• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-09-28 18:00:46    
Mid-Autumn Festival at kuwento ni Chang'e

CRI
Siyempre naaalala nila sa okasyong ito ang mga magagandang alamat tungkol sa buwan. At ang pinakapopular sa mga ito ay nagsasalaysay kung paanong umakyat sa buwan ang isang diyosong nagngangalang Chang'e.

Noong unang panahon, pininsala ang mundo ng isang napakagrabeng tagtuyot. Ang sampung mga araw sa langit ay nagliyab na parang nagbabagang bulkan. Nalanta ang mga punong kahoy at damo. Nagbitak-bitak ang lupa at natuyo ang ilog. Maraming namatay sa gutom at uhaw.

Ipinadala ng Hari ng Langit na si Hou Yi sa mundo para saklolohan ang mga tao rito. Pagkarating ni Hou Yi, inilabas niya ang kanyang pulang arko o bow at mga puting pana o arrow, at mgakakasunod na pinana ang siyam na araw. Lumamig kaagad ang panahon. Pinuno ng malakas na ulan ng sariwang tubig ang mga ilog at naging berde ang mga damo at punong kahoy. Napanumbalik ang buhay at nailigtas ang sangkatauhan.

Isang araw, isang kaakit-akit na dalaga, si Chang'e ang umuwi mula sa isang sapa na may dalang isang lalagyang yari sa kawayan. Noong sandaling iyon, dumating ang isang lalaki at humingi siya kay Chang'e ng tubig. Nang makita ng babae ang pulang arko at mga puting palaso na nakabitin sa sinturon ng lalaki, nalaman ng babae na ang lalaking ito ay ang kanilang tagapagligtas, si Hou Yi. Pagkabigay ng tubig kay Hou Yi, pumitas si Chang'e ng isang magandang bulaklak para kay Hou Yi bilang tanda ng paggalang. At Si Hou Yi naman ay pumili ng isang magandang silver fox fur bilang regalo niya kay Chang'e. Muling pinainit ng pagkikitang ito ang kanilang pagmamahalan. Hindi nagtagal ay nagpakasal sila.

Seguradong limitado ang buhay ng isang mortal. Kaya upang magpakailanman ma-enjoy ang kanyang masayang pamumuhay na kasama si Chang'e, ipinasiya ni Hou Yi na hanapin ang isang elixir ng buhay.

Pumunta si Hou Yi sa Bundok ng Kunlun kung saan nakatira ang Western Queen Mother.

Dahil sa mga magandang nagawa niya, si Hou Yi ay ginantimpalaan ng Western Queen Mother ng elixir, ang pinong pulbos na yari sa mga buto ng isang uri ng prutas na tumutubo sa puno ng walang hanggan. Sinabi ng Queen Mother kay Hou Yi, "kung magkasamang pagsasaluhan ninyo ang iyong asawa ang elixir na ito, tatamasahin ninyo ang buhay na walang hanggan. At kung ito naman ay kukunin ng isa lamang sa inyong dalawak, ang taong ito ay makakaakyat sa langit at magiging immortal."

Pag-uwi ni Hou Yi, sinabi niya sa kanyang asawa ang lahat ng nangyari at napagpasiyahan nilang magkasabay na inumin ang elixir sa ika-15 araw ng ika-8 lunar month kung kailan bilog at maliwanag ang buwan.

Sa kasamaang palad, ang naturang plano ng mag-asawa ay narinig nang lihim ni Feng Meng, isang napakasama at napakalupit na lalaki. Humiling siya na sana mamatay nang maaga si Hou Yi para mainom niy ang elixir at magkaroon ng buhay na walang hanggan. Dumating din sa wakas ang kanyang pagkakataon. Isang araw, paglitaw ng full moon, pinatay ni Feng Meng ang papauwing si Hou Yi. Pagkatapos, tumakbo si Feng Meng sa bahay ni Hou Yi at pinilit si Chang'e na ibigay sa kanya ang elixir. Walang pag-aatubili namang pinulot ni Chang'e ang elixir at ininom lahat ito.

Ang pagkamatay ni Hou Yi ay labis na ikinalungkot ni Chang'e, humagulgol siya nang humagulgol sa harap ng bangkay ng asawa. Hindi nagtagal, nagkaepekto na ang elixir at dahan-dahang umakyat si Chang'e sa langit.

Ipinasiya ni Chang'e na doon na manirahan sa buwan sa dahilang pinakamalapit ito sa mundo. Doon namuhay siya nang simple at kontento. Kahit na nasa langit siya, nananatili pa rin ang puso niya sa daigdig ng mga mortal. Kailanman ay hindi niya nalilimutan ang malalim na pagmamahal niya kay Hou Yi at ang pagmamahal niya doon sa mga nakiramay sa kanilang kalungkutn at kasiyahan.