Nakipagtagpo noong ika-10 ng buwang ito sa Helsinki, Finland si premyer Wen Jiabao ng Tsina sa kanyang counterpart ng Biyetnam na si Nguyen Tan Dung at narating ng dalawang panig ang komong palagay hinggil sa mga isyung gaya ng pagsarbey ng hanggahang panlupa at pagpapalakas ng kooperasyong pandagat at iba pa. Ipinahayag ni Wen na dapat balakin at ganap na pasulungin ng Tsina at Biyetnam ang kooperasyon sa iba't ibang larangan, walang humpay na pataasin ang lebel ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, lagdaan nang mas maaga ang balangkas ng kasunduan hinggil sa bilateral na kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan at tapusin ang pagsarbey ng hanggahang panlupa sa lalong madaling panahon. Sinabi ni Nguyen Tan Dung na umaasa ang kanyang bansa na makikipagsanggunian sa Tsina hinggil sa ibayo pang pagpapasulong ng relasyong pangkalakalan at pangkabuhayan at nakahanda itong magsikap kasama ng Tsina para matapos ang mga gawain ng pagsarbey ng hanggahang panlupa at pagtirik ng boundary mark bago ang taong 2008.
Napag-alaman noong isang linggo ng mamamahayag mula sa sekretaryat ng China-Asean Expo, Caexpo na itinatayo ng ika-3 Caexpo ang mga 3300 booth at sangkatlo nito ay mapupunta sa mga bansang Asean. Isinalaysay ni Zhang Xiaoqin, pangkalahatang kalihim ng sekretaryat ng Caexpo na sa kasalukuyan, nakahanda ang Byetnam, Malaysiya at iba pang bansa na mangupahan ng ekslusibong bulwagan para sa pagtatanghal ng sarili nilang mga paninda. Aabot sa mga 1 libo ang mga booth ng mga bansang Asean. Tiniyak ding lahat noong isang linggo ang 11 kaakit-akit na lunsod ng ika-3 Caexpo at ang Shanghai ay nagsisilbing kaakit-akit na lunsod na kumakatawan sa Tsina. Tiniyak na ng 10 bansang Asean ang kani-kanilang kaakit-akit na lunsod para sa paglahok sa expo. Ididispley ng nasabing 11 lunsod, pangunahin na, ang pag-unlad at pagkakataong komersyal nito sa larangang gaya ng kalakalan, pamumuhunan, turismo at kultura.
Mula ika-18 hanggang ika-19 ng buwang ito, idaraos sa Nanning, punong lunsod ng rehiyong awtonomo ng Guangxi ng Tsina ang porum ng industriyang kultural ng Tsina at ASEAN para sa taong 2006. Mahigit 60 dalubhasa mula sa Tsina at 14 na bansa at rehiyong ASEAN ang lalahok sa porum na ito, at tatalakayin nila ang hinggil sa pagpapalitan at pagtutulungang kultural ng Tsina at ASEAN. Ayon sa salaysay, ang layunin ng porum na ito ay pagkokompliment ng bentahe sa isa't isa, magkasamang paghahanap ng pag-unlad. Tatalakayin ng porum ang malawakang hinaharap at matibay na puntasyon ng kooperasyong kultural ng Tsina at ASEAN batay sa temang "kultura--bagong puwersang pantulak sa pag-unlad ng kabuhayang ASEAN".
Idaraos sa ika-19 ng buwang ito sa Seri Begawan, punong lunsod ng Brunei ang kauna-unahang China-ASEAN Telecommunication & IT Ministers Meeting. Nauna rito, idaraos ang ika-6 pulong ng mga ministro ng telekomunikasyon ng ASEAN at pulong ng mga mataas na opisyal ng telekomunikasyon ng ASEAN at Tsina, Hapon, Timog Korea. Ang delegasyon ng Tsina na pinamumunuan ni Xi Guohua, pangalawang ministro ng telekomunikasyon ang lalahok sa pulong na ito.
Idaraos sa susunod na buwan sa Nanning ang China-ASEAN International Touring Assembly. Kaugnay nito, nagdaos noong Miyerkules ng preskon sa Beijing ang General Administration of Sport ng Tsina at pamahalaan ng Guangxi hinggil sa pagsasaayos ng paligsahang ito. Napag-alamang tatagal nang 21 araw ang kasalukuyang paligsahan na magsisimula sa ika-6 ng susunod na buwan at ang ruta ng pagligsahan ay dadaan ng Tsina at 6 na bansang ASEAN na kinabibilangan ng Vietnam, Laos, Thailand, Malaysia, Singapore at Kambodya.
|