• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-09-18 19:36:27    
Cooking Show: Fried scallops with lilies

CRI
Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo International ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Cooking Show ng programang Alam Ba Ninyo.

Hello kayo diyan Cooking Show fans? Kumusta ba ang buhay-buhay.

Maraming nagri-request ng Chinese foods kaya Chinese food tayo ngayong gabi.

By the way, doon sa mga humihingi ng kopya ng ising-ising, sa oras na matanggap ko ang ipinangakong kopya ni Red Chico (speacialty niya kasi ito, eh) padadalhan ko agad kayo. Huwag lang kayong mainip...

Second time pa lang ng ating guest cook sa ating palatuntunan kaya maaring hindi niyo siya matatandaan.

Narito siya, si Vera, para sa kanyang special Chinese dish...

Iyan, narinig ninyo, Fried scallops with lilies, para doon sa mga mahilig sa sea foods.

Sabi ni Vera, itong lutuing ito ay may katamtamang lasa at masarap na amoy.

Sige, ihanda ang inyong bellpen at notebook, narito si Vera para sa mga sangkap ng Fried scallops with lilies...

300 gramo ng scallops

100 gramo ng lily petals

10 gramo ng scallions

5 gramo ng dinikdik na luya

seasoning:

1 kutsara ng pinong asin

1 kutsara ng cooking wine

1/2 kutsara ng pepper powder

1 kutsara ng cornstarch and water

1 kutsara ng spice oil

Oh, nakuha ba ninyo lahat ng mga sangkap? Sige...

Ngayon dumako na tayo sa ating pinaka-"main event". Naritong muli si Vera para sa paraan ng pagluluto...

Linisin ang scallops, tanggalin ang litid at patuluin. Lamasin sa asin at mixture of cornstarch and water. Linisin at gupitin nang bahagya ang lily petals. Hugasan at tadtarin ang scallions.

Paghalu-haluin ang mga sangkap para sa seasoning at gumawa ng sarsa.

Mag-init ng 600 gramo ng salad oil sa kawali. Iprito ang scallops hanggang sa maluto nang 80%. Hanguin at patuluin. Igisa ang scallions at luya tapos isama ang scallops at lily petals at iprito hanggang sa maluto. Ilagay ang sarsa. Isilbi.

At iyan si Vera o Wei La at ang kanyang Fried scallops with lilies.

Thank you for your time, Vera. Huwag ka munang umalis, ha? Kuwentahan muna tayo.

Bigyang-daan naman natin ang liham ng aking paboritong kumare, si Mareng Gina ng Paranaque.

Sabi niya:

Hoy Pareng Ramon,

Dalas-dalasan mo naman ang pagluluto ng Chinese food sa iyong Cooking Show. Alam mo naman na ito lang ang inaabangan ko sa programa mo. Mga lutuing Tsino ang gusto kong matutuhang lutuin. Iyong ibang luto puwedeng maghintay. Alam mo naman na magbubukas ako ng Chinese restaurant one day kaya gusto kong mag-concentrate sa Chinese foods. Huwag mo namang ipagkait sa akin ang pagkakataong ito. Ikaw, talaga, pare, mahina ata ako sa iyo eh. Ako ang bahala sa letter box mo sa Baclaran. Hawak natin ito. Basta magluto ka lang nang magluto ng Chinese foods sa iyong programa at magpadala nang magpadala ng recipes ng Chinese foods. Happy na ako dito.

Iyong mga Chinese foods sa iyong website parang hindi mo pa naluluto sa iyong Cooking Show. Atsaka bakit hindi ko naririnig ang tunog ng kumukulong mantika at ingay ng siyanse at kawali sa website?

Mangako ka, Pare, na magluluto ka ng Chinese foods tuwing Biyernes, ok?

Mareng Gina,

Baclaran Paranaque

Metro Manila, Phils.

Thank you so much, Mare, sa iyong sulat. Ako ata ang mahina sa iyo, eh. Hayaan mo, alang-alang sa iyo, pipilitin naming magluto ng Chinese food hindi naman tuwing Biyernes kundi tuwing may Cooking Show, ok?

Meron ditong dalawang text messages.

Sabi ng 9178516482, "Binabati ko lahat ng staff ng Filipino Service. Good idea ang paggamit ninyo ng SMART. We are closer than ever." Sabi naman ng 9198073365, "CRI Filipino Service, a station that cares. We do care too."

Maraming salamat sa inyo. Maraming-maraming salamat.

At hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Maraming salamat sa inyo. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.