Ang rehiyon ng Bijie sa Lalawigang Guizhou ng Tsina ay dati isang napakahirap na purok na bulubundukan at hindi malutas ng halos 60% ng populasyon nito ang problema ng pagkakaroon ng sapat na pagkain at pananamit, at halos 50% ng populasyong ito ay illiterate o semi-illiterate. Ngunit, simula noong 1988, sa rehiyon ng Ka Site na itinuturing ng may kinalamang organo ng UN na no man's land, lumikha ang mga mamamayang lokal ng milagro sa eksistensiya at pag-unlad ng sangkatauhan: ang taunang bahagdan ng paglaki ng kabuhayan sa rehiyong ito ay mas mataas kaysa karaniwang lebel ng buong lalawigan; at ang mahirap na populasyon ay bumaba sa mga 600 libo mula 4 milyon. Paano naganap ang naturang milagro?
Ang naturang pagbabago ay nagsimula noong 1988. Si Hu Jintao, dating pangkalahatang kalihim ng Lalawigang Guizhou noong panahong iyon, ay nagharap ng ideya ng pagtatatag ng "testing area para sa pagbibigay-tulong sa mga mahihirap at sa konstruksyong ekolohikal" sa rehiyon ng Bijie. Sinuportahan ito ng pamahalaang sentral, at sa naturang taon, pormal na binuo ang nasabing testing area, at inangkupan ng temang "paggagalugad para sa pagbibigay-tulong sa mga mahihirap, konstruksyong ekolohikal, pagkontrol sa populasyon" para mabago ang masamang kalagayan ng pamumuhay ng mga residente doon.
Noong 1988, itinatag ang "grupo ng mga sugo para sa matalinong pagbibigay-tulong sa mga mahihirap" na binubuo pangunahin na, ng walong demokratikong partido at paksyon at pederasyon ng industriya at komersyo ng Tsina, at sinimulan nila ang aksiyon ng pagbibigay-tulong sa rehiyon ng Bijie.
17 taon na ang nakalipas mula noon. Lumaki nang halos 10 ulit ang kita ng mga magsasaka sa lokalidad, at inisyal na naisakatuparan ang hangarin ng paggagalugad para sa pagbibigay-tulong sa mga mahihirap. Isinalaysay ni Li Yining, kilalang ekonomistang Tsino at puno ng grupo ng mga dalubhasa sa testing area ng Bijie na:
"Kung paanong mapapataas ang kita ng mga magsasaka sa lokalidad ay isyu na lagi naming pinahahalagahan. Ang mahalagang nilalaman ng may harmoniyang lipunan ay ang walang humpay na pagpapataas sa antas ng pamumuhay ng mga magsasaka. Mula sa Bijie testing area, alam natin kung paanong mapapabuti ang mga gawain ng pagbibigay-tulong sa mga mahihirap at ng konstruksyong ekolohikal."
Nitong dalawang taong nakalipas, nagkaroon ng magandang buhay ang mga magsasaka sa lokalidad. Ito ay napakahirap na maisakatuparan para sa isang purok na bulubundukin na mahigit dalawang libong metro ang taas sa lebel ng dagat.
Nitong 17 taong nakalipas, lubos na nagpapatingkad ang iba't ibang demokratikong partido at paksyon at pederasyon ng industriya at komersyo ng Tsina ng kanilang bentahe, at aktibo silang lumalahok sa mga gawain ng pagbibigay-tulong sa mga mahihirap sa Bijie. Sa Bijie testing area, batay sa aktuwal na kalagayan sa lokalidad, nagharap ang grupo ng mga dalubhasa ng mga pragmatikong mungkahi at palagay. Ipinalalagay ni Ginoong Jiao Pingsheng, kagawad ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, CPPCC na ang pagkakamit ng bunga ng pagbibigay-tulong sa mga mahihirap sa Bijie ay isang magandang manipestasyon ng pakikilahok ng iba't ibang demokratikong partido at paksyon sa mga suliranin ng pamahalaan at pagpapatingkad nila ng demokratikong superbisyon. Sinabi niya:
"Ini-uugnay namin ang pagbibigay-tulong sa mga mahihirap sa Bijie sa pakikilahok sa mga suliranin ng pamahalaan. Sa proseso ng pagbibigay-tulong sa mga mahihirap sa Bijie, kung may matutuklasang mga problema sa proseso ng modernisasyon ng bansa, at pasusulungin ang kalutasan ng naturang mga problema, parang naisakatuparan na rin ang tungkulin ng pakikilahok sa mga suliranin ng pamahalaan."
Sa ilalim ng pagtulong ng mga demokratikong partido at paksyon at pederasyon ng industriya at komersyo ng bansa, pinalakas ng masa ng mga magsasaka ang kanilang kakayahan sa market economy. Sinabi ni Gu Jiu, kinatawan ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, NPC at opisyal ng rehiyon ng Bijie na:
"Nitong 17 taong nakalipas, sa pamamagitan ng panahon at pagsisikap, pinatutunayan ng iba't ibang demokratikong partido at paksyon at pederasyon ng industriya at komersyo ng bansa ang kanilang pag-asa para sa may harmoniyang lipunan. Ang anumang mahalagang proyekto at progreso ng Bijie, ay utang sa kanilang pagtulong sa Bijie sa iba't ibang aspekto. Ito ang naghatid sa halos 7 milyong residente ng Bijie na tumatahak sa landas ng maalwang buhay."
|