• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-08-24 19:43:18    
Si Liu Zhihua, babaeng puno ng isang nayon sa He'nan

CRI

Nang magsadya kamakailan ang mamamahayag ng CRI sa lalawigang He'nan ng Tsina, napag-alaman niyang nitong ilang taong nakalipas, napakalaki ng pagbabago ng isang nayong tinatwag na Jinghua at talagang napakayaman nito ngayon. Napag-alamang ang lahat ng mga pagbabago ay naganap dahil sa pamumuno ng isang babae --- si Liu Zhihua.

Ang Jinghua ay isang maliit na nayon sa dakong hilaga ng lalawigang He'nan ng Tsina, at mayroon lamang itong 300 populasyon. Noong mahigit 30 taong nakaraan, napakahirap ng nayong ito at ito ay isa sa mga pinakamahirap na lugar sa Tsina. Marami nang nanungkulang puno ng nayong ito at pawang kalalakihan pero hindi nila nagawang baguhin ang kalagayan nito. Nitong bandang huli, pumili ang mga taganayon ng isang babae bilang puno at ito nga si Liu Zhihua.

Si Liu ay isang pangkaraniwang babaeng magsasakang Tsino. Nang manungkulan siya bilang puno ng nayon, lubos na nabahala sa kaniya ng kaniyang pamiliya. Ngunit, pagkaraan ng isang taong hindi madaling pagsisikap ng buong nayon, sa ilalim ng pamumuno ni Liu, nagbago ang kalagayan ng nayon, at sa kauna-unahang pagkakataon nagsimula itong nagtamasa ng sapat na pagkaing-butil.

Pagkaraang malutas ang isyu ng pagkaing-butil, sinimulang isaalang-alang ni Liu ang pagpapaunlad ng industriya at iba pang negosyo sa nayon.

Noong 1974, alinsunod sa pangangailangan ng pamilihan, itinatag ni Liu ang isang pagawaan ng bean curd leaf, at naging matagumpay ang kanilang produksyon, ngunit, naging isang mahirap na probelma ang pagbebenta ng mag produkto. Para sa promosyon ng produkto, maraming beses sa nagpunta si Liu sa Beijing nang sarilinan. Salamat sa kaniyang walang humapay na pagsisikap, sa wakas, bumenta at maganda ang benta ng kanilang produkto sa Beijing.

Nitong ilang taon pagkaraan ng pagtatatag ng pagawaan ng bean curd leaf, magkakasunod na itinatag rin ni Liu ang mga iba pang negosyo na gaya ng pagawaan ng lata, medisina at iba pa.

Pagkaraan ng mahigit 30 taong pagsisikap, nabago ni Liu ang maliit na nayong ito tungo sa pagiging isang malaking grupong industriyal, at umabot sa 580 milyong Yuan RMB ang fixed assets nito. Sa kasalukuyan, isinaalang-alang ni Liu ang isyu ng kapaligiran ng mga bahay-kalakal. Sinabi niya:

"Hiniling namin sa mga bahaya-kalakal na una, dapat walang polusyon; ika-2, dapat pababain ang konsumo sa enerhiya; ika-3, dapat pababain ang halaga ng operasyon. Sinusunod namin ang prinsipyong walang negosyong may polusyon."

Sa ilalim ng pamumuno ng mga lider ng nayon at pagsisikap ng lahat ng mga taga-nayon, nagbabago bawat araw ang kalagayan ng nayong Jinghua. Nang pumasok sa bahay ni Du Xuefen, isang babaeng residente ng nayon, nakita ng mamamahayag na walang anumang pagkakaiba ang bahay nito kung inhahambing sa mga bahay sa lunsod ng Tsina. Ayon sa salaysay ni Du, nagtatamasa ang mga naninirahan sa nayn ng maraming libereng bagay na gaya ng bahay, mga kagamitan, tubig, natural gas at iba pa. Binabayaran aniya ng nayon ang mga ito.

Sinabi rin ni Du na kasunod ng pagpapabuti ng pamumuhay sa nayon, busong sikap na pinauunlad din ni Liu ang edukasyon dito. Mula noong 1999, nakapagtayo ang nayon ng mga paaralan sa iba't ibang antas, at nakapagkakaloob ng napakagagandang kondisyon para sa edukasyon ng mga bata. Sa kasalukuyan, walang anumang bayad ang mga bata sa nayong ito mula kindergarten hanggang high school.

Nitong mahigit 30 taong nakaliaps lamang, napakalaki ng pagbabago sa pamumuhay at tumataas nang malaki ang kalidad ng populasyon sa nayong ito, ngunit, hindi pa rin nasisiyahan pa ang mahigit 60 taong gulang na si Liu. Isinasalang-alang rin niyang pataasin pa ang pamumuhay ng mga taganayon. Sinabi niya:

"Sa kasalukuyan, umaabot sa mga 14 libong Yuan RMB ang karaniwang kita per capita ng nayon. Ipinalalagay ko na hindi pa lubusang mataas ang karaniwang lebel ng pamumuhay namin. Binabalak kong pataasin sa 16 libo ang nasabing bilang sa malapit na hinaharap."