Mga sangkap
1 manok (bata pa) na tumitimbang ng mga 600 gramo 1500 gramo ng mantika (1/15 lamang ang makukunsumo) 30 gramo ng toyo 30 gramo ng spicy soy sauce 1 gramo ng vetsin 1 gramo ng pamintang durog 5 gramo ng scallion, hiniwa-hiwa nang pino 5 gramo ng luya, hiniwa-hiwa 5 gramo ng bawang, hiniwa-hiwa 50 gramo ng shaoxing wine 15 gramo ng asukal 50 gramo ng tubig
Paraan ng pagluluto
Buksan ang likod ng manok at baliin ang mga buto sa likod, dibdib at mga paa. Lagyan ng hiwa ang makapal na karne ng manok para makapasok ang seasonings. Imarinate ang manok sa toyo sa loob ng 15 minuto.
Maglagay ng mantika sa kawali at initin sa temperaturang 180 hanggang 220 degree centigrade. Igisa ang manok hanggang sa maging kulay-dalandan ang balat. Bawasan ang apoy at ilaga ang manok hanggang sa maluto. Hanguin at hiwa-hiwain nang maliliit, tapos isalin sa plato.
Maglagay ng 25 gramo ng mantika sa kawali at igisa ang scallion, luya at bawang hanggang lumutang ang bango. Buhusan ng shaoxing wine, maanghang na toyo at tubig at lagyan ng pamintang durog, asukal at vetsin, tapos pakuluin. Ito ang gamiting pang-sarsa sa manok bago isilbi.
Katangian: makintab at maganda ang pagkakulay-kayumanggi. Malutong sa labas at malambot sa loob.
Lasa: matamis-tamis at maasim-asim. Maalat at maanghang nang kaunti.
|