Nag-organisa noong isang linggo ang departamento ng dagat at pangingisda ng Lalawigang Shandong ng Tsina ng pagdalaw na komersyal sa Pilipinas ng mga kinauukulang bahay-kalakal sa lalawigang ito. Sa panahon ng pagdalaw, nilagdaan ng delegasyon ng pangingisda ng Shandong at Kagawaran ng Pangingisda ng Pilipinas ang Memorandum of Understanding hinggil sa kooperasyon sa pangingisda, at ipinasiya ng kapuwa panig na palakasin ang koopersyon sa aspektong gaya ng pananaliksik at pagdedebelop ng teknolohiya, magkasamang pangingisda at konstruksyon ng imprastruktura ng puwesto. Lumahok sa seremonya ng paglalagda sina ispiker Jose De Venecia ng mababang kapulungan ng Pilipinas at Deng Xijun, political counsellor ng embahada ng Tsina sa Pilipinas. Buong pagkakaisang ipinalalagay nilang mabunga at may mahalagang katuturan ang pagdalaw na ito, at ibayo pang isinulong nito ang koopersyon ng pangingisda ng dalawang bansa.
Opisiyal nang lumipad noong Miyerkules ang kauna-unahang eroplanong inangkat ng Laos mula Tsina na "Modern Ark 60". Ayon sa plano, ang naturang eroplano ay may air route na mula Vientiane patungong Hanoi, Kunming, Bangkok, Chiang Mai at iba pa. Napag-alamang papadala ang ikalawang eroplanong "Modern Ark 60" sa Laos sa kalagitnaan ng Setyembre.
Mula ika-31 ng Agosto hanggang ika-6 ng Setyembre, idaraos sa Beijing ang ika-8 Asia Arts Festival at ang linggo ng kultura ng ASEAN ay magiging pangunahing nilalaman ng pestibal na ito. Sa panahon nito, mga artista mula sa Brunei, Laos, Myanmar at Thailand ang lalahok sa pagtatanghal.
Idaraos sa susunod na buwan sa Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina ang World Lion Dance Challenge Cup ng taong 2006. Magpapadala ang 4 na bansang ASEAN na kinabibilangan ng Malaysia, Indonesya, Singapore at Thailand ng delegasyon para lumahok ng paligsahang ito. Napag-alamang 12 delegasyon ang lalahok ng paligsahan, kabilang dito, may 6 na delegasyong dayuhan. Umaasa ang panig Tsino na sa pamamagitan ng aktibidad na ito, palalakasin ang pagpapalitan ng Tsina at mga bansang ASEAN sa palakasan at pasusulungin ang bilateral na kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan.
Sa paanyaya ni pangalawang premiyer Wu Yi ng Tsina, mula ika-21 hanggang ika-27 ng buwang ito, opisyal na dadalaw si Wong Kan Seng, pangalawang punong ministro ng Singapore sa Tsina. Sa panahon ng pagdalaw, magkasamang mangungulo sina Wu Yi at Wong Kan Seng sa ika-3 pulong ng magkasanib na lupon ng bilateral na kooperasyon ng Tsina at Singapore at ika-8 pulong ng magkasanib na koodinadong konseho ng Tsina at Singapore sa industrial park ng Suzhou.
Mula ika-22 hanggang ika-24, idaraos sa Kunming, lunsod sa timog kanlurang Tsina, ang ika-4 na promotion conference hinggil sa mga proyekto ng pamumuhunan sa dakong timog kanluran ng Tsina ng mga mangangalakal na Tsino sa ASEAN. Napag-alamang hanggang sa kasalukuyan, nagpalista sa paglahok sa naturang komperensiya ang halos 180 mangangalakal na Tsino mula sa 19 na bansa at rehiyon at ang mga kilalang kompanya ng mga mangangalakal na Tsino sa daigdig. Lalahok din sa komperensiya ang mga ekspertong pansiyensiya at panteknolohiya mula sa E.U., Britanya, Pransya, Hapon at mga iba pang bansa at may dala silang mga proyekto para hanapin ang mga partner.
|