Matagumpay na natapos kahapon ang 7 araw na ika-8 Asia Arts Festival. Ang taong 2006 ay ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN. Nitong 15 taong nakalipas, lumalakas nang lumalakas ang pagtitiwalaang pulitikal ng Tsina at ASEAN, patuloy na lumalalim ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at tumatatag ang pagpapalitang pangkultura ng mga bansa. Noong Agosto ng tinalikdang taon, nilagdaan ng Tsina at ASEAN ang memorandum of understanding na may kinalaman sa pagtutulungang pangkultura. Ito ang kauna-unahang opisyal na dokumento na nilagdaan ng Tsina at organisasyong panrehiyon sa pagpapalitan at pagtutulungang pangkultura. Kaya, ang keynote ng naturang arts festival ay pagpapalalim ng pagpapalitan at pagtutulungang pangkultura ng Tsina at ASEAN, at ang linggo ng kulturang ASEAN ay ang naging pangunahing nilalaman ng pestibal na ito.
May 4 na pangunahing aktibidad ang Asia Arts Festival na kinabibilangan ng Porum ng mga Direktor ng Museong Pansining ng Asya o Asia Art Museum Director's Forum, Eksibisyung Pansining ng Asean o Asian Wonders-ASEAN Art Exhibition, Gala Performance for the 8th Asia Arts Festival at "10 plus 3" Training Programme on Cooperation for Cultural Human Resource Development. Bilang isang pangunahing miyembro ng ASEAN, binigyan ng Pilipinas ng mataas na pagpapahalaga ang kapistahang ito at ipinadala nito ang pinakamahusay na dalubhasa at iskolar mula sa sirkulong pangkultura para lumahok sa mga aktibidad.
Ang 2 araw na porum ng mga direktor ng museong pansining ay naglalayong makapagbahaginan ng karanasan ang iba't ibang bansang Asyano sa koleksyon, pagdidispley at pananaliksik sa mga produktong pansining. Sa pamamagitan ng porum na ito, maitatatag ang mekanismong pangkooperasyon sa pagitan ng mga art museum na Asyano at lilikha ng bagong siglo ng sining. Hinggil sa pangunahing ponto ng kanyang talumpati rito, sinabi ni Dr. Patrick Flores, curator ng National Museum ng Pilipinas na:
May malayo at mayamang kasaysayang pangkultura ang mga bansang ASEAN at walang humpay na ina-adopt ng mga bansang ASEAN ang esensiya ng mga kulturang dayuhan at samantalang pinananatili ang kanilang sariling katangian. Ang mga handicrafts ang pinakakatutubo at kilalang kilala sa buong daigdig. Ang mga handicrafts na idinispley ng Pilipinas ay kinabibilangan ng seputangan, galang basket, runti, nilagang mani at iba pa. Hinggil sa katangian ng handcrafts ng Pilipinas, isinalaysay ni Dr. Norma A. Respicio na:
Ballet Manila ang kinatawan ng Pilipinas sa Gala Performance for the 8th Asia Arts Festival. Nagtanghal sila ng sayaw samantalang ang mga alagad ng sining mula sa Tsina at iba pang 9 na bansang ASEAN ay nagtanghal ng awit at tumugtog ng instrumento. Nang kapanayamin ng mamamahayag, sinabi ng tatlong dancer ng Ballet Manila na sina Ricardo Mallari, Geraldo Francisco at Romeo Peralta na:
kahit tapos na ang Asia Arts Festival, hindi nanatapos ang pagtutulungan at pagpapalitang pangkultura ng Tsina at ASEAN at ibang't pang Bansang Asyano. Sa pagpapalagayan sa larangang pangkultura, ibayopang umuunlad ang relasyon ng mga bansa sa pulitika, kabuhayan at kalakalan, siyensiya at teknolohiya. Nananalig kaming mas lalawak at gaganda pa ang hinaharap ng Tsina at mga Bansang Asyano. Mabuhay ang pagkakaibigan ng mga bansang Asyano!
|