• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-10-02 20:25:42    
Listener: Miss Na Miss ko Na Ang Chinese Moon Cake

CRI
Maraming salamat sa lahat ng nagpadala ng National Day at Mid-Autumn Festival greetings. Maraming salamat sa ngalan ng Serbisyo Filipino.

Ang isa sa mga nagpadala ng "Happy National Day, Kuya" at "Happy Moon Cake Festival, Kuya" ay si Liz Bornhauser ng Germany.

Alam niyo, si Liz ay nandito sa China noong 1990's kaya naranasan niya kung paano isini-celebrate ang Mid-Autumn Festival at iba pang mahahalagang kapistahang Tsino. Kaya nang mabanggit ang moon cake para siyang naging nostalgic. Miss na miss na raw niya ito.

Iyan ang moon cake story ni Liz...

At dahil nandito siya noong 1990's, nasaksihan niya ang pag-take-off ng economyng China noong panahong iyon.

Totoo iyong sinasabi niya na noong panahong iyon, mahirap mong makita sa mga pamilihan, maski sa pinakamalalaki pang shopping malls, ang karamihan sa mga item na kailangan mo.

Naalala ko na nagpupunta pa ako sa star hotels para bumili ng paborito kong brand ng instant offee at ng paborito kong after-shave lotion, pabango at kung anu-ano pa. ngayon, ang mga item na ito ay nagkalat sa market at kahit hindi imported magaganda at mahuhusay rin kaya marami kang choices...

Sabi ni Liz, noong nandito pa siya sa Tsina, nagkaroon daw siya ng pagkakataon na makapunta sa ilang mahahalang lugar na panturista at historical. Ang lahat daw ng mga lugar na ito ay nag-iwan sa kaniya ng malalim na impresyon.

Nang madako ang usapan namin sa Great Wall, sa Badaling, sinabi niya:

Iyan naman ang Great Wall story ni Liz...

Pinapayuhan niya aniya ang mga kababayan sa Europe na kung magkakaroon sila ng vacation leave, subukin nilang gamitin ito sa Tsina at hindi sila magsisisi…

At iyan ang long-distance voice natin para sa gabing ito, tinig ni Liz Bornhauser ng Germany...

Ngayon, tunghayan naman natin ang ilang SMS message mula sa ating textmates...

Mula sa 0041792844823:

"Happy Mid-Autumn Festival sa iyo at sa lahat ng miyembro ng staff ng Filipino service at lahat ng kaibigang Chinese. Sana ang mga darating na araw ay maghatid sa inyo ng walang katapusang kaligayahan."

At mula naman sa 919 204 4301:

"Doon sa mga hindi nakakaalam kung bakit ipinagmamalaki naming ang Serbisyo Filipino, bisitahin ang website nito sa ph.chinabroadcast.cn at malalaman ninyo kung bakit?"

Oras na naman para sa pagbabasa ng liham ng tagapakinig dito sa Dear Seksiyong Filipino.

Ang liham na bibigyang-daan natin ay padala ni Vivian Mercado ng Paranaque.

Sabi ng kaniyang liham...

Dear Kuya Ramon,

Happy National Day at Happy Mid-Autumn Festival.

Dapat kung gaano kalaki ang natamong tagumpay ng China sa economic development nito, ganoon din kalaki ang celebration. Makatuwiran lang kung maingay ang celebration, may putukan, ibig kong sabihin. Dapat todo ang inyong enjoyment.

Ipagdiwang din ninyo ang pagtaas ng status ng China sa daigdig. Ngayon, talagang nararamdaman ang impluwensiya ng China kahit saang sulok ng mundo.

Maiba ako, Kuya. Narinig ko na binasa mo nitong nakaraang Linggo ang Olympic SMS ko. Mabuti naman at hindi ito nawaglit sa iyo.

Salamat sa recipe ng Chicken with Peanuts and Chili. Sinubok kong lutuin at nagustuhan naman ng mister ko.

Dumarami ang mga tagapakinig ng iyong Gabi ng Musika. Ito ay dahil sa mga text messages at short notes na binabasa mo. Nakakatuwa naman kasi ang mga laman ng SMS at sulat. Corny iyong iba pero nakakatuwa din.

Ang iyong signal ay maganda o hindi depende sa lagay ng panahon. Sinasabi ko ito sa iyo kasi personal experience ko.

Kumusta na ang health mo, Kuya? Kumakain ka sa oras at bawasan mo ang pagpupuyat. Sana lagi kang malakas para lagi ka naming makapiling sa aming pakikinig.

Salamat sa lahat ng souvenir items at hanggang dito na lang.

God Bless,

Vivian Mercado

Sto. Nino Village

Paranaque, MM.

Thank you so much, Vivian, sa iyong liham at God Bless to you too. Sana maging regular ang pakikinig mo sa amin.

Salamat din sa inyong lahat sa inyong walang sawang pakikinig. Wala na tayong oras. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik...