• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-10-16 18:17:20    
Kabundukan at katubigan sa Guilin

CRI
May mga katagang nakikintal sa isip ng mga manlalakabay na dayuhan sa Tsina: kung gusto ninyong bisitahin ang mga historikal na relikya ng Tsina, pumunta kayo sa lunsod ng Xi'an; kung gustong bisitahin ang kabundukan at katubigan ng Tsina, pumunta sa Guilin. Ngayon, pupunta tayo sa Guilin para magtamasa ng magagandang likas na tanawin nito.

Ang Guilin ay isang kilala sa daigdig na lugar na pan-turista na matatagpuan sa Rehiyong Awtonomo ng Nasyonalidad na Zhuang ng Guangxi ng Tsina. Sinabi ng isang popular na kawikaang Tsino na sa isang lugar kung saan may katubigan, mayroon ding kapangyarihang milagroso ang himpapawid at lupa. Ang Ilog ng Lijiang ay nagsisilbing kaluluwa ng kabundukan at katubigan sa Guilin. May habang 83 kilometro, ang ilog na ito ay ang talagang tinatawag na "kinatawan" ng mga kabundukan at katubigan sa Tsina. Mula lunsod ng Guilin patungo sa bayan ng Yangshuo, maraming magagandang likas na tanawin sa magkabilang pampang ng Ilog Lijiang, at lahat ng mga ito ay nagsisilbing mga tradisyonal na Chinese painting.

Sa bahagi ng Ilog Lijiang na nasa loob ng teritoryo ng bayan ng Yangshuo, isang gabi ng kasiyahan, awitin at sayawan, na tinatawag na "impresyong dulot ni Madam Liu Sanjie" ang itinanghal.

Mahigit 600 performers ang lumahok sa nasabing pagtatanghal, at ang karamihan sa kanila ay mga magsasakang lokal, at hindi talagang mga propesyonal na aktor. Ipinakikita ng pagtatanghal sa mga manonood ang normal na pamumuhay ng mga mangingisda sa Ilog Lijiang at ang magiliw na damdamin ng mga pambansang minoriya, gaya ng mga larawan ng pangingisda, pagbubukid, at ng mga kuwentong tungkol sa Nasyonalidad na Zhuang. Ang lahat ng mga ito ay ganap na tumutugma sa kabundukan at katubigan.

Ang nabanggit na pagtatanghal na ang gamit na background ay tunay na kabundukan at katubigan ay nasa patnubay ni Ginoong Zhang Yimou, kilalang direktor sa pelikula sa Tsina. Sapul noong Oktubre ng taong 2003, lagi nang dinudumog ng mga manonood ang lahat ng mga palabas.

Sina Mr. Thomas Laubis at Mrs. Martina Laubis, na mula sa Alemanya, ay lubos na humahanga sa mga pagtatanghal na ito. Ito ang kanilang kauna-unahang biyahe sa Tsina. Isang linggo lamang ang kanilang planong paglalakbay sa Tsina. Pero, sa unang araw pa lamang ay labis na silang nagayuma ng magagandang tanawin ng Guilin.

Tulad ng sinabi nina Mr. and Mrs. Laubis, patuloy na pagdagsa sa Guilin ang mga manlalakbay na dayuhan dahil sa walang katulad na magagandang likas na tanawin nito at mayroon na ring mga manlalakbay na dayuhan na namalagi na rito. Si Alfonso Exposito, isang Australian, ay isa sa kanila. 5 taon na ang nakararaan, pumarito siya sa Yangshuo at naninirahan dito, at nagpakasal sa isang babae sa lokalidad. Ngayon, mayroon na silang isang anak at nagpapatakbo sila ng isang bar sa lokalidad.

Bukod sa mga manlalakbay na dayuhan, marami ring matataas na lider ng iba't ibang bansa ang bumibisita sa Guilin. Hanggang sa kasalukuyan, mga 108 puno ng estado na ang nakaparito sa Guilin na kinabibilangan ni dating pangulong Richard Nixon ng Estados Unidos. Ayon sa kanya ang Guilin ang pinakamagandang lunsod sa mahigit 100 lunsod sa daigdig na nabisita niya.

Kasabay ng pag-unlad ng industriya ng paglalakbay ng daigdig, may mga lumitaw ding ilang problemang pang-kapaligiran sa maraming purok na pan-turista. Kaugnay dito, ipinahayag ni Ginoong Chen Yunchun, pangalawang puno ng kawanihan ng paglalakbay ng lunsod ng Guilin na ang pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal ay nagsisilbing pundamental na prinsipyo sa paggagalugad sa mga proyektong pan-turismo. Sinabi niyang,

"Ang pangangalaga sa kapaligiran ay nasa unang puwesto sa takbo ng pagpapasulong ng lunsod. Kinakatigan ng pamahalaan ang pagpapa-unlad ng mga industriya ng high-tech, sa halip ng mga industriyang nakaka-apekto sa pangangalaga sa kapaligiran."

Kung gusto ninyong umalis sa ingay at gulo ng mga lunsod, pumarito kayo sa Guilin at kasisiyahan pa ninyo ang mga walang katulad na likas na kultura ng Tsina.