Ang rehiyong awtonomo ng Tibet ng Tsina ay kilala sa daidaig sa pagkakaroon nito ng magandang magandang tanawin. Ngunit, dahil sa malaking epektong dulot ng hindi magandang likas na kondisyon ng plateau, hindi matagal dito ang mga mamamayan mula sa kapatagan. Hindi sila makapagtrabho dito nang matagal dahil marami sa kanila ay hindi bihasa sa kapaligiran dito. Ngunit, simula noong tag-init ng 2003, isang grupo ng mga nagtapos sa pamantasan ang kusang loob na pumunta sa Tibet bilang boluntaryo, at marami sa kanila ang nagpaiwan pa dito pagkaraan ng kanilang termino bilang boluntaryo, at ipinasiyang magtrabaho nang mahabang panahon.
Sa kabila ng magandang tanawin sa rehiyong awtonomo ng Tibet sa Qinghai-Tibet Palteau, hindi naman kasing ganda ang likas na kondisyon nito, mahigit 4 na libong metro ang karaniwang taas nito sa pantay-dagat, at ang oxygen dito ay katumbas lamang ng 1/3 ng sa mga interyor ng Tsina. Nitong maraming taong nakalipas, ang masamang likas na kalagayan ay lagi nang nagsisilbing hadlang sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan dito.
Simula noong ika-8 dekada ng nagdaang siglo, nagsagawa ang pamahalaang Tsino ng mga patakaran hinggil sa pagbibigay-katig sa Tibet ng iba pang mahigit 30 lalawigan ng Tsina, at napasulong nito nang malaki ang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tibet. Noong 3 taong nakaraan, magkasamang isinagawa ng Chinese Communist Youth League at ministri ng edukasyon at iba pang departamento ng Tsina ang isang plano hinggil sa boluntaryong pagbibigay-serbisyo sa rehiyong kanluran ng mga gradweyt ng pamantasan para mahimok ang mga bagong gradweyt na magtrabaho nang 1 o 2 taon sa rehiyong kanluran at magpaiwan doon pagkaraan ng kanilang termino. Tumanggap ito ng positibong reaksyon mula sa mga gradweyt, at si Li Xianhui ay isa sa kanila.
Noong tag-init ng nagdaang taon, nagkamit si Li ng master's degree in law sa Peking University. Nang makarating sa kaniya ang ulat hinggil sa nasabing plano, naharap siya sa dalawang pagpili: ang isa, ay magtrabaho sa isang law office at kumita ng mahigit 10 libong Yuan RMB bawat buwan; At ang isa, ay pumunta sa Tibet bilang isang boluntaryo at kumita ng mga 1 libo bawat buwan. Pagkaraan ng pag-iisip nang mababang panahon, pinili ni Li na pumunta sa Tibet. Sinab ni Li na:
"Nagbigay sa akin ang Tibet ng isang espesiyal na damdamin, mahiwaga ang lahat ng bagay dito para sa akin."
Inamin ni Li na hindi niya inaalis ang posibilidad ng "impulsion" sa kaniyang kapasiyahang pumunta sa Tibet noong panahong iyon. Ngunit, ang kaniyang layunin, pangunahin na, ay bigyan ng pagsasanay ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng isang di-karaniwang karanasan.
Pagkaraang dumating ng Tibet, alinsunod sa kaniyang propesyon, ipinadala si Li sa prokuratura ng Lhasa, at binigyan siya ng mataas na pagpapahalaga ng mga lider ng prokuraura, at sinimulan niyang magturo siya sa mga tauhan ng prokuratura ng Lhasa at iba pang bayan ng Tibet ng teorya ng batas.
Liban sa pagtuturo, para talagang lubos na mapatingkad ang kaniyang papel, nagtrabaho rin si Li sa pinakamahalagang departamento ng prokuratura – ang public prosecution department at pinamamahalaan niya ang paghawak sa mga mahalagang kaso.
Dahil sa kaniyang pagsisikap at mataimtim na paghawak sa bawat kaso, lubos na pinapurihan siya ng lahat ng tauhan ng prokuratura. Sinab ni Liu Jiayun, pangalawang prokurador heneral ng Lhasa na:
"Ipinakikita ng paraan ng kaniyang paghawak sa mga kaso na mataas ang lebel ng kaniyang teorya ng mga batas. Sa kasalukuyan, napakaganda ng kaniyang paghawak sa mahigit 10 kaso."
Bukod sa trabaho, hindi gaanong malaki ang pangangailangan ni Li para sa buhay niya dito. Ang kaniyang dormitroyo ay isang maliit na flat lamang na malapit sa prokuratura.
Ang balak ni Li ay magtrabaho lamang nang 1 taon sa Tibet at pagkatapos bumalik sa Beijing at ipagpatuloy ang kaniyang trabaho bilang isang abugado. Ngunit, pagkaraan ng isang taon, Narito pa rin siya. Umaasa rin ang mga lider ng prokuratura na mananatili sa Tibet si Li.
Sa kasalukuyan, napagpasiyahan ni Li na manatili sa Tibet para magtrabaho roon nang mahabang panahon, at naging isang opisiyal na prokurador siya mula sa pagiging isang boluntaryo.
|