• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-09-04 20:48:35    
Agosto ika-28 hanggang Setyembre ika-3

CRI

Sa kanyang pakikipagtagpo noong Huwebes sa Beijing kay One Keng Yong, pangkalahatang kalihim ng ASEAN na pumarito para lumahok sa ika-8 Asia Arts Festival, ipinahayag ni Li Changchun, pirmihang kagawad ng pulitburo ng komite sentral ng Partido Komunista ng Tsina na nakahanda ang kanyang bansa na, sa pamamagitan ng pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan, ibayo pang pasulungin ang pagtutulungan ng dalawang panig sa aspekto ng kulturang panlipunan at seguridad na panpulitika at magsagawa ng mas komprehensibo at malalim na pakikipagtulungan na may mutuwal na kapakinabangan sa ASEAN. Sinabi rin ni Li na ang ngayong taon ay ika-15 anibersaryo sa pagkakatatag ng dialogue partnership ng Tsina't ASEAN, nakahada ang panig Tsino na paunlarin, kasama ng ASEAN, ang kanilang estratehikong partnership sa pagtanaw sa kapayapaan at kasaganaan batay sa limang simulain ng mapayapang pakikipamuhayan at Treaty of Amity and Cooperation in Southeast Asia. Pinasalamatan ni Ong Keng Yong ang pamahalaang Tsino sa pagdaraos ng "Linggo ng Kultura ng ASEAN" sa panahon ng ika-8 Asia Art Festival. Anya, maglalatag ito ng matibay na pundasyon para sa pagpapalawak ng pagtutulungang kultural ng Tsina at ASEAN.

Ang ika-8 Asia Arts Festival ay binuksan nang araw ring iyon sa Beijing. Sa kasalukuyang kapistahan, itinanghal ang makukulay na kultura at masasaganang pamana ng sampung bansang ASEAN at idinaos ang mga aktibidad na kinabibilangan ng kauna-unahang porum ng mga puno ng art museums ng Asya, eksibisyong pansining ng ASEAN at magkasanib na klase ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea hinggil sa pagsasanay ng yamang-tao na pangkultura. Sa evening performance ng seremonya ng pagbubukas na pinamagatang "Bravo! ASEAN", itinanghal ng mga artista ng sampung bansang ASEAN at Tsina ang mga palabas ng katutubong instrumentong musikal, katutubong sayaw, pop music, pop dance at iba pa.

         

Binuksan noong Biyernes sa Beijing ang ika-2 pulong hinggil sa cultural network ng Silangang Asya o NEACH. Sa pulong na ito, tatalakayin ng mga kalahok na kung papaano gaganap ng mas positibong papel ang mekanismong ito sa aspekto ng pangangalaga sa tradisyonal na kultura at pag-aaralan ang mga konkretong proyekto. Nang araw ring iyon, pinasimulan naman sa Beijing ang magkasanib na klase ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea o "10 plus 3" hinggil sa pagsasanay ng yamang-tao na pangkultura. Umaasa ang mga kalahok na bansa na, sa pamamagitan ng klaseng ito, mahahanap ang mga bagong paraan para sa pagsasanay ng yamang-tao na pangkultura at ang mas positibo at mabisang paraan para sa pangangalaga sa mga pamanang pangkultural.

Sa kanyang pakikipagtagpo noong Lunes sa Beijing kay Tan Sri Dato' Sri Ahmad Fairuz, dumadalaw na punong mahistrado ng pederal na hukuman ng Malaysia, ipinahayag ni Luo Gan, pirmihang kagawad ng pulituburo ng Komite sentral ng partido komunista ng Tsina, na nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng Malaysia para patuloy na palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa larangang pambatas at pangkatarungan at ibayong pang pasulungin ang kanilang relasyong pangkaibigan. Ipinahayag din ni Luo Gan na pinahahalagahan ng Tsina ang pangunahing papel ng sistemang pambatas sa konstruksyong pangkabuhayan at kaunlarang panlipunan. Nagpalitan din sila ng palagay hinggil sa pagpapalakas ng kanilang pagpapalitan at pagtutulungan sa larangang pambatas at pangkatarungan. Ipinahayag naman ni Fairuz na umaasa ang Malaysia na matututuhan ang sulong na karanasan ng Tsina sa konstruksyon ng sistemang pambatas at inaasahan ang mas mahigpit na pakikipagkooperasyon sa sirkulong pangkatarungan ng Tsina.

Ipininid noong Miyerkules sa Dalian ang simposyum hinggil sa pagtutulungan sa pagpapatupad ng batas sa dagat ng Tsina at ASEAN. Bilang tugon sa mga kriminal na aktibidad na gaya ng pagpupuslit, paghahatid ng mga droga at sandata, hijacking at iba pa sa mga rehiyong pandagat ng Tsina't ASEAN, tinalakay ng mga namamahalaang tauhan ng mga organisasyon hinggil sa pagpaptupad ng batas sa dagat ng Tsina, Indonesya, Malaysia, Pilipinas, Singapore, Thailand at iba pang bansa ang hinggil sa pagpapalakas sa pundasyon ng pagtutulungan ng pagpapatupad ng batas sa dagat, pagtatatag ng mekanismo ng pagpapalitan at pag-uugnayan at iba pa. Ipinahayag ng isang may kinalamang namamahalang tauhan ng ministri ng seguridad na pampubliko ng Tsina na dapat itatag ang tsanel ng pag-uugnayan at mekanismo ng pagpapalitan ng mga impormasyon ng dalawang panig sa lalong madaling panahon para makapagbahaginan sa isa't isa ng mga impormasyon hinggil sa mga transnasyonal na krimen, at makapagsagawa ng magkakasamang pagsasanay para mapataas ang episiyansiya ng pagtutulungan.