• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-08-28 14:11:51    
Agosto ika-21 hanggang ika-27

CRI

Sa paanyaya ni Hu Jintao, pangkalahatang kalihim ng Partido Komunista at pangulo ng Tsina, mula noong Martes hanggang Linggo, dumalaw sa Tsina si Nong Duc Manh, pangkalahatang kalihim ng Partido Komunista ng Biyetnam.

Nakipagtagpo kay Nong ang mga lider na Tsino na kinabibilangan nina Hu Jintao, tagapangulo Wu Bangguo ng pirmihang lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, NPC at premyer Wen Jiabao. Sa mga pagtatagpo, sinabi ni Hu Jintao na umaasa siyang mapapabilis ng dalawang bansa ang proseso ng pagtatakda ng kanilang hanggahang panlupa at matatapos ang gawaing ito sa takdang panahon sa taong 2008. Sinabi ni Wu Bangguo na nakahanda ang NPC na magkaroon ng mas mahigpit ng pakikipagpalagayan sa parliamento ng Vietnam at magpahigpit ng pag-uugayan at pagtutulungan sa mga organisasyon ng parliamento ng rehiyon at daigdig. Sinabi naman ni Wen Jiabao na patuloy at aktibong pasusulungin ng kanyang bansa, sa mga venue na multilateral, ang proseso ng talastasan ng Biyetnam para sa paglahok ng World Trade Organization, WTO. Isiniwalat ng magkasanib na komunike na ipinalabas noong Huwebes ng Tsina at Biyetnam na pabibilisin ng dalawang bansa ang proseso ng mga may kinalamang gawain para tapusin ang paghahati ng kanilang hanggahang panlupa bago ang taong 2008 at lalagdaan ang bagong dokumento hinggil sa sisitema ng pangangasiwa sa hangghan. Positibo ang dalawang panig sa kalagayan ng pagsasakatuparan ng kasunduaan ng paghahati ng hanggahan sa Beibu Gulf at kasunduan ng pagtutulungan sa pangingisida at pagsasagawa ng mga tropang pandagat ng dalawang bansa ng magkasamang pamamatrolya sa Beibu Gulf, at sinang-ayunan din nilang pabilisin ang pagtutulungan sa larangan ng pagsarbey at paggagalugad sa yaman-langis at natural gas sa kanilang hanggahan sa nasabing gulf at iba pa. Matatag na pasusulungin rin ng dalawang panig ang talastasan hinggil sa paghahati sa rehiyong pandagat na sa labas ng bunganga ng Beibu Gulf, at aktibong magtatalastasan hinggil sa magkasamang pagagaglugad. Sinang-ayunan rin nilang mag-adhere sa mga komong palagay na narating ng mga mataas na antas ng dalawang bansa, patuloy na pasulungin ang talasatsan hinggil sa mga isyu sa dagat, magkasamang pangalagaan ang katatagan ng South China Sea at aktibong pag-aralan at pag-usapaan ang isyu ng magkasamang paggagalugad.

Mula noong Lunes hanggang Linggo, dumalaw din sa Tsina si pangalawang punong ministro Wong Kan Seng ng Singapore. Sa panahon ng pagdalaw, magkasamang nangulo sina pangalawang premyer Wu Yi ng Tsina at Wong Kan Seng sa ikatlong pulong ng magkasanib na lupon sa bilateral na kooperasyon ng dalawang bansa. Narating din ng dalawang panig ang komong palagay na batay sa balangkas ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, CAFTA, magsisimula ang dalawang bansa ng bilateral na talastasan hinggil sa malayang sonang pangkalakalan. Sinabi ni Wong na ang pagsisimula ng talastasang ito ay makapagtataas ng kooperasyon ng dalawang bansa sa isang bagong lebel ng estratehikong partnership, at makakatulong sa pagpapasulong ng preseso ng talastasan ng CAFTA. Ipinahayag din ni Wong Kan Seng na ipinalalagay ng kanyang bansa na isang malakas at matagumpay na Tsina ay makakabuti sa Singapore at buong rehiyon, kinakagitan aniya ng Singapore ang estratehiya ng mapayapang pag-unlad ng Tsina at nakahandang patuloy na palakasin ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon sa Tsina, at aktibong lumahok sa pag-unlad na panrehiyon ng Tsina. Sinabi naman ni Wu na mainam ang tunguhing pangkaunlaran ng Tsina at Singapore, madalas ang pagpapalitan sa mataas na antas ng dalawang bansa, aktibo ang pagpapalagyan ng iba't ibang antas at kapasin-pansin ang bunga ng kooperasyon ng dalawang panig sa maraming larangan.

Ipinahayag noong Huwebes sa Kuala Lumpur ni Yi Xiaozhun, pangalawang ministro ng komersyo ng Tsina na sumasang-ayon ang kanyang bansa sa paninindigan ng Asean na matatag na pasulungin ang proseso ng kooperasyong pangkabuhayang rehiyonal sa pagitan ng Asean at Tsina, Hapon at Timog Korea o "10 plus 3" batay sa kanilang magkakahiwalay na mekanismo ng koopersyon. Kumakatig ang Tsina sa pagpapatingkad ng Asean ng namumunong papel sa prosesong ito.

Sa ilalim ng pagtataguyod ng pamahalaang Tsino, binuksan noong Miyerkules sa Kunming, lunsod sa timog kanlurang Tsina, ang ika-4 na promotion conference hinggil sa mga proyekto ng pamumuhunan sa dakong timog kanluran ng Tsina ng mga mangangalakal na Tsino sa ASEAN at kauna-unahang porum ng mga mangangalakal na Tsino sa Asya-Pasipiko. Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Luo Haocai, pangalawang tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, CPPCC, na pabibilisin ng kanyang bansa ang proseso ng pakikipagkooperasyon sa mga bansang ASEAN para sa pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng dalawang panig. Sinabi rin ni niya na ang pag-unlad ng Tsina at kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan nila ng ASEAN ay nagkaloob na at patuloy na magkakaloob ng pagkakataon sa negosyo ng mga mangangalakal na Tsino, lalung-lalo na sa mga iyon sa mga bansang ASEAN.

Itatatag ng lalawigang Jilin sa hilagang silangan ng Tsina ang base ng produksyon ng mais sa Pilipinas sa susunod na 5 hanggang 10 taon, at pakikilalin ang mga crossbred mais at teknolohiya ng pagpoproseso sa Pilipinas para mapasulong ang kooperasyon nila ng Pilipinas sa industriya ng mais. Ipinahayag ng namamahalang tauhan ng proyektong ito ng Pilipinas na sa paggagalugad ng industriya ng mais, may kani-kanyang katangian ang Pilipinas at Tsina nagkokomplemento sa isa't isa.