• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-08-10 16:11:06    
Chinese Models sa T-stage

CRI

Nagka-catwalk sa T-Stage, nagmomodel ng pinakahuling moda ng kasuutan, humaharap sa di-mabilang na kamera…… Ang pagiging modelo ay pangarap ng maraming magandang batang babae at lalaki sa Tsina.

Si Zhang Yingqian, isang 20 taong gulang na dalagita na galing sa lalawigang Liaoning sa hilagang silangang Tsina ay nag-kampeon sa ika-6 na paligsahan ng mga propesyonal na modelo ng Tsina at nagtatrabaho ngayon sa isang kilalang modeling company sa Beijing. Sinab niya:

"Marami ang nagpapalagay na napakaganda ng prospek ko sa larangang ito, at sabi nila ang hugis ng aking katawan at aking anyo ay angkop na angkop sa istandard ng isang propesyonal na modelo para sa iba't ibang uri ng kasuutan."

Sa kauna-unahang pagkakataon nagka-interes sa larangang ito si Zhang noong siya ay high-school pa lamang. Noong panahong iyon, maraming ahensiya na may kinalaman sa pagsasanay ng mga modelo sa lugar na malapit sa kaniyang bahay, at maraming batang babae ang lumahok sa ibinigay nilang pagsasanay. Kaya, suportang moral ng kaniyang mga magulang, lumahok sa nasabing pagsasanay si Zhang. Pagkaraan nito, nag-enroll siya sa espesiyal na modeling school. Sa gayon, naging professional model siya. 

Sa kasalukuyan, umaabot sa 50 libo ang bilang ng mga propesyonal na modelo sa Tsina na tulad ni Zhang, at lampas sa 5 libo ang bilang ng mga modeling agency. Kaugnay ng isyung bakit gustong maging isang modelo, sinabi ni Wu Xiaochen, isang modelo rin, na:

"Pag nakakakita ako ng mga kilalang modelo sa TV, inggit na inggit ako sa kanila. Gustong gusto ko ang trabahong ito. Sa paglalakad sa T-stage, malaking-malaki ang aking kompiyansa."

Ngunit, para sa nakasisilaw na maikling sandali lamang sa T-stage, nangangailangan sila ng matagal na mahirap na pagsisikap. Sinabi ni Zhang na palagiang nagsasagawa sila ng maraming iba't ibang uri ng pagsasanay. At sa maraming pagkakataon, napakahirap ng kapaligiran ng kanilang gawain. Halimbawa, sinabi sa mamamahayag ni Wang Hui, isang lalaking modelo, na sa isang tag-lamig, para sa isang TV Ads, kailangan magsuot siya ng damit na pang-summer.

Kauganay ng isyung ito, sinabi ni Zhang Yingqian na para sa kaniyang pangarap, nakahanda buong-hirap na magsikap. Ipinalalagay niyang ang mga naibibigay niya ay katumpas ng mga nakuha niya.

Talos ng lahat, na hindi pangmatagalan ang trabaho bilang isang modelo. Ano ang kinabukasan ng mga batang modelo? Sinabi ni Wang Hui na sinimulan niyang paghandaan ang kaniyang kinabukasan at dahil aniya nagtrabaho siya nang mahabang panahon sa larangang ito, gusto rin niyang magtrabaho sa mga iba pang larangang na may kinalaman din sa modelo o moda sa hinaharap. Sinabi niya:

"Napakalawak ng saklaw ng trabho namin, sa trabahong ito, nakakaugnayan naming ang maraming tao, kaya nakakabuo kami ng sirkulo ng mga sariling kaibigan. Gusto ko ang fashion industry, dahil dito nakakapaiti ko ang magandang bagay na gaya ng kasuutan, modelo at iba pa." 

Pinili naman ng ilang modelo na magtayo ng sariling kompaniya. Halimbawa, may isang modeling agency si Jiang Peilin, isang kilalaang babaeng modelo ng Tsina, at napag-alamang napakaganda ng takbo ng negosyo ng kaniyang kompanya.

Bukod rito, binabalak rin ng ilang modeling agency na magkaloob ng ilang pagsasanay na may kinalaman sa pag-arte, pagpapakilala at iba pa para sa mga modelo. Sinabi ng isang tauhan ng isang kilalang modeling agency sa Beijing na:

"Nag-design kami ng isang daan ng multi-development course para sa mga signature model ng aming kompanya. Maari silang pumili ng iba pang trabaho pagkatapos ng kanilang trabaho bilang isang modelo, dahil, nag-arrange kami ng iba't ibang klase ng pagsasanay para sa kanila."