Ang Dongfeng Peugeot Citroen Automobiles Ltd. (DPCA) ay isang malaking tagpagyari ng sasakyang de motor sa Tsina na magkasamang itinaguyod ng Peugeot Citroen Group ng Pransya at Dongfeng Automobiles Company ng Tsina, at gayun din naman isang proyektong may pinakamalaking pamumuhunan ng Pransya sa Tsina. Welkam na welkam ang mga kotse na ipinoprodyus ng nasabing kompanya sa mga mamamayang Tsino. Dahil sa proyektong ito, maraming Pranses ang pumunta sa Tsina. Si Le Blainvaux ay isa kanila.
Sa kasalukuyan, si Le Blainvaux ang puno ng panig Pranses ng car factory ng nasabing kompanya sa Wuhan, punong lunsod ng lalawigang Hubei sa gitanang Tsina. Noong 11 taong nakaraan, nang sinimulang buuin ng panig Tsino at Pranses ang DPCA, maraming Pranses ang ayaw magtrabaho sa Tsina. Marahil ipinalalagay nilang malayung malayo ang Tsina at wala silang sapat na kaalaman hinggil sa estadong ito. Ngunit, nakahanda si Le Blainvaux na pumunta sa Tsina. Ipinalalgay niyang malaki ang nakatagong lakas ng Tsina sa larangan ng sasakyang de motor, at makakabuti ito sa pag-unlad ng kaniyang sariling karera. Kaya, pumunta si Le Blainvaux sa Tsina noong 1995 at naging puno ng isang planta ng nasabing kompanya na namamahala sa produksiyon ng makina ng sasakyang de motor.
Naalaala ni Le Blainvaux na noong panahong iyon, 60 lamang ang bilang ng mga tauhan ng nasabing planta, at siya ang kaisa-isang Pranses. Pagkaraang ng 3 taong magkakasamang pagsisikap ni Le Blainvaux at ng kaniyang mga tauhan, nagbagho nang malaki ang plant, lumaki sa mahigit 1 libo ang bilang ng mga personahe, at nakakapagprodyus na ito ng lahat ng uri ng makina para sa mga kotse ng DPCA.
Sa 3 taong pagtatrabaho sa Tsina, natuklasan ni Le Blainvaux ang may katangiang pang-akit at malaking pagbabago nito. Sinabi niya:
"Ipinalalagay kong mabilis ang pag-unlad ng Tsina. Nitong ilang taong nakalipas, nagbago ito nang malaki. Halimbawa, nilaparan ang mga lansangan at maraming express way ang itinayo. Mabilis ding umuunlad ang mga bahay-kalakal sa iba't ibang larangan. Siyempre pa, mabilis na umuunlad din ang industriya ng sasakyan de motor ng Tsina."
Noong 1998, ayon sa tadhana ng panig Pranses, natapos na ang trabaho ni Le Blainvaux sa Tsina at bumalik na siya sa Pransya. Hindi nakahandang umaalis ng Tsina si Le Blainvaux at kaniyang asawa at 3 bata. Pagdating niya ng Pransya, lagi na niyang tinutugaygayan ang mga ulat at balita hinggil sa Tsina.
Noong 2005, bumalik sa Tsina si Le Blainvaux, at itinalaga siyang puno ng car factory ng DPCA sa Wuhan. Para lubos na matugunan ang walang humpay na tumataas na pangangailangan ng mga mamamayang Tsino sa aspekto ng sasakyang de motor, kailangang walang humpay na yumari ng mga bagong koste. Nangangahulugan itong malaki ang presyur ni Le Blainvaux sa trababo. Ngunit, optmistikong optimisyiko siya, sinabi niya:
"Ang paglikha ng isang bagong bagay o industriya o isang bagong koste ay isang nagpapasiglang bagay para sa isang taong nagtatrabaho sa industriya ng sasakyang de motor. Nang Makita kong mainit na tintanggap ang mga koste namin ng mga mamamyang Tsino, wala akong kasing-ligaya."
Talos ng lahat, romantic na romantic ang mga Pranses, ngunit sa palagay ni Wang Fang, translator at kalihim ni Le Blainvaux, metikuloso si Le Blainvaux sa trabaho, sinabi niya:
"Napakametikulo niya sa bawat bagay sa trabaho, at mataas ang kaniyang kahilingan sa kaniyang sarili. Ngunit, kung makakagawa siya ng ilang kamalian, hindi niya kailanma'y sinisisi ang kaniyang mga kasama."
Dahil sa mga ito, popular na popular si Le Blainvaux sa mga tauhan ng DPCA at tinatawag siya nila siyang "Lao Le". Kaugnay ng pangalang ito, gustong gusto ito ni Le Blainvaux, sinabi niya:
"Alam kong sa Wikang Tsino, ang 'Lao Le' ay nangangahulugang ako ay magiliw at malapit sa kanila."
Sa kasalukuyan, umaabot sa mahigit 100 ang mga dalubhasa at tauhang teknikal ng panig Pranses sa DPCA. Katulad ni Le Blainvaux, pinalalim ng kanilang karanasan sa Tsina ang kaniyang kaalaman at damdamin sa Tsina.
|