Mga sangkap
300 gramo ng patatas 5 gramo ng labong 25 gramo ng lean pork, tinadtad 5 gramo ng kabute 5 gramo ng siling labuyo 5 gramo ng soy bean paste 500 gramo ng mantika (1/10 lamang ang makukunsumo) 1 gramo ng asin 1 gramo ng vetsin 10 gramo ng toyo 3 gramo ng asukal 1/2 gramo ng scallion, hiniwa-hiwa nang pino 1/2 gramo ng luya, hiniwa-hiwa 1/2 gramo ng bawang, hiniwa-hiwa 100 gramo ng tubig
Paraan ng pagluluto
Talupan ang patatas at hiwa-hiwaing pa-diyamante na 2 sentimetro ang haba. Hiwa-hiwain nang pino ang labong, kabute at siling labuyo.
Mag-init ng mantika sa kawali sa temperaturang 110 hanggang 135 degrees centigrade at ihulog ang mga piraso ng patatas. Igisa hanggang sa maging kulay malagintong dilaw. Hanguin at patuluin.
Maglagay ng 25 gramo ng mantika sa kawali at ihulog ang tinadtad na karne, kabute, labong at siling labuyo, tapos igisa. Lagyan ng tubig, toyo at shaoxing wine, tapos isunod ang patatas, soy bean paste, asin, vetsin, asukal, scallion, luya at bawang. Initin hanggang sa maluto. Tapos, dagdagan ang apoy para mabawasan ang likido. Isalin sa plato at isilbi.
Katangian: sagana sa panpalasa.
Lasa: malambot, maalat at matamis.
|