Nitong ilang taong nakalipas, puspusang "pinapanday" ng sirkulo ng mga tagapaglathala ng Tsina ang mga aklat tungkol sa katutubong sining at kultura ng nasyon para makapag-ambag sa pangangalaga sa intangible cultural heritage. Ang pagsisikap na ito ay kinikilala ng sirkulo ng mga tagapaglathala ng daigdig. Kamakailan lamang, napili ang aklat na may pamagat na "sining ng saranggola ni Cao Xueqin" bilang "pinakamagandang aklat sa daigdig para sa 2006".
Ang pagpili sa "pinakamagandang aklat sa daigdig" ay isang aktibidad na pandaigdig na may kinalaman sa kultura ng aklat na sinusuportahan ng Pamahalaang Aleman, at natamo ng aklat na "sining ng saranggola ni Cao Xueqin" ng Tsina, kasama ng 13 iba pang uri ng aklat na galing sa 13 bansang dayuhan, ang taguring "pinakamagandang aklat sa daigdig". Isinalaysay ni Ginoong Huang Daojing, patnugot ng naturang aklat ang kalagayan ng pagsusuri sa nasabing aklat. Sinabi niya:
"Ang 'pinakamagandang aklat sa daigdig' ay isang pinakaautorisadong pandaigdigang pagpili ng pandaigdigang sirkulo ng mga aklat at dalubhasa. Noong una, hindi namin ipinalabas ang aklat tungkol sa sining ng saranggola ni Cao Xueqin. Ito ang kauna-unahang ganitong uri ng aklat. Ang sining ng saranggola ni Cao ay isang halimbawa ng kulturang Tsino na nagpapakita ng pagkakasalin-salin ng kultura."
Si Cao Xueqin ay isang kilalang sinaunang man of letters noong ika-18 siglo, at ang kaniyang saga novel na pinamagatang "Dream of Red Mansion" ay isa sa apat na bantog na obra-maestra ng Tsina noong sinaunang panahon. Siya ay isa ring dalubhasa sa arts ang crafts na walang kasing-husay sa paggawa ng saranggola.
Di-katulad ang "sining ng saranggola ni Cao Xueqin" ng mga aklat na ipinagbibili ngayon sa mga tindahan ng mga aklat na magaganda ang book binding. Ginaya nito ang tradisyonal na paraan ng pagbabind. Ang mga pattern at larawan ng saranggola sa aklat ay masusing dinisenyo at magagamit ito hindi lamang sa pagdi-displey, maari ring gupitin ito sa aklat at ikuwadro at gamiting palamuti sa bahay.
Si Ginoong Zhao Jian, designer ng aklat na ito, ay isang propesor sa akademiya ng sining ng Tsinghua University at kilalang dalubhasa sa book binding. Gumugol siya ng kalahating taon para idisenyo ang aklat na ito. Sa pamamagitan ng espesyal na porma, ipinakikita ng "sining ng saranggola ni Cao Xueqin" ang pang-akit ng tradisyonal na kulturang Tsino. Sa kasalukuyan, nakatala na ang saranggola ni Cao sa listahan ng intangible cultural heritage ng Beijing.
Bilang isang sibilisadong bansang may mahabang panahong kasaysayan, ang Tsina ay maraming pambansang katutubong sining na katulad ng saranggola ni Cao ay nahaharap sa krisis ng eksistensiya sa kurso ng modernisasyon. Ilang taon na ang nakararaan, pinasimulan ng Pamahalaang Tsino ang "proyekto ng pagliligtas sa pambansang katutubong kultura ng nasyon", at komprehensibong kinolekta, isinaayos at inilathala ang naturang mga intangible cultural heritage at ng ilampung palimbagan ang lumahok sa nasabing proyekto para ipagpatuloy ang magandang tradisyong ito ng pamanang pangkultura para pandayin ang pinakamagandang aklat.
Sinabi ni Ginoong Li Yan, pangkalahatang editor ng National Book Bureau ng Tsina na:
"Ang pagpapabuti sa gawain ng pagsasaayos at paglalathala ng pambansang pamanang pangkultura ay ang aming pangunahing responsibilidad. Ang aming target ay paggawa ng magagandang aklat na makakaranas ng pagsubok ng panahon."
Kasunod ng unti-unting pagpapabilis sa realisasyon ng nasabing proyekto, dumarami nang dumarami rin ang mga tatamong bunga. Ang mga aklat na may kinalaman sa pambansang pamanang pangkultura ay sinusuportahan ng mga publishing houses para maisaayos at mailathala. Sinabi ni Ginoong Zhao Jian na:
"Sa palagay ko, dapat tayong humanap ng paraan para mapangalagaan ang ating sariling kultura. Kung nais pabutihin ang isang aklat, dapat tayong magsikap nang lubos para mapangalagaan ang iba't ibang uri ng pambansang pamanang pangkultura at intangible o di-materyal na pamanang pangkultura at hindi dapat maging target nito ang pagtatamo ng gantimpala."
|