Mga sangkap
5 itlog 500 gramo ng tubig 3 gramo ng asin 2 gramo ng vetsin 5 gramo ng scallion, hiniwa-hiwa nang pino 5 gramo ng sesame oil
Paraan ng pagluluto
Batihin ang mga itlog sa isang mangkok. Lagyan ng asin, vetsin at tubig, tapos haluin nang mabuti.
Ilagay ang mangkok sa isang steamer at initin sa loob ng 15 minuto. Hanguin, wisikan ng scallions at sesame oil at isilbi.
Katangian: may magandang kulay na madilaw-dilaw. Malambot ang itlog at natutunaw ito sa sandaling pumasok sa bibig.
Lasa: maalat at masarap.
|