Pagdating ng Mid-Autumn Festival, sa lunsod ng Guangzhou na sa Timog Tsina, isang malaking atraksyon para sa mga tao roon ang maringal na palabas ng mga parol.
Nagliliwanag ang libu-libong parol na may iba't ibang hugis, bagay a nagbibigay ng isang pantastikong contrast sa liwanag ng buwan.
Sa Zhejiang Province sa silangang Tsina, ang panonood sa flood tide ng Ilog Qiantang tuwing panahon ng Mid-Autumn Festival ay hindi lamang bagay na kailangang-kailangan para sa mg nakatira roon, kundi isa ring atraksyon para sa mga taga-ibang pook ng bansa. Ang pagkati at paglaki ng tubig ay sumusunod sa paglaki at pagliit ng buwan sa dahilang nagbibigay ang huli sa una ng malakas na gravitational pull. Tuwing Mid-Autumn, nagbibigay ng malakas na gravitational pull. Tuwing Mid-Autumn, nagbibigay ng malakas na gravitational forces sa dagat ang araw, mundo at buwan. Korteng biyugel ang bunganga ng Qiantang River, kaya talagang kahanga-hanga ang "flood tide" na nabubuo sa makipot na bungangang iyon. Nagsisiksikan ang mga manonood sa pampang ng ilog para makita ang umuugong na alon. Sa pinaka-peak nito, umaabot ito sa tatlo at kalahating metro.
Ang mga mamamayan na mula sa iba't ibang bahagi ng Tsina ay may iba't ibang paraan ng pagdiriwang ng Mid-Autumn Festival. Pero, seguradong isa sa mga ito ay nananatili hanggang ngayon a sinusunod ng lahat ng mga Tsino. Ito ay ang pagkain ng moon cake: ang isang klase ng cake na hugis-buwan.
Ayon sa isang kuwento tungkol sa moon cake, noong ika-14 na siglo, hindi na natiis ng mga magsasakang Tsino ang malupit na pamamahala ng mga Mongolian. Binalak nila nang palihim ang isang paghihimagsik isang gabi ng Mid-Autumn Festival. Sinamantala ng mga lider magsasaka ang kaugalian ng pagpapadala ng mga moon cake bilang regalo. Inilagay nila sa ilalim ng mga moon cake ang mga nakasulat na mensahe, para ipaalam sa lahat ng magsasaka ang hinggil sa paghihimagsik. At sa bandang huli, sila ay nanalo.
Sa simula, ang pagkain ng moon cake ay isang tradisyong pampamilya. Pero unti-unting makikita ang mga ito sa mga palengke at tindahan. Magkakaiba ang lasa ng mga moon cake na gawa sa iba't ibang bahagi ng bansa. Halimbawa, ang moon cake ng Beijing ay may manipis na balat at napapalamnan ng beans at jujube paste, kaya napakatamis nito. Samantalang matamis-maalat naman ang lasa ng mga moon cake ng Suzhou sa Timog Tsina, at ang paboritong laman ng mga naninirahan doon ay ang karne at ham. Marahil ang galing sa Canton Province ang pinakamasarap na moon cake. Napakaselang ang mga baker doon sa pagpili ng mga sangkap ng palaman na kinabibilangan ng sesame, almond, walnut, kinudkod na niyog, lotus seed at pula ng itlog. Kaya huwag mong kalilimutang tikman ang lahat ng mga masarap na moon cake sa Mid-Autumn Festival.
|