Ang mga mandirigma at kabayong terra cotta ay ginawa noong dalawang libong taon na ang nakalipas bilang mga tagapagsilbi ni Emperador Qin Shihuang. Kasi sa palagay ng mga sinaunang Tsino, ang kamatayan ay hindi wakas kundi pagsisimula ng isang buhay. Naniniwala silang hindi namamatay ang kaluluwa, at pagkamatay ng isang tao, patuloy na mabubuhay ang kaluluwa niya sa ilalim ng lupa na katulad ng sa mundo.
Samakatwid, kapag namatay ang isang tao, inililibing ang kanyang bangkay na kasama ng mga bagay na ginamit niya noong buhay pa siya. Totoo tio lalo na para sa mga emperador at maharlika na kaya ang isang marangyang libing.
Sapul nang matuklasan ang mga terra cotta figures, marami nang pananaliksik ang isinagawa hinggil dito. Buong pagkakaisang itinuturing ng mga art critics ng Tsina ang ekskabasyon ng mga may dalawang libong taong gulang na terra cotta figures ay isang walang katulad na pangyayari sa kasaysayan ng iskultura kapwa ng Tsina at daigdig. At napakahalaga anila ng mga pigurin sa mga sumusunod na larangan.
Una, ang tema: ang pitong libong pigurin ay isang imitasyon ng isang garison na nakatalaga sa labas ng lungsod ng Xianyang. Ipinakikita ng mga ito ang pagiging handa ng mga sundalo para sa isang malaking operasyong militar. Kahanga-hanga rin ang deployment ng hukbo.
Pangalawa, ang dami ng mga iskultura: sa kasalukuyan, mahigit sa pitong libong sundalo, kabayo, chariot at sandata na ang nakilala o na-identify.
Ikatlo: ang stature. Karaniwang 1.8 metro ang taas ng mga sundalo, at ang pinakamataas sa mga ito ay umaabot sa 1.95 metro. Ang mga pigurin ay nililok sa perpektong proporsyon ng 3 dimensyon ng haba, lapad at taas.
Bukod rito, tinukoy din ng mga ekesperto na kapansin-pansin din ang kulay, inidibiduwalidad at craftsmanship na ipinakikita ng mga terra cotta figures. Sapul nang buksan ito, nakaakit na ang mga museo ng terra cotta worriors and horses sa milyong milyong turista sa buong daigdig na kinakabilangan ng maraming lider na dayuhan na tulad nina Pangulong Jacques Chirac ng Pransiya, dating Pangulong Ronald Reagan ng E.U., Queen Elizabeth II ng Britanya, at iba pa. tulad ng sinabi ni Pangulong Chirac, "noon ay may seven Wonders of the World, pero nais kong sabihing ito ay ang ika-walong Wonder of the World."
|