Mga sangkap
300 gramo ng lomo ng baboy 50 gramo ng labong 75 gramo sweet pink-fleshed radish 25 gramo ng green peppers 25 gramo ng red peppers 15 gramo ng scallions 15 gramo ng luya 1 puti ng itlog 2 gramo ng asin 10 gramo ng oyster sauce 5 gramo ng toyo 1/2 gramo ng paminta 15 gramo ng shaoxing wine 5 gramo ng asukal 2 gramo ng vetsin 10 gramo ng tuyong cornstarch 100 gramo ng tubig 100 gramo ng mantika
Paraan ng pagluluto
Hiwa-hiwain ang lomo ng baboy sa mga pirasong 6 na sentimetro ang haba at 0.3 sentimetro ang kapal. Lagyan ng asin, puti ng itlog at tuyong cornstarch at haluing mabuti.
Hiwa-hiwain ang labong, labanos, green at red peppers, scallions at luya.
Maglagay ng tubig, oyster sauce, toyo at mixture of cornstarch and water sa isang mangkok at lagyan ng paminta, asin, vetsin at asukal. Tapos, haluing mabuti hanggang sa maging sarsa na gagamitin mamaya.
Mag-init ng mantika sa kawali sa temperaturang 110 hanggang 135 degrees centigrade at igisa ang mga piraso ng lomo hanggang maluto. Ihulog ang mga piraso ng labong, labanos, green at red peppers, scallions at luya at ituloy ang paggisa. Buhusan ng sarsa at haluing mabuti. Isalin sa plato at isilbi.
Katangian: may magandang kulay.
Lasa: masarap, madulas, malambot at sagana sa pampalasa.
|