Pagkaraang makumpleto ang pagbubuhos ng semento sa pangunahing dam ng Three Gorges, tumaas hanggang sa 135 metro ang water level ng Three Gorges, at sa gayon, naragdagan dito ang mga bagong tanawin sa Three Gorges dahil sa pagtaas ng tubig.
Ang Qinghai-Tibet Plateau ay ang pinagmumulan ng Ilog Yangtse, pinakamahabang ilog sa Tsina. Sa pagdaloy nito sa lupain ng lunsod ng Chongqing at Lalawigang Hubei, nabuo ang Three Gorges, at ang labis na matarik na lambak. 12 taon na ang nakararaan, sinimulan ang Three Gorges Water Project at tumaas ang lebel ng tubig nito. Pagkatapos ng pag-iimbak ng tubig, lumawak nang 3 ulit ang kabuuan ng ilog sa rehiyon ng Three Gorges, at bunga nito may mga nabuong laki bagong lawa sa pagitan ng mga mataas na bundok.
Sinabi ni Gao Chao, pangalawang pinuno ng kawanihang pan-turismo ng lunsod ng Yichang ng Lalawigang Hubei na noong Hunyo ng taong ito, dahil sa pag-iimbak ng tubig sa Three Gorges, umabot sa 135 metro ang lebel ng tubig nito. Halos lahat ng mga dating tanawin ay natakpan ng tubig. Ngunit, may mga lumitaw naman na mga bagong tanawin, na gaya ng mga isla, at lalong gumanda ngayon ang Three Gorges. Sinabi niyang,
"Noong panahong iyon, kilala ang Three Gorges dahil sa angkin nitong labis na matatarik na tanawin. Ngunit, pagkatapos ng pag-iimbak ng tubig sa Three Gorges, bumagal ang daloy ng tubig ng ilog, mas naging malinis ang kalidad ng tubig at limitaw ang mga malalaki't maliliit na lawa na mas mataas na pantay-dagat. Masasabing, hindi lamang nananatili ang halina ng dating Three Gorges, kundi lalo pang gumaganda ang mga tanawin nito."
Sinabi ni Gao na kasabay ng pagtaas ng water level at pagbagal ng bahagdan ng pagdaloy ng tubig, nabuo ang isang malaking lawa, sa halip ng mabilis na umaagos na ilog. Lalo na sa lunsod ng Yichang, na naging isang tamang-tamang lugar kung saan mapapagmasdan ang magagandang tanawin ng bagong Three Gorges.
Ang Shennong Stream ay isang ilug-ilugan sa Three Gorges na kilala ng mga turista. 60 kilometro ang kabuuang haba nito at hindi umaabot sa 5 metro ang saklaw ng katubigan sa pinakamakitid na bahagi nito, at makararaan lamang dito ang mga manlalakbay sa pamamagitan ng pagsakay sa maliit na bapor. Nasa luntiang daigdig ang mga turista rito at napakatahimik at napakasariwa ng hangin dito.
Inilahad ni Wang Yuan, tour guide ng Ahensiya ng Turismong pandaigdig ng Tsina na mahigit sampu ang mga ilug-ilugan sa Three Gorges na tulad ng nabanggit na Shennong Stream. Bago ang pag-iimbak ng tubig sa Three Gorges Dam, hindi sapat ang lalim ng tubig dito, kaya, hindi nakakapasok ang mga bapor. Ngunit, ngayon, maaari na at nakikita ng mga turista ang magagandang tanawin. Tinataya niyang ang pagsakay sa maliliit na bapor sa mga ilug-ilugan ay magiging "tampok" sa pagbisita sa mga bagong tanawin ng Three Gorges.
Noong ika-9 na dekata sa ika-20 siglo, lalo pang nakilala ang Three Gorges dahil sa pagsisimula ng Three Gorges Water Project at pinapasok nito ang maraming manlalakbay na dayuhan. Noong 2005, mga 200 libong turistang dayuhan ang nakabisita sa Three Gorges at ito ay naging isang destinasyon ng mga manlalakbay na dayuhan.
Sinabi ni Huang Jie, opisyal ng Ahensiya ng turismong pandaigdig ng Tsina na pagkaraang tumaas ang lebel ng tubig ng Three Gorges, nagustuhan na ng mga dayuhan ang pagpunta sa Ilog Yangtse sa panahon ng tag-init. Sinabi niyang,
"Ang pinakamaikling linyang pan-turismo ng mga dayuhan para sa pagbisita sa Three Gorges ay iyong mula lunsod ng Chongqing hanggang lunsod ng Yichang ng Lalawigang Hubei at pinagkakalooban namin ang mga dayuhan ng chartered ship. At ang mga tanawin na nakikita sa lahat ng dako habang nakasakay ng sasakyang pantubig ay kinagigiliwan ng mga turista."
Sa kasalukuyan, nasa unang yugto pa rin ang pag-iimbak ng tubig sa Three Gorges Project. Sa taong 2009 kung kalian inaasahang ganap na makukumpleto ang proyektong ito, tataas sa 175 metro ang lebel ng tubig ng Three Gorges, at sa panahong iyon, magiging mas maganda ang mga tanawin nito.
Ipinalalagay din ng nabanggit na opisyal na panturismo ng lunsod ng Yichang na pagkaraang maitayo ang Three Gorges Project, ang bagong magagandang tanawin ng Three Gorges ay magbibigay ng walang katulad na damdamin sa lahat ng mga turista. Sinabi niyang,
"Hindi dapat mabago ang himala ng Three Gorges at gaganda ito. Umaasa kaming maipapako ng mga turistang dayuhan ang kanilang mga mata sa Three Gorges dam at sa iba't ibang natural landscape at mga tanawin na likas na kinagigiliwan ng mga tao. Ipagkakaloob naming sa mga turista ang pinakamagandang serbisyong kaya naming ibigay para magkaroon sila ng bagong damdamin sa Three Gorges."
Bakit hindi ninyo subuking bisitahin ang Three Gorges. Tiniyak ko sa inyo na hindi masasayang ang inyong biyahe.
|