kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Dear Seksiyong Filipino 2006.
Salamat kina Let Let Alunan, Divine Kierrulf, Liz Bornhauser at iba pang kababayan sa Germany, Switzerland, Denmark at Finland. Sa pagpapakita nila ng pagpapahalaga sa aming on-line service.
Nitong ilang buwan nagdaan, marami kaming natanggap na feedbacks mula sa mga kababayan sa Europe. Nasumpungan daw nila ang website namin at mula noon lagi na nila itong binibisita. Well-organized daw ito at maraming columns.
Sa pag-uusap namin sa telepono ni Erika Reyes noong isang lingo, nabanggit niya ang hinggil sa pagdami o paglaki ng circle of friends namin sa Europe. Magandang development daw ito at natutuwa siyang marinig ang balitang ito.
Ang totoo hindi lang naman sa on-line service namin nakikinig ang mga kababayang ito na namamalagi na sa Europe. Marami rin sa kanila ang nakakatanggap ng signal namin sa short-wave kahit hindi lagi-lagi dahil sabi nila depende sa lagay ng panahon. Nang malaman ko nga nasabi ko sa sarili ko na may kalakasan pala ang signal namin.
Alam niyo itong si Erika ay mahilig makinig sa aming letter-reading at text-reading portion. Nahihinuha daw niya sa tipo ng mga mensahe ng aming textmates at letter senders na sila ay hindi lang DX-ERS kundi on-line listeners at web-surfers din. Marahil daw ito ang dahilan ng paglaki ng aming circle of friends sa labas ng ASEAN, Australia at Gitnang-Silangan.
Katulong din si Erika ng mga humihimok sa mga kababayan sa Europa na bumibista sa Tsina at Kasiyahan ang mga pambihirang tanawin at mga makasaysayang pook ng bansa. Sabi niya hindi kayo mapapahiya sa inyong sarili.
Mukhang maraming kababayan sa Europe ang magse-celebrate ng Christmas dito sa Beijing, ah.
At iyan ang ating long-distance voice para sa gabing ito, tinig ni Erika Reyes, on-line listener at active contributor ng Serbisyo Filipino.
Bago tayo dumako sa ating letter-reading portion, tunghayan muna natin ang ilang SMS mula sa ating textmates.
Mula sa 9215779195, "Narinig ko sa Dear Seksiyong Filipino na sa digmaan ng Israel at Lebanon walang panalo, lahat talo. May panalo-iyung mga nagbebenta ng armas."
At mula naman sa 9158829932, "Salamat sa Serbisyo Filipino. Maraming natututuhan ang mga Pilipino. Iyong magsasabi na walang natututuhan ay kung hindi bingi walang radyo."
Oras na naman para sa pagbabasa ng liham ng mga tagapakinig dito sa Dear Seksiyong Filipino. Ang liham na bibigyang-daan natin ngayong gabi ay padala ni Penny Cinco ng Bulacan.
Sabi ng kaniyang liham…
Dear Kuya Ramon,
Sana nasa mabuti kayong kalagayan.
Meron lang akong ilang bagay na gusting sabihin.
Iyong program mo tungkol sa moon cake story ng isang babae sa Germany-talagang maski ako mamimiss ko rin ang moon cake kung palagi kong kinakain ito at enjoy ako sa lasa tapos biglang mawawala sa buhay ko. Siyempre hahanap-hanapin ko ito.
Tungkol naman sa kaniyang Great Wall story, iyong kasabihan na pag hindi ka nakapanik sa itaas ng Great Wall hindi ka tunay na lalaki ay walang kinalaman sa gender o pagkalalaki. Tunay na lalaki means malakas. Siguro ito rin ang point ng taga-Germany nang tukuyin niya ang sarili na "tunay na babae".
Kasundo ko ang bigay mong traditional Chinese medicine. Iniinom ko following the prescription. Unti-unti ko nang nararamdaman ang epekto sa ibang parte ng katawan na tulad ng iniinom ko dati.
Maganda rin ang bigay mong native bag pero hindi iyon made in China. Made in Nepal. Lagi kong gamit. Ang sarap dalhin. Attractive na attractive.
Naipadala ko na ang sagot ko sa iyong Knowledge Contest at Guessing Games. Sana mapanalunan ko ang transistor radio at iba pang special prizes.
Marami sigurong foreigners ang magpupunta diyan sa taon ng pagdaraos ng Olympics. Sabi nila ngayon pa lang daw marami nang reservation. Totoo ba iyan?
Mahaba ba o maiksi ang sulat na ito para sa iyong DSF program?
God Bless sa inyong lahat!
Penny Cinco,
Marulas, Bulacan
Maraming salamat, Penny, sa iyong liham at sa iyong active participation sa aming mga programa. Huwag kang magsasawa, ha? Thank you uli at God Love You.
Hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Maraming salamat sa iyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaala-alang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.
|