Nagpadala noong Lunes si premyer Wen Jiabao ng Tsina ng mensahe bilang pagpapahay ng kanyang pakikiramay kay Surayud Chulanont, punong ministro ng Thailand kaugnay ng pagbaha sa Thailand. Sinabi ni Wen na nagkaroon kamakailan ng grabeng pagbaha sa Thailand at ipinapahayag niya, sa ngalan ng Tsina, ang kaniyang pakikidalamhati at pakikiramay sa mga mamamayan sa purok ng kalamidad. Nananalig siyang sa pamumuno ng pamahalaang Thai, mapagtatagumpayan ng mga mamamayan ang kahirapang dulot ng kalamidad. Napag-alamang sapul nang maganap ang baha, 47 tao na ang namatay samantalang ang kapinsalaang pangkabuhayan ay mahigit 8 milyong dolyares.
Magkahiwalay na kinatagpo noong Huwebes sa Bangkok ni punong ministro Surayud Chulanont at ng Pinakamtaas na Komander ng sandatang lakas ng Thailand si dumadalaw na Liang Guanglie, puno ng pangkalahatang estado mayor ng People's Liberation Army at kasapi ng lupong militar ng komite sentral ng Partido Komunista ng Tsina. Sinabi ni Liang na lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang pagtutulungan at pagkakaibigan ng dalawang bansa, at nasisiyahan sa mainam na tunguhin ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa na nananatili nang mahabang panahon, at pinasasalamatan din nito ang panig Thai sa pagkatig nito sa Tsina sa mga isyu ng Taiwan, Tibet, Falungong at iba pa. Sinabi naman ni Surayud na buong tatag na pauunlarin ng kaniyang bansa ang estratehikong partnership nila ng Tsina at luboas na pinasasalamatan ng pamahalaan at mga mamamayang Thai ang mga pagkatig na ibinibigay ng Tsina sa kanila.
Idinaos noong Biyernes sa Beijing ang resepsyon bilang pagdiriwang sa ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Brunei. Tinukoy sa resepsyon ni Jing Dunquan, pangalawang puno ng Samahan para sa pakikipagkaibigan ng Tsina sa ibayong dagat nitong nakaraang 15 taon sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Brunei, maalwan na ang pag-unlad ng kanilang relasyon, may mainam na tunguhin ang kanilang kooperasyong pangkaibigan, patuloy ang pagdadalawan sa isa't isa sa mataas na antas ng 2 bansa at walang humpay na lumalawak at lumalalim ang kanilang pagpapalitan at kooperasyon sa iba't ibang larangan. Dumalo sa resepsyon si embahador Abdul Hamid ng Brunei at ang kanyang maybahay. Mataas na pinapurihan nila ang pagkakaibigan ng 2 bansa sa mahabang panahon. Ipinahayag din niyang nakahanda ang kaniyang bansang pasulungin, kasama ng Tsina ang kanilang relasyong pangkaibigan.
Hanggang nakaraang linggo, ang buong halaga ng mga kontrata na itinakdang lagdaan sa ika-3 Tsina-Asean Expo ay umabot na sa 16.6 bilyong dolyares na lumaki ng 10.2 bilyong dolyares kumapara sa nagdaang ekspo. Ayon pa sa ulat, sa mga proyektong matitipon ng naturang expo, ang Tsina ay may 294 na proyekto ng pakikipagkooperasyon sa labas at 6765 proyekto ng pagpapasok ng puhunang dayuhan, at sa mga ito, ang proyekto ng pagpapasok ng puhunang dayuhan ng mga bansang Asean ay umabot sa 501.
Sa kaniyang pagdalo sa "Round-Table Conference ng mga Ministro ng Edukasyon" ng Porum sa Edukasyon ng Asya na idinaos dito sa Beijing noong Sabado, ipinahayag ni Zhou Ji, Ministro ng Edukasyon ng Tsina na nakahanda ang Tsina na palakasin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa iba't ibang bansang Asyano sa larangan ng edukasyon. Sinabi niyang dapat itatag ng sirkulo ng edukasyon sa mataas na antas ng iba't ibang bansang Asyano ang bilateral at multilateral na mekanismo ng pagsasanggunian at magsagawa ng pagtutulungan sa magkakasamang pagsasanay ng mga talento sa mataas na lebel at itatag ang mekanismo ng pagpapalitan ng mga iskolar at mag-aaral at magsagawa ng substansiyal na pagsasanggunian hinggil sa pagpapalitan ng rekord ng edukasyon sa pagitan ng mga Pamahalaan sa lalong madaling panahon para mapasulong ang paglagda sa kasunduang may kinalaman sa pagkilala sa digri at rekord ng edukasyon sa pagitan ng mga bansang Asyano. Dumalo sa naturang pulong ang mga Ministro o Pangalawang Ministro ng Edukasyon na galing sa 41 bansa sa rehiyon ng Asya-Pasipiko, at nagsanggunian sila hinggil sa pagpapalakas ng kanilang pagtutulungan sa larangan ng edukasyon sa rehiyong ito.
Pormal na sinimulan noong Lunes sa Nanning, kabisera ng Rehiyong Automonong Zhuang ng Guangxi sa dakong timog kanluran ng Tsina, ang ika-6 na pandaigdig na mataas na klase para sa adcanced studies ng mga kabataang kadre. Sa natuang class, may 19 na estudyanteng Pilipino at 20 estudyanteng Laosyano. Tatagal nang dalawang buwan ang klaseng ito. Sa panahon ng pagsasanay, mag-aaral ang naturang estudyante ng pulitika, kabuhayan, kultura ng Tsina, at bibisita sa iba't ibang rehiyon ng Guangxi, baybaying rehiyon at Beijing para pasulungin ang pagpapalitan at kooperasyon ng mga kabataan ng Tsina at mag kabataan ng Pilipinas at Laos.
Tumulak sa Laos noong isang linggo ang ika-6 na batch ng kabatang boluntaryo ng Shanghai ng Tsina at pinasimulan ang kanilang kalahating taong kusang loob na paglilingkod doon. Ang nasabing 13-taong grupo ay maglilingkod sa kalusugan, edukasyon sa wikang Tsino at ingles, pagsasanay ng computer, pagtuturo ng palakasan at iba pang larangan sa Laos.
|