• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-09-01 23:33:34    
Kauna-unahang Dunhuang posthumous writings, opisyal na ipinalabas

CRI
Ipinalabas sa publiko kamakailan ang 30 volume ng "Dunhuang Posthumous writings ng National Library of China" na inilathala mismo ng aklatang ito, at ito ay isang bahagi ng malakihang plano ng paglalathala ng naturang posthumous writings. Ang bukas na paglalathala ng Dunhuang posthumous writings ay nagpapakita ng malinaw na progresong natamo ng mga mananaliksik na Tsino sa aspekto ng rehabilitasyon, pangangalaga at pag-aaral sa posthumous writings na nakakatawag ng malaking pansin ng sirkulong akademiko.

Noong 1900, sa Dunhuang, sa dakong Hilagang Kanluran ng Tsina, maraming natuklasang sinaunang aklat ng Tsina na mula pa noong ika-5 hanggang ika-11 dekada at tinawag na "Dunhuang posthumous writings". Sa maraming wika, naitala sa mga ito ang mga sinaunang relihiyon, heograpiya, kasaysayan at kaugalian, kultura at iba pa, at ito ay nagsisilbing napakahalagang materyal para sa pananaliksik sa lipunan ng sinaunang Tsina at Silangang Asya. Noong sumunod na mahigit 20 taon, dahil sa mga kadahilanan na gaya ng digmaan, maraming Dunhuang posthumous writings ang lumabas mula sa Tsina, at sa kasalukuyan, mahigit 40 bansa't rehiyon sa buong daigdig ang mayroon nito.

Ang National Library of China ay ang may pinakamalaking tipon ng Dunhuang posthumous writings sa loob ng bansa. Dahil sa mahabang panahon, grabeng nasira ang naturang mga aklat. Mula noong ika-8 dekada ng nagdaang siglo, sinimulang isaayos muli ng NLC ang mga aklat. Sa kasalukuyan, nagtamo ng malaking bunga ang gawain ng rehabilitasyon ng Dunhuang posthumous writings. Sinabi sa mamamahayag ni Ginoong Chen Li, Pangalawang Librarian ng NLC na:

"Dapat pangalagaan at paunlarin ang pamanang kultural, at ang pagsasaayos at paglalathala ng lahat ng tinipong aklat ay isang napakahalagang aspekto para sa pagpapaunlad ng kultura ng nasyonalidad. Kung paanong isasalaysay sa mas marami pang tao ang mga panitikan sa pamamagitan ng modernong teknika, ay nananatiling tunguhin ng aming ginagawang pagsisikap nitong ilang taong nakalipas."

Sinabi ni Chen na mula noong ika-3 dekada ng nagdaang siglo, binuo na ng NLC ang espesyal na organo sa pangangalaga at pagtitipun-tipon ng Dunhuang posthumous writings, at noong ika-8 dekada, sinimulan ang gawain ng komprehensibong pagsasaayos para sa paglalathala.

Si Ginoong Zhang Zhiqing ay isang kilalang dalubhasa sa pangangalaga sa mga sinaunang aklat. Sinabi niyang ang kauna-unahang inilathalang 30 Dunhuang posthumous writings ay ginamitan ng light paper, at sa gayo'y nakapagbigay ng ginhawa sa pagbabasa ng mga tao, at ito aniya ay nagpapakita ng mataas na kalidad at lebel ng paglilimbag na lubos na pinapurihan ng mga iskolar sa iba't ibang sirkulo. Ngunit, ang naturang mga tagumpay ay hindi nangangahulugang perpekto na ang gawain ng pangangalaga ng Tsina. Ipinalalagay ni Ginoong Lin Shitian, isang miyembro ng instituto ng pananaliksik sa magagandang edisyon ng NLC na sa aspekto ng pangangalaga sa mga aklat at pagsasaayos sa sinaunang aklat at iba pang aspekto, kailangan matuto ang Tsina sa ibang bansa. Sinabi niya:

"Sa pamamagitan ng pagtutulungang pandaigdig, matututuhan namin ang ilang sulong na karanasan ng ibang bansa at direktang mapapapasok ang kanilang sulong na teknika at paraan ng pamamahala."

Ang opisyal na paglalathala ng Dunhuang posthumous writings ay nakakapagbigay ng malaking ginhawa para sa mga Dunhuang researchers sa loob at labas ng bansa. Si Ginoong Hao Chunwen, propesor ng History Dean of Capital Normal University, ay isang dalubhasa ng pananaliksik sa Dunhuang Study. Ipinalalagay niyang nitong ilang taong nakalipas, nakikilahok ang mga may kinalamang iskolar na Tsino sa tunguhin ng pag-aaral na pandaigdig, at bilang isang pandaigdigang silid-aralan, tiyak na magkakaroon ito ng napakahahalagang resulta. Sinabi niya:

"Mula't sapul, ang Dunhuang Study ay naging isa nang pandaigdigang silid-aralan. Malawak na malawak ang larangan ng pag-aaral sa Dunhuang Study, at ang magkakasanib na pag-aaral ng mga iskolar sa loob at labas ng bansa ay makakapagyaman sa aming kani-kanilang kaalaman."