Si Tian Atong ay isang kilalang clothing master ng Tsina, at siya ang nag-disenyo ng mga kasuotan para sa ilang henerasyon ng mga lider ng Tsina at gayun din para kay dating pangulong George Bush ng E.U. at dating haring Norodom Sihanouk ng Kambodya. 50 taon siyang nagtrabaho sa larangan ng kasuotan.
Si Tian ay isinilang sa isang pamiliya sa kanayunan sa Lalawigang Jiangsu ng Tsina. Noong 13 taong gulang siya, ipinadala siya ng kaniyang ama sa Lunsod ng Shanghai para mag-aral ng tailoring. Dahil sa kaniyang talino at tiyaga, pagkaraan ng 5 taon, nagkaroon siya ng sariling negosyo--itinatag niya ang "Tian Atong tailoring shop" sa kilalang lansangang komersiyal sa Shanghai--Nanjing Road at napakaganda ng takbo ng kaniyang negosyo.
Noong taong 1965, ilang taon pagkaraang itatag ang bagong Tsina, dahil sa kaniyang mataas na lebel ng kasanayan at moral standing, ipinadala si Tian sa Beijing para maging opisyal na taga-disenyo ng mga kasuotan ni pangulong Mao Zedong at ng iba pang lider ng Tsina. Ang trabahong ito ay nagpatuloy nang 50 taon.
Bukod sa paggagawa ng kasuotan para kay pangulong Mao, ang mga kasuotan ni premiyer Zhou Enlai at iba pang lider na gaya nina Deng Xiaoping, Jiang Zemin at Hu Jintao ay ginawa rin ni Tian. Pinapurihan siya ng mga lider sa mga gawa niyang kasuotan na hindi lamang maganda, kundi maginhawa rin. Taas-noo si Tian sa nasabing pagpapahalaga ng mga lider.
Nitong maraming taong nakalipas, liban sa pagpapataas sa lebel ng kaniyang kakayahan sa pananahi ng kasuotan, nagturo rin siya sa mahigit 100 mag-aaral. Si Zhou Junqiao ay isa sa kanila. Sa impresyon ni Zhou, ang kaniyang guro ay matiyaga at pragmatiko. Sinundan ni Zhou ang kaniyang guro sa loob ng 40 taon at sinabi niyang mataimtim ang pakikitungo ng kaniyang guro sa bawat bagay sa loob ng panahong ito. Sinabi niya,
"Mataas ang kaniyang kahilingan sa trabaho, mataimtim na hinahawakan niya ang bawat bagay. Bukod sa pananahi, tinuturuan din niya kami kung papaanong maging isang mabuting tao. Hindi ko makakalimutan kailanman ang mga tulong na ibinigay niya sa akin. Talagang pasasalamatan ko siya sa buong buhay ko."
Bukod sa Zhongshanzhuang o Chinese tunic suit, napakagaganda rin ng mga iba pang kasuotan na gawa ni Tian at ito ay nagustuhan nang lubos ng mga dayuhang lider. Noong ika-7 dekada ng nagdaang siglo, nang nagtrabaho sa Beijing si dating pangulong George Bush ng E.U., espesiyal na hiniling niya kay Tian na magdisenyo ng kasuotan para sa kaniya. Pagkatapos ng ilang taon, nang bumisita siya sa Tsina bilang pangulo ng E.U., sinabi niya sa mga mamamahayag na ang magandang damit niya noong panahong iyon ay gawa ni Tian. Tumira sa Tsina nang maraming taon si dating haring Norodom Sihanouk ng Kambodya at sa panahong iyon, si Tian ang kaniyang punong clothing designer. Bukod dito, si Tian din ang nagdisenyo ng mga kasuotan para sa iba pang dayuhang embahador sa Tsina.
Dahil sa pangangilangan ng trabaho. Namamalagi si Tian sa Zhongnanhai, kinaroroonan ng tanggapan ng mga lider ng Tsina. Kaya, mahiwagang mahiwaga siya para sa mga taga-labas. Kaugnay ng isyung ito, sinabi ni Tian na nakahada rin siyang magdisenyo ng kasuotan para sa mga karaniwang kostumer. Pumunta siya minsan sa Wangfujing, isang kilalang rehiyong komersiyal sa Beijing, para gumawa ng mga kasuotan para sa mga karaniwang kostumer. Ilang beses na pumunta rin siya sa Lalawigang Shandong para walang-bayad na magturo sa mga tauhan ng isang bahay-kalaklal ng kasuutan na ari ng estado.
Noong taong 2005, opisiyal na nagretiro si Tian. Ngunit, hindi niya hininto ang kaniyang propesyon. Mayroon siyang isang bagong mag-aaral--si Liu Weijun, board chairman ng Jiangsu Hongshanshu Fashion Co. Ltd.. Sinimulang patnubayan ni Tian ang bahay-kalakal na ito. Matagumpay na sinakop ng kompaniyang ito ang ilang pamilihan ng Tsina. Sinabi ni Tian na,
"Labis na ikinasisiya ko na tanggapin ang mag-aaral na ito. Dahil mahigit 80 taong gulang na ako, sa pagbibigay-patnubay ko sa kanya, patuloy na napapatingkad ko pa rin ang aking papel."
Anya, malusog na malusog siya. kung makakakita siya ng mahusay na, posibleng magkaroon pa siyang ng iba pang mag-aaral. Kaugnay ng buong buhay niya, nagbigay si Tian ng isang paglalarawan--buong sikap sa paggagawa ng kasuotan at matapat na matapat sa pag-uugali bilang isang tao.
|