• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-10-09 19:13:37    
Oktubre ika-2 hanggang ika-8

CRI
Nitong ilang buwang nakalipas, madalas ang pagpapalitang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at mga bansang ASEAN at mabilis ang pag-unlad ng kanilang kooperasyong pangkabuhayan. Ang unti-unting pagpapabuti sa transportasyon, malakas na pagkokompliment sa estruktura ng mga produkto at matatag na pagsasagawa ng plano ng pagpapababa sa tax rate ay nagdulot ng mabilis na paglaki sa kalakalan ng mga produkto sa pagtian ng Tsina at ASEAN. Sa kasalukuyan, ang Tsina at ASEAN ay ika-4 na pinakamalaking katuwang pangkalakalan ang Tsina at ASEAN sa isa't isa. Mula noong Hulyo ng tinalikdang taon hanggang Hulyo ng taong ito, umabot sa 143 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan sa pagitan ng Tsina at ASEAN, na lumaki nang 22% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon. Ang matatag na relasyong pulitikal, at malaking pamilihan ng mga mamimili ay maghahatid ng mabilis na pag-unlad ng pamumuhunan ng Tsina at mga bansang ASEAN sa isa't isa, lalong lalo na sa taong ito, mabilis na lumaki ang pamumuhunan ng dalawang panig sa isa't isa. Hanggang sa noong katapusan ng Marso ng kasalukuyang taon, umabot sa 40 bilyong dolyare ang kabuuang halaga ng pamumuhunan ng ASEAN sa Tsina, at posibleng lalaki nang 60% ang pamumuhunan ng Tsina sa ASEAN. Ayon sa pagsisiwalat ng ministri ng komersyo ng Tsina, sa kasalukuyan, ang pokus ng talastasan ng Tsina at ASEAN hinggil sa malayang sonang pangkalakalan ay ang larangan ng kalakalan sa serbisyo at pamumuhunan, at inaasahang magiging matagumpay na ang talastasang ito.

       

Sinimulan noong Biyernes sa Nanning, lunsod sa timog Tsina, ang "2006 China-ASEAN International Touring Assembly". Ayon sa plano, pagkaraang lumisan ng Nanning ang motor group, papasok sila sa hanggahan mula sa Friendship Pass na nasa hanggahan ng Tsina at Biyetnam, at daraan sila sa anim na bansang ASEAN na kinabibilangan ng Biyetnam, Laos, Thailand, Malaysia, Singapore at Cambodia, at babalik sa Nanning sa ika-26 ng buwang ito. Ipinahayag ng host department na ang taong ito ay ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng dialogue partnership ng Tsina at ASEAN at ng kanilang taon ng pagkakaibigan at pagtutulungan, at ang naturang motor rally ay magiging isang paglalakbay na pangkultura at pangkaibigan para sa pagpapalalim ng kanilang kaibigan at pagpapalakas ng kanilang paguunawaan.

       

Lumagda noong Biyernes sa Bali Island, Indonesia sina Bo Xilai, Ministro ng Komersyo ng Tsina at Mari Pangestu, Ministro ng Kalakalan ng Indonesia sa limang kasunduang kinabibilangan ng kasunduan hinggil sa pagtutulungan dalawang bansa sa larangan ng kabuhayan at teknolohiya, at nangulo sila sa seremonya ng pagsisimula ng website ng Tsina at Indonesia hinggil sa kanilang pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan. Batay sa kasunduan ng dalawang bansa hinggil sa kanilang pagtutulungan sa larangan ng kabuhayan at teknolohiya, magkakaloob ang Tsina ng walang bayad na tulong ng 20 milyong Yuan, RMB sa Indonesia para makatigan ito sa pagpigil at pagkontrol sa bird flu.

Nilagdaan noong isang linggo ng China Banking Regulatory Commission at Bangko Sentral ng Thailand ang isang memorandum of understanding o MoU hinggil sa magkasanib na pagpapasulong ng kooperasyon ng dalawang panig sa pagsasagawa ng transnasyonal na superbisyon at pangangasiwa sa mga bangko. Napag-alamang hanggang noong katapusan ng nagdaang Agosto, may 9 na sangay ang mga bangkong Thai sa Tsina at 1 sangay ang bangkong Tsino sa Thailand. Ayon sa naturang MoU, magtutulungan ang mga bangkong regulatory departments ng Tsina at Thailand sa mga aspekto ng pagpapalitan ng impormasyon, market access, on-the-spot inspection at iba pa.

Sa panahon ng katatapos na 7 araw na bakasyon ng Pambansang Araw ng Tsina, mahigit 4 na libong turistang Tsino ang naglakbay sa ibang bansa sa pamamagitan ng sea route mula Lunsod ng Beihai ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina patungong Ha Long ng Vietnam at sa gayo'y ang naturang sea route ay naging isang may kaginhawahang rutang palabas para sa mga turistang Tsino. Napag-alamang ang naturang sea ruote ay umaakit sa sirkulo ng turismo ng Vietnam. Naaprobahan na ng pamahalaan ng Vietnam na maglakbay sa Tsina ang mga mamamayan nito sa pamamagitan ng sea route at pinaplano naman ng mga sirkulo ng turismo ng Tsina at Vietnam ang rutang panturismo. Tinatayang maisakatuparan sa loob ng kasalukuyang taon ang two-way transportasyon ng mga turista ng dalawang bansa.