• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-09-25 18:26:12    
Happy National Day Mula Sa Riyadh At Maynila

CRI
HOST: (BG MUSIC/VOICE MX) Kayo ay nasa Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Dear Seksiyong Filipino 2005.

Tumawag sa telepono si Lucas Baclagon ng Riyadh Saudi Arabia para bumati ng Happy National Day at makipagtsikahan na rin.

Kasabay ng pagpapaabot niya ng pagbati sa mga kaibigang Tsina sa pagdirwang nila ng kanilang pambansang araw, pinapurihan ni lucas ang gobyernong Tsina sa tapat at tumpak na pamamalakad nito na aniya ay siyang dahilan kaya patuloy sa pag-angat ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.

HOST: (BG MUSIC/VOICE MX) Sabi ni Lucas panahon na raw para magkaisa ang mga umuunlad na bansa para matamo nila ang inaasam-asam na kaunlarang pangkabuhayan at kaginhawahang panlipunan.

Ang pagkakaisa aniya ay nangangahulugan ng pagtutulungan ng mga umuunlad na bansa sa iba't ibang aspekto para mapagsama-sama ang kanilang lakas…

HOST: (BG MUSIC/VOICE MX) Isa si Lucas sa maraming mamimiwala na ang pag-unlad ng Tsina ay maghahatid ng biyaya sa maraming bansa, lalo na sa mga umuunlad na bansa. Aniya, sana magpatuloy pa sa pag-unlad ang Tsina para maambunan ng biyaya ang mga kapitbansa nito…

HOST: Iyan ang long-distance voice natin ngayong gabi-tinig ni Lucas Baclagon ng Riyadh, Saudi Arabia.

Pumunta naman tayo ngayon sa Maynila para sa SMS messages mula sa ating textmates…

VOICE W/BG MUSIC: Mula sa 919 201 3321, "Happy National Day!"

Mula sa 919 333 4445, "Kudos Sa Pambansang Arao!"

Mula naman sa 920 425 5526, "Best Wishes For October 1st!"

HOST: (BG MUSIC/VOICE MX) Oras na naman para sa pagbabasa ng liham ng tagapakinig ditto sa Dear Seksiyong Filipino. (BG MUSIC FADES UP … FADES DOWN) Ang liham na bibigyang-daan natin ay padala ni Mercy Nicol ng Roces Avenue, Q.C.

Sabi ni Mercy:

Dear Ramon Jr.,

Sorry ngayon lang ako nakasulat. Nakasampung sulat kana ata, ah. Galit ka ba? Tawa naman diyan, HE-HE-HE-HE.

May naka-usap akong DX-ER from Quezon City at sabi sa akin matutuloy na raw ang iyong music program na matagal na naming hinihiling sa iyoi which means puwede na naming marinig ang favorite sounds naming. Sana magkatotoo, no? Sabi pa niya, sa program no ito, anything goes. Nangangahulugan ba ito na tutugtugin mo ang mga sounds na luma at bago at ng kahit sino? Puwede ba kaming mag-request at meron bang dedication portion? Naku, mukhang exciting iyan, ah. Sana makarating ditto ng malinaw para ma-appreciate naming. Kahit na hindi mo ipakiusap sa akin, ipo-promote ko ang program na ito, at baka nga magpagawa pa ako ng mga stickers. Gusto ko naming makaganti sa kabutihan mo sa akin.

Okay ka lang ba diyan? Malaki na ba ang progress since you left the hospital.? Alam mo nag-worry kaming lahat noong sumabog ang balitang pumasok ka ng hospital. Sana talagang okay na okay ka na. Kung boses mo ang pagba-pagbabasehan, parang talagang back to normal kana at sa tingin ko mas pasa dati dahil maganda na ang breathing mo ngayon. Good news sa akin na tumigil ka na ng paninigarilyo. Para sa iyo din iyan. Basta mag-ingat ka lang lagi dahil maraming nagmamahal sa iyo.

Tinanong mo ako minsan kung ano sa mga programa mo ang pinaka-nogugustuhan ko. Ang sagot ko ay letter reading. Very interesting kasi. Natatanggap kong lahat ang mga souvenir items at reading materials na ipinadadala mo sa akin and I am very very grateful for your thoughtfulness.

Regards sa lahat at take good care of yourself!

Mercy Nicol

Roces Avenue

Quezon City

Phillppines

HOST: Thank you so much Mercy sa very touching letter mo. Sana magpatuloy ka ng pagsulat sa amin.

Okay, hanggang dito na lang ang oras natin para sa gabing ito. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik…