• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-09-14 19:39:30    
Dalawang UN Translators at isang nayon sa Tsina

CRI
Dalawang UN translators at isang nayon sa Tsina. Posibleng ipalagay ninyo na walang anumang koneksyon ang dalawang ito. Pero ipakikita ko sa inyo na may malapit na kaugnayan ang dalawang UN translators na ito at ang isang common village dito sa Tsina.

Isang araw ng nagdaang Hunyo, masigla ang atmospera ng Dacheng, isang nayon sa Lalwigang Henan ng Tsina, at nagdaos ang mga taga-nayon ng iba't ibang aktibidad bilang mainit na pagtanggap sa mga punong pandangal ng kanilang village--sina Hua Junxiong at Liu Dazheng. Kapuwa nagtatrabaho ang dalawang ginoong ito sa UN bilang tagasalin at magkahiwalay na isinilang sila sa Taiwan at Hong Kong ng Tsina. Sadyang pumunta sila sa nayong ito mula sa New York para bisitahin ang kanilang "kapamilya".

Kung gusto ninyong malaman ang kuwento hinggil sa dalawang mamang ito, dapat magsimula tayo sa kanilang kasama--si Cao Guozhong. Ang 37 taong gulang na si Cao ay isinilang sa nayon ng Dacheng, at walong taong na siyang nagtatrabaho sa UN. Binigyan siya nina Liu at Hua ng lubos na pagpapahalaga at itinuting siya ng mga ito nang higit pa sa isang kaibigan.

Datapuwa't lagiang nasa ibayong dagat, kailanman ay hindi nakakalimot si Cao sa kanyang lupang tinubuan. Lagi siyang nagpapadala ng pera sa Dacheng bilang tulong para sa konstruksyon ng nayon. Nang makarating sa kaalaman nina Liu at Hua ang pangyayaring ito, nagkaroon ito ng epekto sa kanilang damdamin. Ipinasiya nilang buong sikap na tulungan ang nayon ng Dacheng. Sinabi ni Hua na:

"Pareho kaming ipinanganak na mahirap ni Liu kay laging nasa isip namin ang pagbibigay-tulong sa mga di-maunlad na kanayunan. Nang sabihin sa amin ni Cao ang kalagayan ng kanyang lupang tinubuan, naisip namin na ito ay isang magandang pagkakataon."

Ang Dacheng ay isang nayon sa dakong kanlurang hilaga ng Lalawigang Henan ng Tsina, at ito ay kilala sa kahirapan nito. Nitong ilang taong nakalipas, magkakasunod na umuunlad ang mga nayong malapit sa Dacheng, ngunit, atrasadong atrasado pa rin ang nayong ito.

Nang malaman nina Liu at Hua ang hinggil sa kalagayan ng nayon ng Dacheng, ipinasiya nila na magbigay ng 20 libong Dolyares bilang tulong sa pagpapagawa ng mga lansangan at pagpapaayo ng mga silid-aralan ng mga paaralan sa nayong ito. Noong katapusan ng Mayo ng taong ito, dumating na ang nasabing pondo. Salamat sa pondong ito, nakabili ang nayon ng ilang computer para sa mga paaralan at nasimulan ang pagpapagawa ng mga lansangan.

Pinasalamatan ng bawat taga-nayon ang mga ibinigay ni Hua at Liu. Sinabi ng taga-nayong si Zuo Chanzhang na:

"Malagayang maligaya ako. Kailanma'y hindi naganap sa kasaysayan ng aming nayon ang pangyayaring ito. Datapuwa't malayo sa amin, nagbigay pa rin ng malaking halaga sa aming nayon ang dalawang ginoo. Laking pasasalamat ko sa kanila. Talaga lang."

Liban sa pagbibigay-tulong sa aspekto ng pondo, nagbago rin ang mga taga-nayon dahil kina Liu at Hua. Sinabi ni Li Guangle, namamahalang tauhan ng nayon ng Dacheng na:

"Noong mga nakaraang taon, walang sinumang taga-nayon ang nakahandang lumahok sa mga aktibidad ng buong nayon. Ngunit, pagkaraang marinig nila ang kuwento hinggil sa dalawang ginoo, ipinalalagay nilang kung ano dalawang ito na naninirahan sa malayo ay nagbibigay-halaga sa kanilang nayon, bakit hindi sila na naririto ay hindi makapagsikap para sa ikauunlad ng kanilang nayon? Sa kasalukuyan, aktibong lumalahok sa mga boluntaryong aktibidad ang lahat ng mga taga-nayon."

Dahil sa nasabing mga ito, ipinasiya ng mga taga-nayon na mag-anyaya sa dalawang ginoo na manungkulan bilang honorary head ng kanilang nayon. Maligayang tumanggap sina Liu at Hua ng pag-anyayang ito, kaya nga sinadya nilang pumunta sa nayong ito.

Kaugnay ng kinabukasan ng nayong ito, kapuwa may mataas na ekspektasyon sina Liu at Hua. Sinabi ni Liu na:

"Ang naibigay namin ay isang maliit na maliit na ambag lamang. Ito ay panimula lamang. Umaasa kaming patuloy na makakalahok sa mga gawain ng nayon at makapag-uukol ng pansin dito. Pagkaraan ng 5 o 10 taon, posibleng magbago nang malaki ang nayon ng Dacheng, at maging modelo sa mga kanayunan ng Lalawigang Henan."