• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-09-11 18:00:28    
Listener: sa digmaan walang panalo, lahat ay talo

CRI
Ang mga liham na bibigyang-daan natin ay padala nina Glenda Payumo ng Cavite at Sabrina Salandanan ng Baguio City.

Sabi ni Glenda...

Tama ang sabi ng isang short-wave listener, ang giyera ay walang kasimpait na ka alaran. 30 Filipino OCWs ang dapat ilikas mula sa Lebanon dahil sa giyera ng Lebanon at Israel. Pansamantalang istambay muna ang mga kawawang kababayan. Hindi ko na rin matandaan ang bilang ng mga inosenteng sibilyang Lebanes at Israeli na naipit sa labanang ito. Apektado rin ang presyo ng krudo kaya ang presyo ng pangunahing bilihin ay tiyak na tataas din. Saan ba talaga tayo patungo?

Hindi ba, Kuya, may kasabihan na kung makukuha mo nang paupo, huwag nang tumayo? Puwedeng daanin ito sa mabuting usapan at di na kinakailangan pang magputukan. Ang mga lider lang nila ang may gusto nito at iyong ang negosyo ay may kinalaman sa armas at bala. Subukin mong tanungin ang mga pangkaraniwang mamamayan ng dalawang bansa, siguradong iiling. Ayaw nila ng giyera, eh. Alam kasi nila na sa digmaan walang panalo. Lahat ay talo. Pero ang talagang talung-talo ay ang mga walang kalaban-labang sibilyan.

Pasensiya ka na, Kuya, kung nadadala ako ng aking emosyon. Hindi ako dapat sumulat ng ganito. Di bale, next time masaya naman ang sulat ko.

By the way, natanggap ko na ang CD ng Chinese traditional music at CD ng Chinese modern songs. Honestly, paulit-ulit kong pinakikinggan. Maaring hindi ko naiintindihan ang lyrics pero maganda ang melody.

Sana okey kayong lahat diyan sa Serbisyo Filipino. Hanggang sa susunod uli.

Thank you sa much, Glenda, sa iyong liham. Correct na correct ka diyan. Sa digmaan talagang walang nananalo. Lahat talo. Dagdagan na lang natin ang ating dasal. Thank you uli and God love you.

Bago tayo dumako sa liham ni Sabrina, tunghayan muna natin ang mga mensahe ng ating textmates mula sa Philippines.

Mula sa 9174013194, "Let the Olympic countdown begin!" Mula sa 9194260570, "Tagumpay ng Olympics, tagumpay ng Asya!" At mula naman sa 9158075559, "God bless the 29th Olympic Games!".

Ngayon, tingnan naman natin kung ano ang laman ng liham ni Sabrina...

Last time sumali ako sa inyong knowledge contest pero hindi ako nanalo. Sana dito sa "Ako at ang CRI" makuha ko ang jackpot. Sa inyo namang guessing game parang napakawalang-suwerte ko naman. Kung titingnan, parang give-away na give-away ang questions pero hindi pa rin masapul. Talaga sigurong hindi ako marunong umasinta.

Sa pagkakaalam ko, malayo na ang narating ng inyong Dear Seksiyong Filipino at Cooking Show. Marami raw kababayan sa Hong Kong at Middle East countries ang sumusubaybay dito. Congratulations, Kuya Ramon Jr., ang aming loving DJ. Very Loving na, very lovely pa.

Marami sa mga ka-opisina ko ang naiinggit sa akin. Kasi kakilala kita. Paano daw kita nakilala. Sabi ko naman puwede rin silang sumulat sa iyo pero ang una sa lahat dapat munang makinig sila sa mga programa mo lalo na sa Dear Seksiyong Filipino.

Nakuha ko na iyong padala mong t-shirt na kulay yellow na ang design ay maskara ng Beijing Opera. Nakuha ko na rin ang kopya ng "Dumagit". Bakit wala ang picture mo doon? Ikaw, ha? Ayaw mong malantad ang kaguwapuhan mo, ha?

Mas cool sana kung ang Gabi ng Musika mo ay mga eleven ng gabi at puro sweet music ang tugtog para madali akong makatulog.

Dagdagan mo ang oras ng iyong pahinga, Kuya.

Maraming maraming salamat, Sabrina, sa iyong liham at for letting me know natanggap mo na iyong padala kong souvenir items. Okay naman pala ang postal service diyan sa lugar niyo, eh. Wala pang ten days dumating na iyong package.

Hinggil naman sa aming mga contest, salihan mo lang nang salihan ang mga ito. Anong malay mo, gaya na rin ng sabi mo, baka maka-jackpot ka.

Salamat uli, Sabrina. Huwag kang magsasasawa ng pagsulat, ha?

Meron pa ditong dalawang text messages. Sabi ng 9185347624, "Sana magbukas kayo ng hotline para sa 2008 Olympic Games. Magandang porum ito para sa pagpapalitan ng views hinggil sa nalalapit na Olympics. Sabayan rin ninyo ng mga pakontes." Sabi naman ng 9213781478, "Sama ako sa mga Beijing Olympic promos ninyo."

At hanggang diyan na lang ang aming column. Maraming salamat sa inyo. Ito muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.