• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-08-18 10:20:01    
Mga aktibidad ng Beijing bookstores sa panahon ng Summer vacation, makulay

CRI
Bagama't hindi kasing-init ang tag-araw ng Beijing ngayong taon kumpara sa mga taong nakalipas, napaka-"init" ng malalaki't maliliit na tindahan ng mga aklat sa Beijing. Itinaguyod ng iba't ibang tindahang ito ang mga aktibidad na gaya ng mga panayam at readers' salon na nakapagpasigla sa pagbabasa ng mga aklat ng mga residente ng Beijing sa panahon ng Summer vacation.

Ang Wang Fujing bookstore ay isang malaking tindahan ng mga aklat sa Beijing. Upang mahikayat ang mga bata na palipasin ang kanilang maligayang Summer vacation sa pamamagitan ng pagbabasa ng aklat, nagbukas ang tindahang ito ng mga espesyal na kaunter na gaya ng siyensiya't teknolohiya at panitikan. Upang mabigyang-kasiyahan ang book readers, tuwing araw ng Biyernes, nagpapalabas ang mga tindahan ng aklat ng iba't ibang uri ng pelikula.

Ang "Little Red Flowers" na walang bayad na ipinalabas ng Wangfujing bookstore para sa book lovers. Ang pelikulang ito ay naglalarawan ng daigdig ng mga bata sa kanila mismong mata. Lubos itong napapurihan sa mga pista ng pelikula sa Berlin, Venice at iba pang purok. Ang pagpapalabas ng pelikulang ito sa mga tindahan ng aklat ay nakakahikayat sa maraming mambabasa.

Dahil ngayo'y panahon ng bakasyon ng mga estudyante, ang pagpapasulong sa pagbili ng mga aklat ay isa sa mga mahalagang layon ng pagtataguyod ng mga bookstores ng mga aktibidad. Ang taong ito ay ika-30 anibersaryo ng malupit na Lindol sa Tang Sha. Maraming publishing company dito sa Tsina ang naglathala ng mga aklat na may kinalaman sa lindol na gaya ng aklat na may pamagat na "Earthquake Experience", at ito ay nakatawag ng malaking pansin ng mga mambabasa. Si Su Shuyang, kilalang manunulat, ay isa sa mga awtor ng aklat na ito. Sa readers' meeting na idinaos ng Wang Fujin bookstore, ang nasabing kasaysayan ni Su Shuyang ay nakagising ng kuryosidad ng maraming-maraming mambabasa.

"Ang lindol ng Tang Shan na naganap noong ika-28 ng Hulyo ng 1976, ay isang insidenteng may malalim na katuturan sa makabagong kasaysayan ng Tsina. Dahil ito ay nakapagpabago sa kapalaran ng maraming tao, naging lubhang mahalaga ang pagsulat ng aklat na ito. Nananalig ako: para doon sa mga mamamayang hindi nakaranas ng lindol ng Tang Shan, ang aklat na ito ay nagsisilbing isang elicitation, at para sa mga taong nakaranas o biktima ng lindol na ito, ang aklat na ito ay nagsisilbing isang hindi makakalimutang katotohanan at alaala."

Kasunod ng papalapit nang papalapit na 2008 Olympics, dumarami rin ang mga residente ng Beijing na nagaganyak na mag-aral ng Wikang Ingles. Maraming tindahan ng aklat sa Beijing ang nagtataguyod ng English lectures. Sa isang English lecture na itinaguyod ng Xidan Books Building, sinabi ni Ginoong Wang, interviewee, na:

"Bilang pagsalubong sa 2008 Beijing Olympics, sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga lecture, maraming matututo ng iba't ibang paraan ng pag-aaral ng Ingles, at ito ay makakatulong sa pagpapataas ng lebel ng Ingles ng lahat ng mga residente ng Beijing."

Nitong ilang taong nakalipas, ang mga tindahan ng aklat sa Beijing ay nagsisilbing purok ng pagpapalitang pangkultura mula sa pagiging purok ng pagbebenta lamang ng mga aklat. Bukod dito, nagkakaloob din ang mga bookstore ng mga maginhawang serbisyo. Bunga nito, naliligayahan ang mga mambabasa, at tumataas nang malaki ang benta ng mga aklat ng mga bookstore. Ipinalalagay ni Ginoong Zhang, isang undergraduate na ang pagbabago ng mga tindahan ng mga aklat tungo sa pagiging purok ng pagpapalitang pangkultura ay hindi lamang makakadagdag ng pang-akit sa mga mambabasa, gagawin pa nitong isang purok ng pagpapalaganap ng kaalaman ang mga bookstore. Sinabi niya:

"Bumili ako ng ilang mahahalagang aklat para madagdagan ang kaalaman ko sa panahon ng bakasyon. Gusto ko ring mabasa ang ilang mahuhusay na akda."