asian Games, ang isang pelikulang ginawa namin ay 'My September'. Sa kurso ng pagpili ng mga aktor sa isang paaralan, nakita ko ang mga batang istudyante na nagpapraktis sa ilalim ng matinding sikat ng araw para sa seremonya ng pagbubukas ng Asian Games."

Ipinalalagay ni Direktor Yi Li na para sa pelikulang isports at iba pang pelikula, ang pinakamahalaga ay ang pagkakaroon ng diwang pangkultura. Nitong ilang taong nakalipas, gumawa ang mga Chinese film director ng mga pelikulang isports na ang tema ay umiinog sa mga may kapansanan, at inilarawan sa naturang mga pelikula ang tibay ng loob at puspusang pagsisikap ng mga disabled athletes, partikular na ang pagiging buo ng kanilang loob. Halimbawa, sa pelikulang "Black Eye", si Li Hua, pangunahing aktres ng pelikulang ito, ay isang bulag na magandang dalagita, at napili siya sa training group ng mga may kapansanan na nakahandang lumahok sa Paralympics. Umibig si Li Hua sa kaniyang trainor, ngunit mayroon na itong kasintahan kaya walang ibang pagpili si Li Hua kundi magparaya sa kanila. Inireto ng kapatid na lalaki kay Li Hua ang isang bulag na two-stringed Chinese fiddle player para maging boyfren. Ngunit, nakadama si Li Hua ng kawalang-kasiyahan, dahil ayaw niyang magpakasal sa isang bulag. Sa ilalim ng malaki at malakas na pagsisikap, natamo ni Li Hua ang isang medalyeng ginto sa International Disabled Game, ngunti sa katotohanan, higit na umaasa siyang siya ay mamahalin na parang walang kapansanan. Ipinalalagay ni Yi Li, kilalang direktor na:

"Nakakakita tayo ng pagbabago sa tema ng mga pelikula, mula doon sa pelikulang gaya ng "No.5 Female Basketball" at "Ice Sister" na naglalarawan ng pagsisikap at pananagumpay ng isang tao, hanggang sa kasalukuyang mga pelikulang gaya ng "ShaoLin Football", "Initial D" na may dagdag na maraming elemento ng katatawanan na higit na nagugustuhan ng kasalukuyang mga manonood."

Nagiging market-oriented na ang pelikulang Tsino at kung paanong malalaman ang talagang gustong pelikula ng mga manonood ay isang problemang dapat kaharapin ng mga film maker ng Tsina at gayundin sa mga pelikulang isports. Sinabi ni Ginoong Wu Siyuan, kilalang direktor ng Hong Kong na:

"Sa tingin ko, kakaunti ang pelikulang isports ng Tsina, partikular na sa panahon ng mabilis na pag-unlad ng palakasan ng ating bansa, maaari nating ipakita kung paanong humuhusay ang ating mga atleta sa ilalim ng mahirap na kapaligiran. Sa palagay ko, ang pelikulang isports ay dapat magpakita, pangunahin na, ng collective spirit para mapalakas ang loob ng mga tao na magsikap sa kanilang buhay."