Ang ika-6 ng Oktubre ay ika-15 ng Agosto ng Chinese lunar calendar, at ito ay napakahalagang tradisyonal na kapistahan ng Tsina: Mid-Autumn Festival. Sa araw na ito, nagtitipun-tipon ang mga pamilyang Tsino para magkakasamang panoorin ang buwan at magbendisyon sa isa't isa.
May mahigpit na kaugnayan ang Mid-Autumn Festival at lunar month. Ayon sa Chinese lunar calendar, nasa gitna ang Agosto sa taglagas, a ika-15 araw ay nasa gitna ng Agosto, kaya ang ika-15 ng Agosto ay tinatawag na "Mid-Autumn". Ipinalalagay ng mga mamamayang Tsino na sa araw na ito, nakikita mula mundo ang pinakamalaki, pinakabilog at pinakamaliwanag na buwan. Ang mga aktibidad ng mga mamamayang Tsino sa Mid-Autumn Festival ay may kinalaman sa buwan na gaya ng pagbibigay-galang at pagnonood sa buwan.
Pinasimulan ang Mid-Autumn Festival sa seremonya ng pagbibigay-galang sa buwan noong sinaunang panahon. Ayon sa sinaunang aklat, lumitaw ang salitang "Mid-Autumn" mahigit dalawang taon na ang nakararaan. Sa panahong iyon, mayroong sistema ang mga emperador na magbigay-galang sa araw kung tagsibol at magbigay-galang sa buwan kung taglagas para bendisyunan ang mabuting ani. Ang "Yuetan"--bantog na arkitektura ng Beijing--ay isang purok kung saan nagbigay-galang sa buwan ang mga emperador noong sinaunang panahon ng Tsina. Sa Tsina, marami ang mga historic site na gaya ng "dambana ng pagbibigay-galang sa buwan" at "gusali ng panonood sa buwan", at marami rin ang mga kuwentong may kinalaman sa buwan.
Sa Dinastiyang Tang noong halos ika-7 siglo, ang Mid-Autumn Festival ay nagsilbing popular na kapistahan. Sa walang-tigil na pag-unlad ng kasaysayan, binigyan ng mga tao ng simbolong "reunion" ang kapistahang ito. Marahil binibigyang-diin ng tradisyonal na kulturang Tsino ang "pagsasama ng langit at tao" at ang kaligtasan, pagsasama-sama at kaligayahan ng buong pamilya, at ang hugis ng buwan sa Mid-Autumn ay naaangkop sa simbolong ito. Sa araw ng Mid-Autumn Festival, sa kawaniran'y nagtipun-tipon ang mga pamilyang Tsino para magkakasamang kumain at panoorin ang buwan para sa pagdadasal ng kaligayahan.
Ang mooncake ay di-mahahalinhang pagkain sa Mid-Autumn Festival. Batay sa bilang ng tao, ang mooncake ay nahati ng taong matanda ng pamilya at ibinigay sa bawat tao na nagpapakita ng pagsasama-sama ng buong pamilya.
Dahil sa pagkakaroon ng Mid-Autumn Festival ng naturan espesyal na simbolo, sa araw na ito, naging mas malalim ng pagmimiss sa lupang tinubuan ng mga tao sa ibang lugar.
Noong unang dako ng taong ito, ang Mid-Autumn ay inilagay sa Intangible Cultural Heritage sa Tsina.
|