• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-10-02 20:24:23    
Setyembre ika-25 hanggang Oktubre ika-1

CRI

Sa ika-2 simposyum sa mataas na antas ng ASEAN, Tsina, Timog Korea at Hapon hinggil sa pagbibigay-tulong sa mga mahihirap na binuksan noong Lunes sa Beijing, nagpalabas ang Tsina ng "Beijing Proposal", kung saan nasasaad na idaraos ang isang pagtatagpo ng mga ministro na may kinalaman sa pagbibigay-tulong sa mga mahihirap tuwing ikalawang taon para mapasulong ang pagbabawas ng kahirapan sa rehiyon at makapagbigay-tulong sa mahihirap na populasyong bumubuo ng dalawang katlo ng populasyon ng daigdig. Nanawagan din ang "Beijing Proposal" sa iba't ibang organisasyong pandaigdig, mga maunlad na bansa, organisasyong panlipunan at iba pa na dagdagan ang tulong sa pagpapaunlad ng mga di-maunlad na rehiyon sa daigdig. Dumating noong Martes sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ang mga opsiyal sa antas na ministeryal mula sa mga bansang ASEAN para pasimulan ang kanilang 4-araw na paglalakbay-suri sa mga gawain ng Guangxi sa pagbibigay-tulong sa mga mahihirap.

Kasiya-siyang nakumpleto na noong isang linggo sa Myanmar ang pag-aabuloy ng Pamahalaang Tsino ng 130 meter-gauge coaches sa Myanmar. Sa turn-over ceremony, ipinahayag ni Qiu Zhipeng, Puno ng Kawanihan ng Daambakal ng Kunming na nakahanda ang kawanihang ito na magsikap, kasama ng may kinalamang panig ng Myanmar, para mapalalim ang kanilang pagtutulungan at maisakatuparan ang win-win situation. Sinabi naman ni Aung Min, Ministro ng Daambakal ng Myanmar na ang pag-abuloy ng Pamahalaang Tsino ng naturang 130 meter-gauge coaches sa Myanmar ay bunga ng walang humpay na pag-unlad ng relasyong pangkaibigan ng dalawang bansa.

Nagdaos noong Miyerkules ang Ministri ng Turismo ng Malaysia ng isang serye ng aktibidad sa Haikou, lunsod sa Lalawigang Hainan sa dakong timog ng Tsina, bilang promosyon ng paglalakbay sa Malaysia.

Mula unang araw hanggang ika-4 ng Nobyembre ng kasalukuyang taon, idaraos sa Nanning, kapital ng Guangxi ng Tsina, ang kauna-unahang Porum ng Tsina at ASEAN hinggil sa Kalakalan at Pamamahala sa Pesticide. Napag-alaman, gagawing tema ng porum na ito ang kalakalan, pamamahala at pagtutulungan ng Tsina at iba't ibang bansang ASEAN hinggil sa Pesticide. Ibayo pang pasusulungin ng porum ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga may kinalamang bahay-kalakal ng Tsina at ASEAN para maitatag ang kooperatibong plataporma ng Tsina at ASEAN sa larangan ng kalakalan ng Pesticide.

       

Sa seremonya ng pagbubukas ng sangay ng Ahensiya sa Pagbabalita ng Malaysia sa Beijing na idinaos noong Biyernes, sinabi ni Zainuddin Maidin, ministro ng impormasyon ng Malaysia, na ang pagdaraos ng Beijing Olympic Games ay magkakaloob ng mainam na pagkakataon para mapahigpit ng mga ahensiya sa pagbabalita ng Malaysia at Tsina ang kanilang pagpapalitan at pagtutulungan sa mas direktang paraan. Sinabi ni Maidin na sa panahon ng Beijing Olympic Games, bilang mga pambansang ahensiya sa pagbabalita ng dalawang bansa, maaaring pahigpitin ng Ahensiya sa Pagbabalita ng Malaysia at Xinhua News Agency ng Tsina ang kanilang kooperasyon sa pagkokober ng palarong ito.

Pormal na naisaoperasyon noong Biyernes ang transnational passenger dedicated line sa pagitan ng Lunsod ng Beihai ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina at Hanoi ng Vietnam. Ang linyang ito ay magkasanib na isinasaoperasyon ng isang transportation company ng Guangxi at isa ng Vietnam. Sumasakay sa bus ang mga turista mula sa kanilang starting point papuntang Friendship Pass at mula doon, sumasakay sa bus ng magkabilang panig papunta sa kanilang destinasyon. Ipinahayag ng may kinalamang tauhan na ang pagsasaoperasyon ng linyang ito ay magbibigay ng malaking ginhawa sa paglalakbay ng mga mamamayan ng Tsina at Vietnam at magpapasulong din sa pagpapalagayang pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa.