• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-09-04 20:51:15    
Tagapakinig, optimistikong optimistiko sa 2008 Bejing Olympics

CRI
Tinawagan ko kamakalawa si La Trixia Landicho ng Bacoor, Cavite para magtanong ng ilang bagay pero gaya rin ng nangyari sa ibang tagapakinig nang tawagan ko, humaba nang bumaba ang aming kuwentuhan.

Hindi bale, hindi bale. Basta tagapakinig hindi ako nanghihinayang sa oras.

Sa pamamagitan ng Serbisyo Filipino, ipinararating ni La Trixia, unang-una na, ang kanyang pangungumusta sa lahat ng mga kababayang tagapakinig sa ibayong dagat, partikular na sa Hong Kong at Saudi Arabia.

Sabi niya diyan sa Pinas ngayon, ang mga paboritong paksa ay ang nalalapit na halalan, isyung nuklear ng Iran at Hilagang Korea, digmaan ng Israel at Lebanon at 2008 Beijing Olympics.

Laban na laban daw siya sa digmaan pero hindi naman siya sang-ayon na hindi pag-usapan sa radyo at telebisyon. Dapat lang aniyang pag-usapan ito para maramdaman ng balana ang hapdi at kirot na dulot ng digmaan sa mga biktima nito.

Sa isyung nuklear naman ng Iran at Hilagang Korea, ang isyu aniya ay hindi nuklear kundi pulitikal at ang nakakabahala ay ang magiging konsekuwensiya ng hindi pag-usad ng usapan.

Pagdating naman sa paksang 2008 Beijing Olympics, medyo nagbago nang kaunti ang mood ni La Trixia. Parang sumigla at ang pagsasalita niya ay may tono ng pananabik.

Bukod pa rito, sinabi ni La Trixia na may karanasan ang China sa pag-oorganisa ng mga palakasan, may magandang logistics, maraming napanalunang gintong medalya, may sapat na bilang ng hotels na may international standard at may magandang serbisyo ng transportation and communication.

Nagtatanong si La Trixia kung bakit wala kaming paligsahang pangkaalaman hinggil sa 2008 Beijing Olympics samantalang nagsimula na ang 2-year countdown. Sabi niya, dapat kahit minsan sa isang linggo meron kaming Olympic special para ma-update sila sa ginagawang paghahanda ng Beijing para sa paligsahan. Nabanggit din niya ang tungkol sa Olympic hotline.

Iyan ang long-distance voice para sa gabing ito, tinig ni La Trixia ng Bacoor, Cavite.

At napag-uusapan din lang natin ang Beijing Olympics, narito ang ilang Olympic SMS mula sa ating textmates diyan sa Pilipinas.