Sa World Heritage Convention na idinaos kamakailan sa Republika ng Lithuania, inilakip ang Yin Ruins ng Tsina sa pamanang pangkultura ng daigdig. Ang Yin Ruins ay isang mahalagang labi ng sibilisasyon ng sinaunang panahon ng Tsina, lumitaw dito ang maraming tuklas na may kinalaman sa arkeolohiyang ipinagtaka ng daigdig. Sa programa sa gabing ito, ipapakilala ko sa inyo si Yang Xizhang, isang dalubhasa sa pag-aaral tungkol sa Yin Ruins.
Ang Yellow River na isinilang sa Talampas ng Qinghai-Tibet ay tinaguriang Mother River ng Tsina. Dahil sa magandang klima, sa middle at lower reches ng ilog na ito sumilang ang sibilisasyon ng Tsina noong sinaunang panahon. Matatagpuan ang 24 kilometro kuwadradong Yin Ruins sa nayong Xiaotun ng lunsod ng Anyang ng Lalawigang Henan ng Tsina.
Ang Yin Ruins ay isang capital ruins ng Shang Dynasty tatlong libong taon na ang nakararaan na kinabibilangan ng mahigit 20 natural villages na ang sentro ay ang Xiaotun. Mula noong nagdaang siglo hanggang sa kasalukuyan, pagkaraan ng maraming paghuhukay ng mga arkeologo, nakatuklas dito ng mayamang pamanang pangkultura, at mayroon itong mahalagang katuturan para sa pag-aaral hinggil sa sinaunang sibilisasyon ng Tsina. Ang 70 taong gulang na si Yang Xizhang, ay isa sa mga kilalang dalubhasa sa pag-aaral sa Yin Ruins.
Noong ika-5 dekada ng nagdaang siglo, nagtapos si Yang Xizhang ng kaniyang pag-aral sa Archaeology Dean ng Beijing University. Noong 1958, sinimulan niyang magtrabaho sa Archaeology Institute of Chinese Academy of Social Sciences. Pagkaraan ng apat na taong pagtatrabaho, ipinadala siya mula Beijing sa Anyang Archaeology Station para lumahok sa paghuhukay at pag-aaral sa Yin Ruins. Datapuwat magkahiwalay ang kaniyang pamumuhay at trabaho sa dalawang purok ng Beijing at Anyang, at hindi siya dumaing. Sinabi niya:
"Ipinadala ako dito ng puno para hukayin ang Yin Ruins. Unti-unti ko itong pinag-aralan nang masusi para madiskubre ko ang tunay na kalagayan ng Yin Ruins."
Nitong 40 taong nakalipas sapul nang pasimulan ni Yang ang kaniyang trabaho sa Yin Ruins, ang karamihan sa kaniyang panahon ay nagugugol sa pagharap sa mga normal na butas sa lupa, ngunti sa kurso ng paghuhukay, dapat maging maingat, dahil posibleng di-inaasahang makatuklas ng isang tortoise shell o isang potsherd na may napakahalagang katuturan. Noong 1990, nagkaroon si Yang ng ganitong pagkakataon.
Noong 1990, 160 libingan ng Guojia Village ang nahukay sa ilalim ng pamumuno ni Yang. Sa kaniyang pagtaya, ito ay isang royal tomb, at nananatili pa itong buo. Ngunti sa palagay ni Yang, ang pagkahukay ng isang arkeologo ng isang malaking royal tomb sa kaniyang buong buhay ay isang masuwerteng pangyayari, at nagkakaloob ng mayamang impormasyon hinggil sa sibilisasyon ang mga maliit na libingan ng mga naunang sibilyan. Sinabi niya:
"May tagumpay din ang paghukay ng mga maliit na libingan. Halimbawa, mahigit isang libong maliit na libingan ang nahukay sa Anyang. Pagkaraang mahukay ang mga ito at batay sa estruktura at kaayusan sa loob ng libingan, mauunawaan ang family tree sa panahong iyon. Sa pamamagitan ng pag-aaral sa libingang ito, nakakakuha tayo ng napakahalagang impormasyon para sa paglutas sa problema ng family tree."
Bukod sa paghuhukay, ang pagsasaayos ng ulat tungkol sa paghuhukay ay isa ring napakahalaga at di-mahahalinhang gawain. Hanggang sa kasalukuyan, nakapagpalabas na si Yang Xizhang ng mga ganitong mataas na kalidad na ulat pagkaraan ng lahat ng paghuhukay sa ilalim ng kaniyang pamumuno. Batay dito, nagpalabas siya ng maraming academic works. Sinabi niya:
"Ibinigay ko ang buong buhay ko sa Yin Ruins. Sa paghuhukay, pagtatamo ng kaalaman at pag-aaral sa Yin Ruins, nakapagbigay ako ng ilang ambag. Para sa akin, naisakatuparan ko na ang mahalagang ambisyon ko sa buhay."
|