• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-08-17 18:55:24    
Ang mga ulila at kanilang "ina"

CRI

Sa mga nayon ng Fu Yang, isang lunsod sa lalawigang Anhui ng Tsina, dahil sa napakahirap na pamumuhay, ilang magsasaka ang napipilitang magbenta ng dugo. Dahil dito marami sa kanila ang nahawahan ng AIDS. Datapuwa't labis na naghihigpit ang pamahalaan para masugpo ito at lubos na nagkakaloob ng tulong sa mga nahawahan ng AIDS, sunud-sunod pa rin ang paglitaw ng mga kaso ng pagkamatay dahil dito. Bilang resulta, maraming bata ang naulila at may ilan ding nakakuha ng AIDS mula sa kanilang ina. Mahirap na mahirap ang buhay ng mga batang ito. Pero nang dumating sa kanilang buhay si Ms. Zhang Ying, bumuti ang kanilang kalagayan.

Si Nannan ay isang 16 na taong gulang na batang babae. Nitong 4 na taong nagdaan, magkasunod na yumao ang kaniyang mga magulang, at siya ay naulila. Pero ang pinakamasaklap, nahawahan siya ng AIDS dahil sa close contact nila ng kaniyang ina.

Noong kasalukuyang nasa panahon ng pinakamahirap na kalagayan, nagtagpo ang mga landas ni Nannan at Ms. Zhang Ying, isang 37 taong gulang na mangangalakal. may sariling mga negosyo si Ms. Zhang sa Fu Yang. Ito ay may kinalaman sa kasuotan at restawran. Dahil sa kaniyang liberal na kaiisipan at walang humpay na pagsisikap, napakaganda ng takabo ng kaniyang mga negosyo. 

Noong taglagas ng taong 2003, di-sinasadyang nakatagpo ni Zhang si Nannan sa kauna-unahang pagkakataon, at noong panahong iyon, hirap na hirap si Nannan dahil sa AIDS. Lubos na nabagbag ang loob ni Zhang sa kalagayan ni Nannan. Sinabi niya na: "Noong panhong iyon, ako ay nasa unang estado pa lamang ng pagiging ina. Sa palagay ko, dapat kaawaan ang maliit na batang babaeng ito, dahil nawalan siya ng mga magulang at nahawahan pa ng AIDS, at nangangailangang siya ng tulong ng ibang tao. " 

Sa ika-2 araw pagkaraan makita si Nannan, nagpadala si Zhang ng maraming kasuutan't pagkain at pera dito. Ngunit, nang makauwi siya ng bahay, nakaramdam siya ng labis na pagkabahala sa bata, kaya ipinasiya niyang isama ito sa Beijing para mapagamot.

Salamat sa masusing panggagamot ng mga doktor, bumuti ang kalagayang pangkalusugan ni Nannan. Sa pamamagitan ng pagsisikap ni Zhang, nagbo rin si Nannan, nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan at nagsikap siyang mag-aral.

Sa Fu Yang, hindi lamang isa o dalawa ang ulilang tulad ni Nannan. Maraming bata ang nawalan ng mga magulang dahil sa AIDS. Kaya, noong katapusan ng 2003, hindi pinapansin ni Zhang ang mga kuru-kuro ng kaniyang mga kaibigan at kamag-anak. Ipinasiya niyang talikuran ang kaniyang mga negosyo at magtatag ng isang samahan na may kinalaman sa pagbibigay-tulong sa mga mahihirap na naulila dahil sa AIDS. Sinimulan niyang mgakaloob ng tulong sa maramin pang naulila.

Sa ilalaim ng pagsisikap ni Zhang, maraming ulila ang natulungan at bumuti ang pamumuhay at kalagayang pangkalusugan. Ngunit, pagkaraan ng ilang araw, natuklasan ni Zhang na para talagang matulungan ang mga ulila, hindi sapat na pagkalooban lamang sila ng mga tulong na materiyal, kailangan din nila ng tulong na sirolohikal. Noong tag-araw ng taong 2004, nag-organisa si Zhang ng paglalakbay sa labas at aktibidad para sa mahigit 30 ulila. Salamat dito, bumuti rin ang psychological condition ng mga bata.

Sa kasalukuyan, mahigit 300 ulila na ang natulungan ni Zhang. Sa proseso ng pagbibigay-tulong, lubos na napapalapit si Zhang sa mga bata. Tinatawag siyang nanay ng lahat ng mga batang ito.

Noong Oktubre ng nagdaang taon, bilang kaisa-isang kinatawan ng lalawigang Anhui sa Top-10 National Commonweal Star ng Tsina, nagkaroon ng malawakang reportage ang media hinggil kay Zhang at kaniyang gawain. Ngayon, alam na ng higit na nakararaming Tsino ang hinggil kay Zhang at kaniyang mga ulila.  

Nitong nakalipas na mahigit 2 taon, nakapaglaan na si Zhang ng mahigit 300 libong Yuan RMB para tulungan ang mga ulila. Sinabi ni Zhang na hindi niya pinagsisisihan ang kaniyang ginawa, dahil nagdulot ito ng maraming kasiyahan sa mga ulila.