Dear Kuya Ramon,
Happy National Day at Happy Mid-Autumn Festival.
Dapat kung gaano kalaki ang natamong tagumpay ng China sa economic development nito, ganoon din kalaki ang celebration. Makatuwiran lang kung maingay ang celebration, may putukan, ibig kong sabihin. Dapat todo ang inyong enjoyment.
Ipagdiwang din ninyo ang pagtaas ng status ng China sa daigdig. Ngayon, talagang nararamdaman ang impluwensiya ng China kahit saang sulok ng mundo.
Maiba ako, Kuya. Narinig ko na binasa mo nitong nakaraang Linggo ang Olympic SMS ko. Mabuti naman at hindi ito nawaglit sa iyo.
Salamat sa recipe ng Chicken with Peanuts and Chili. Sinubok kong lutuin at nagustuhan naman ng mister ko.
Dumarami ang mga tagapakinig ng iyong Gabi ng Musika. Ito ay dahil sa mga text messages at short notes na binabasa mo. Nakakatuwa naman kasi ang mga laman ng SMS at sulat. Corny iyong iba pero nakakatuwa din.
Ang iyong signal ay maganda o hindi depende sa lagay ng panahon. Sinasabi ko ito sa iyo kasi personal experience ko.
Kumusta na ang health mo, Kuya? Kumakain ka sa oras at bawasan mo ang pagpupuyat. Sana lagi kang malakas para lagi ka naming makapiling sa aming pakikinig.
Salamat sa lahat ng souvenir items at hanggang dito na lang.
God Bless, Vivian Mercado Sto. Nino Village Paranaque, MM.
|