Kaugnay ng paghahambing sa kalagayan ng nabigasyon ni Zheng He sa Western Pacific Ocean at Indian Ocean at ng mga maglalayag ng mga bansang kanluranin, lalo na pagdating sa saklaw ng kanilang nabigasyon, may pagkakaiba ng palagay sa sirkulong akademiko ng Tsina. Ngunit, nagkakaisa naman sila ng palagay sa isang bagay na mas malaki ang saklaw ng pangkat ni Zheng He kaysa sa pangkat nina Christopher Columbus, nabigador ng Italya at Vasco da Gama ng Portugal. Mas malaki ang bilang ng mga bapor at tauhan ng pangkat ni Zheng He at mas mahaba ang ruta ng kaniyang paglalayag. Bukod dito, sa takbo ng paglalayag sa karagatan ni Zheng He, naisakatuparan nito hindi lamang ang pakikipagpalitang pangkaibigan at patas na pakikipagkalakalan sa mga naninirahan sa lokalidad, kundi maging ang ligtas na pag-uwi. Kaya, magagawa natin ang paghahambing sa 6 na aspekto.
Una, bilang at uri ng mga bapor ng pangkat. Kung ihahambing ang bilang at uri ng mga bapor ng pangkat, mas malaki ang saklaw ng sa pinamumunuan ni Zheng He kaysa sa pangkat nina Christopher Columbus at Vasco de Gama. Umabot nang karaniwan sa 260 ang bilang ng mga bapor ng pangkat ni Zheng He, at ang kaniyang pinakamalaking bapor ay umabot sa mga 148 metro ang haba at mga 60 metro ang lapad, at ang pangkat nito ay binubuo ng command ship, supply ship, warship at iba pa.
Ngunit, ang pangkat ni Columbus ang binuo ng 3 sailing boat sa kaniyang paglalayag noong 1492 mula sa Spania, at ang kaniyang pinalamalaking boat ay 34 metres long. Vasco da Gama naman, noong 1497, 4 na bapor ay bumuo ng kaniyang pangkat, 80 feet long ang kaniyang command ship. Noong 1519, sa kaniyang global navigation, 5 sailing boat ang ginamit ng isa pang Portuges, Ferdinand Magellan.
Ikalawa, bilang ng mga tao sa pangkat. Umabot sa mga 27,000 ang bilang ng crew sa paglalayag ni Zheng He sa karagatan at ito ay kinabibilangan ng mga opisyal,sundalo, duktor, mangangalakal at iba pa, at ang mga ito ay may kani-kaniyang tungkulin. Ang pinakamalaking bilang ng mga tauhan sa pangkat ni Columbus ay umabot lamang sa 1200 hanggang 1500. Umabot naman sa 170 ang bilang ng crew sa paglalayag ni Vasco da Gama noong 1497 at 268 naman ang kay Magallanes.
Ikatlo, ang tagal at dalas. 7 paulit na paglalayag sa karagatan ang ginawa ni Zheng He sa loob ng 28 taon mula noong 1405 hanggang 1433. Si Columbus naman may 4 na paglalayag sa karagatan sa loob ng 13 taon simula noong 1492 hanggang 1504; 2 ulit naman ang kay Vasco da Gama sa loob ng 6 taon simula 1497 hanggang 1503; samantalang ang paglalayag naman ni Magallanes ay tumagal ng 2 taon lamang.
Ikaapt, haba ng paglalayag-dagat. Naisakatuparan ng biyahe ni Zheng He ang ruta ng transportasyong pandagat mula sa Tsina hanggang sa mga lugar sa baybaying dagat ng Silangang Aprika at umabot ang kaniyang biyahe sa kabuuang habang mga 15000 milya. Ang biyahe ni Colombus mula Europa hanggang baybaying Caribbean Sea ay umabot sa mahigit 5100 milya at umabot naman sa mga 15000 milya ang biyahe ni Vasco da Gama mula Aprika hanggang India.
Ikalima, paraan ng pag-oorganisa ng paglalayag. Ang nabigasyon ni Zheng He ang isang pampamahalaang aksyong diplomatiko na sumasailalim sa pamamahala ng pamahalaang sentral ng Ming dynasty. Ngunit, ang paglalayag sa karagatan nina Colombus at Vasco Da Gama ay nagsisilbing mga pribadong aksyon ng paggagalugad at pag-aaral.
Ikaanim, teknolohiya ng nabigasyon. Noong ika-15 dekada, mas maunlad ang teknolohiya ng silangan kaysa sa kanluran sa paggawa ng bapor at nabigasyon, lalo na sa paggamit ng ship motion technology. Ngunit, minana ng kanluran ang mga maunlad na teknolohiya ng silangan sa ship-making at navigation, at maging mas maunlad pa ang kanluran kaysa sa silangan sa larangang ito.
|